"I don't know if I should pursue law," pag-iiba niya ng usapan.Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit naman?"
"Baka 'di ko kayanin," nakatungo niyang saad.
Disappointment was evident in his voice. Knowing Malko, he has his ways of excelling in academics. Magaling siya sa memorization at reporting. But I can say his strength is analyzation. Mukha lang siyang hindi interesado sa mga discussion pero magugulat ka na lang at naipapasa niya lahat ng quizzes. He's lowkey smart, and I didn't realize he was doubting his skills.
"Lawyer ang papa mo, sigurado akong marami kang matututunan sa kanya habang pinag-aaralan 'yon," malumanay kong sabi. "Pero ikaw pa rin naman ang masusunod. Choose wisely para wala kang pagsisisihan sahuli."
He smiled a little. "How about you? What are your plans?"
"Ewan," nagkibit-balikat ako. "Baka maghanap muna ako ng trabaho o mag-aaral ng cosmetology sa TESDA."
"Cosmetology?" tanong niya na tinanguan ko. "I didn't know you were that interested with makeup."
"Hindi lang naman tungkol sa makeup 'yon, eh," sagot ko. "Marami ka pa talagang hindi nalalaman tungkol sa 'kin, Malko."
"Edi aalamin ko," lumapit siya bahagya sa 'kin. "I want to know more about you, Alfreda Guevero."
Umismid ako nang maalalang wala namang maganda sa buhay ko. "Huwag na. Baka hindi mo kayanin ang mga pasabog ng buhay ko."
"Try me."
I couldn't help but look at his eyes. His coffee brown eyes. Ang sabi ng iba ay 'yon ang asset niya, pero mali sila. Kaagad na bumaba ang mga mata ko sa pinaka-nakakaakit na parte ng mukha niya—ang natural na mapula at makapal niyang labi. Lagi siyang inaasar na para raw siyang nakagat ng bubuyog sa kapal at laki niyon.
Ang swerte naman ng bubuyog na 'yon, naunahan pa ako.
Bigla siyang napanguso dahilan para mas mamilog iyon. "Huwag mong titigan kung 'di mo rin naman hahalikan."
Inismidan ko siya. "Sus, hanggang salita ka lang naman."
"Edi, subukan mo," panghahamon niya.
"Kasingkapal talaga ng labi mo 'yang mukha mo. May dumi kasi, punasan mo," palusot ko.
Kumuha naman siya ng tissue at pinunasan ang bibig niya kahit wala naman talagang dumi roon. Matapos gawin iyon ay humarap siya sa 'kin at bumuntong-hininga.
"You know what? Gusto kong mag-back out sa pageant," bigla niyang sabi.
"Ha?! Bakit? Next week na 'yon, ah?" gulat kong tanong.
Umiling siya. "Basta."
"Ang arte Malko, ha?! Bakit nga?" hindi siya sumagot at tumingin sa malayo.
Inis kong kinumot ang isang tissue at binato sa kanya. Tumama iyon sa bibig niya kaya agad siyang bumaling ulit sa 'kin bago ngumisi.
"Target talaga nito ang lips ko," nang-aasar niyang usal.
Hindi ko 'yon pinansin. "Bakit nga gusto mong mag-back out? Ano'ng problema?"
Nakita ko ang paggalaw ng bukol niya sa lalamunan, ang mabilis niyang pagkurap at ang pagdadalawang-isip na tumingin sa 'kin.
"May kinalaman ba 'to sa partner mo?" tanong ko na hindi niya rin sinagot. "So, tungkol nga kay Ruby?"
Umiling siya noong una ngunit kalauna'y tumango. "Baka kasi magselos ka."
Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang matawa dahil mukha siyang seryoso sa nasabi. Nahihiya pa itong tumingin sa 'kin at parang tangang umiiwas makipagtitigan.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...