Chapter 27

933 16 3
                                    


"Alfred! I'm so glad you came!" Ruby exclaimed as she saw me entering the building where we were supposed to meet.

Ito na naman siya. Akala mo'y 10 years na kaming magkaibigan.

"Feeling close mo talaga," biro ko sa kanya.

"What? I'm friendly naman talaga, eh!" asik niya sa 'kin. "Buti natuloy ka."

"Para sa grades 'to, eh," kibit-balikat kong saad.

I contacted Ruby personally para sa final assignment na binigay ni Ms. Filo before mag-umpisa ang second semester. She wanted her school to have an official partnership with Dear Beauty. Sakto namang may photoshoot sina Ruby ng new upcoming products kaya bibigyan niya raw ako ng iilang test products.

Habang papaakyat kami sa floor kung saan gaganapin ang photoshoot ay napansin kong may nakasunod sa aming lalaki. He had a buzz cut, a manly posture, and was medium-built. May nakalagay na 'CRIMINOLOGY' sa likod ng sublimated shirt nito. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita noon pero pamilyar ang mukha niya.

"Sino 'tong sumusunod sa 'tin?" nagtatakang tanong ko bago makapasok sa elevator.

She shrugged. "Just my grumpy bodyguard."

Mukhang narinig iyon ng lalaki kaya napatikhim ito. Nasa 12th floor ang set-up nila kaya nang makarating doon ay hindi ko maiwasang mamangha. Ang daming naka-setup na cameras. May wardrobe at glam team din na nagbunyi nang makita si Ruby. Mukhang late na naman ata siya.

"Ms. Ruby! Muntik na po kayong ma-late," salubong ng isang babae. "Hello. Pakisuot 'to."

Inabot nito sa 'kin ang isang ID card na may nakalagay na 'Guest.' Pati ang bodyguard ni Ruby ay binigyan din. Sinuot ko iyon habang sumusunod papunta sa glam team niya na pinaghalong mga babae at binabae.

"Oh my! Who is she? Ang pretty ha?!" sabi ng isang kasama nila, nasa 'kin ang paningin.

"Dasha Taran ang datingan ng feslak!"

"Pero pogi rin 'to, chinito!" tukoy nila sa lalaki. "Sino sila, mamá?"

"This is Alfreda! Pretty 'no," nilingon niya ang lalaki. "And that's my hotheaded bodyguard."

"Ah... kaya pala hot."

Mukhang nag-aaway ata sila base sa mga sinasabi ni Ruby kaya napailing na lang ako. I watched how her glam team fixed everything from her face, to her hair. Ang daming humahawak sa mukha niya pero parang iisang utak silang lahat at maganda ang kinalabasan. That is something I lack of. Hirap ako sa sa hairdressing kaya kahit anong ganda ng makeup ay nawawalan iyon ng dating. I hate to admit it pero hindi ako magaling sa ginagawa ko.

I'm just... average. I've always been in that level. Nakakahiya... scholar pa man din ako ni Gov. Nakapasok ako sa paaralan ni Ms. Filo dahil sa koneksiyon ko tapos... ipapahiya ko lang pala ang sarili ko.

Nag-umpisa ang photoshoot at pinanood ko kung paano laruin ni Ruby iyon. She really is passionate with modeling and she's good at it. Ano kayang pakiramdam na nagagawa mo nang maayos ang mga bagay na gustong-gusto mo? Sana... maranasan ko rin 'yon.

Nang lingunin ang bodyguard niya ay namamangha rin itong nakatingin kay Ruby. "Ganda niya, 'no?"

Gulat naman itong bumaling sa 'kin. "Kaya lang sobrang arte."

"Pero type mo?"

Umismid iyon. "Hindi rin."

Napailing ako sa sagot niya. Salungat iyon sa paraan ng pagtingin niya kay Ruby. Sa matagal na pagtitig sa kanya ay napagtanto ko rin kung saan ko siya noon nakita.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon