Chapter 8

1.2K 30 0
                                    


"Excuse me po, Sir Galang. May emergency meeting daw po kayo!" tawag ng isang estudyante mula sa labas.

"Yes!" mahihinang usal ng buong klase.

Kumunot ang noo ni Sir. "Tuwang-tuwa? Sige, may practicum kayo bukas. I-perform ninyo ang steps na tinuro ko ngayon."

"Luh, si sir!"

"Practicum agad?"

"Grabe, mahal na mahal mo talaga kami, Sir! Gusto mong pinapahirapan kami!"

Wala na kaming nagawa nang lumabas ang guro. Dismayado naming binalik sa pwesto ang mga upuan pagkatapos. Nagkasalubong pa kami ni Kenzie sa pinto at napapahiya itong ngumiti.

"Sorry Alfred, ha? Si Larson kasi," kamot-batok na paumanhin nito.

"Naku, palusot ka pa. Alam ko namang si Abi ang gusto mong partner," pang-aasar ko.

Napakurap siya. "P-paano mo nalaman?"

"Sus, alam ng lahat na nag-d-date kayo," binigyan ko siya ng nang-aasar na ngiti.

Napayuko siya. "But we aren't dating."

Junior High pa lang kami ay usap-usapan na sila ni Abi dahil sa pagiging malapit nila sa isa't-isa. Members din sila ng school band kaya lagi silang nakikitang magkasama. Dahil doon ay hindi na naiwasang asarin silang dalawa.

I gave his arm a pat. "Ok lang 'yan. Lahat naman siguro tayo dumaan sa stage na patago nating minahal ang kaibigan natin."

Pa-kurap-kurap siyang tumango, sang-ayon sa sinabi ko. Matapos mag-ayos ng mga upuan ay sumabay ako sa mga babaeng kaklase papunta sa restroom. Sila para magbihis, ako para iwasan ulit ang bakulaw.

"Tungkol saan kaya 'yong emergency meeting?" tanong ko.

"About Diego Martinez," ani Juno na kakapasok lang sa restroom.

"Diego Martinez? 'Di ba 'yon 'yong na comatose ang nanay?" bulalas ni Leah. "Yung sinisingil kong donation noong nakaraan, remember? Para sa kanila 'yon!"

"You're right. A student overheard him talking with his gang members. May pinaghahandaan daw silang riot in the school grounds. Someone in the campus is believed to be responsible for his mother's accident. Gusto niya raw gumanti," diretso at malinaw na pagpapaintindi ni Juno.

Nangilabot hindi lang ako kundi pati na mga kasama ko. May nangyari na ring riot sa school noon na kagagawan din ng gang nila. Akala nga namin napalayas na ang mga 'yon dito, may mga natira pa pala.

"Sino daw yung nakadinig? At kanino raw gaganti?"

"The student's name wasn't revealed for his own safety. Pero yung gagantihan..." lumingon siya sa amin at sa 'kin kaagad napako ang tingin niya. "Kilala natin."

Hindi ko na magawang makisali sa pag-uusap nila dahil masama ang kutob ko. Mukhang may pinapahiwatig din si Juno sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. Hindi naman siguro coincidence lang na Diego ang pangalan ng nakaaway ko noong nakaraan at Diego rin ang pangalan ng gustong gumawa ng riot at nakapabilang pa sa isang gang. Hindi ba?

Mukhang seryoso pa ang naging emergency meeting kaya pinauwi na kami kaagad. Hindi maalis sa utak ko ang mga narinig at inalala ko rin nasabi ni Diego noong huli naming pagkikita.

"Sabihin mo sa kanya na hindi kami nasisindak sa pera ng pamilya niya."

Ayokong mag-isip ng masama pero pakiramdam ko ay may kinalaman si Malko sa nangyari sa nanay niya. Comatosed daw at nasa hospital ang nanay ni Diego. Ano kaya ang totoong nangyari? Kung may kasalanan nga siya, ano naman ang nagawa niya?

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon