Chapter 11

1.3K 26 2
                                    


"Alfreda Guevero. That's your real name, right?" tanong ni Rile.

Nasa canteen kami ngayon para umpisahan ang article tungkol sa 'kin. Bumalik ako sa school at ni-chat siyang magkita kami sa canteen. Nag-rason akong wala kaming teacher kaya pumayag siya.

"Hindi ba dapat may briefing bago mo ako tanungin? Patingin ng questions mo."

"These are just basic personality questions. Dito ako kukuha ng guide para sa mga ilalagay ko sa article," sagot niya. "Now, can you tell me something about yourself?"

Huminga ako nang malalim. "My name is Alfreda Guevero, from Grade-12 STEM-1 class. Nag-STEM ako para matabunan ang kabobohan ko ng mga matatalino kong classmates."

"Is that serious? Mind you, I'm writing everything down," he reminded.

"Hind naman ako nagbibiro. I'm not gifted when it comes to academics. Ano ako, nasa gitna ng matalino at bobo."

He grinned. "Half smart, half dumb? Gano'n?"

"Depende sa subject!" sagot ko. "Okay, hindi ako matalino, pero pagdating sa gawaing bahay, do'n maaasahan ako!"

"Okay, continue," he was writing down the details on a small notebook.

"Magaling akong magluto, 'yon ang pinaka-paborito kong gawain. My cats din ako sa bahay, tatlo sila. Si Fifi, Piper at Siera," pagpapatuloy ko.

"You love cats? Hindi halata," he sounded sarcastic.

"Tarantado ako pero mabait ako sa mga hayop, 'no? Bait ko nga sa 'yo, eh," inirapan ko siya. "Ano pa ba? Ah! Ano, interested din ako sa cosmetics. Plano kong mag-aral ng cosmetology sa TESDA after graduation."

"Would that be related to the program you'll be taking in college?" he asked.

"Hindi. Wala pa akong balak mag-college," prangka kong sagot.

He looked at me. "Why?"

"Wala, ano... walang pera," bahagya akong ngumiti. "Mas priority kong maghanap ng work. Kapag nakapag-ipon, saka na ako mag-aaral."

He took a deep breath. "What program would you like to take? I think I can help you with that."

Napakurap ako. "Muntik ko nang makalimutang anak ka pala ng gobernador. 'Wag ka nang mag-abala. Desidido na ako sa plano ko."

"Mr. Henry Aguila has tons of scholarship offers. Magsabi ka lang, I can save you a slot," dagdag niya.

Bakit gano'n niya tawagin ang tatay niya? Hindi ba pwedeng daddy or papa? Full name basis talaga?

"Gusto kong lumaban ng patas. Ayokong umasa sa mga backer, Mr. Governor's son," sagot ko.

"Don't call me that," he rolled his eyes. "Please, continue."

Magsasalita na sana ako nang mapatingin sa entrance ng canteen. When I had to calm down and curse myself at the same time after seeing the sight of him, I knew my feelings for him weren't gone. Pumasok lang naman si Malko sa canteen kasabay si Ruby. Of course, they got everyone's attention. Ang tatangkad ba naman, imposibleng hindi ka mapatingin.

"Hey, tisay? Continue, please," pag-uulit ni Rile.

"A-ano... 'yong tita ko sa Canada, siya 'yong nagpapa-aral sa 'kin ngayon."

Pinagmasdan ko sila Malko na maupo sa bakanteng upuan. Nililibot niya ang paningin at bago pa man niya ako makita ay umusog na ako papalapit kay Rile para magtago. Mukhang nagulat pa ito ngunit wala rin namang nasabi.

"My birthday is on November 14, I'll be twenty in a month," I continued.

Rile glanced at me. "You're turning twenty?"

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon