"Hindi ko alam kung paano. I... I am too broken to be near you. Masasaktan ka lang sa mga bubog ng pagkatao ko," ang nasabi ko sa ilang minutong pananahimik."But wounds can heal, Red," umabante siya papalapit sa 'kin. "Some turn into scars, and some disappear. We won't even remember we got hurt."
"H-hindi ko alam, Malko..." tanging sagot ko.
"Do you know what's fascinating about our bodies?" napataas ako ng tingin sa kanya. "We can heal ourselves when we get wounded. Our body has its way of filling the cuts and scrapes we have over time. We sometimes don't need help from others. All you need is yourself, and you'll be fine."
Umiling ako. "Masyadong malalalim ang mga sugat na nakuha ko mula sa naging karanasan, nag-iwan na iyon ng marka sa buhay ko."
"Why do you think we have doctors and medical personnel when we can heal ourselves alone?" hindi ako sumagot. "Because there are serious wounds that need to be treated properly. There are instances when the cut we have is deep. So deep that we can't heal it on our own."
I didn't know what to say, so I listened to him. His voice seemed louder than everyone else's, and I couldn't help but feel warmth from it.
"There is nothing wrong in seeking help when you can't handle your wounds, Red. Big or small, shallow or deep, every cut needs to be taken care of to avoid further destruction," he continued.
Namutawi ang katahimikan dahil minabuti kong hindi sumagot at sa baba lang tumingin. Lumapit pa si Malko sa 'kin at nagdikit ang terno naming mga sapatos. That genuinely made me smile.
"The scars you have is a reminder that you have survived your battles. You can always choose whether to forget or to look back. And whatever your decision will be, I'll be right beside you," he continued.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya na may luha sa pisngi. Maingat niya iyong pinunasan gamit ang palad niya bago muling nilahad ang kamay sa harap ko.
"We will create a world far different from what you had," he smiled. "A realistic but a less cruel one."
Patuloy ang pag-agos ng luha ko ngunit may ngiti na ngayon sa labi. Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya at mabilis niya iyong hinawakan na nakangiti. Magkahawak-kamay naming nilisan ang lugar na nasaksihan ang paghihirap ko.
I smiled as a thought crossed my mind, thinking a less cruel world would be nice. And as long as he's in the same world as mine, everything should be fine.
Magkatabi kami ni Malko sa likod ng kotse. Parehong nanghihina at sugatan. Nakasandal ako sa balikat niya at siya naman sa tuktok ng ulo ko. Hinuli niya ang duguan kong kamay at hinalikan iyon bago pinulupot sa damit niya para matigil ang pagdurugo. Ngumiti ako kahit hindi niya iyon nakikita.
Mabilis ang pag-drive ni Kuya Carlos hanggang sa nakarating kami sa mansion nila. Sinalubong kami ng mga maid sa baba at halatang gulat sa itsura ng amo nila.
"Sir Larson! Ano ba itong pinasok mong bata ka!" tarantang bulalas ni Nana. "Bilisan niyo na't nasa taas na si doktora!"
"I'm okay, Nana," nilingon niya ako. "Si Alfred nga po pala."
Lumipat ang tingin sa 'kin ng matanda kaya napayuko ako. Nagkaganyan ang amo nila dahil sa pamilya ko kaya dapat lang na mahiya ako sa kanila.
"Nobya mo?" tanong ng matanda.
"Hindi pa po," ngumisi si Malko. "Pero magiging kami rin."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Nabugbog ka na't lahat, ganyan pa ang iniisip mo."
Dumila lang siya at humarap kay Nana. "Nakalimutan mo na ba siya? 'Yong niligtas ko sa rooftop noon? Ilang beses na siyang bumalik dito, ah. Naku, sign of aging, Nana."
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomansaLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...