Chapter 40

3.4K 38 3
                                    


"Hindi na nakatira sa Larson diyan, Tar," ani Kuya Carlos nang mapansing nakatingin lang ako sa mansion. "Simula noong umalis ka, lumipat siya kasama si Sir Blake."

Napalunok ako. "May nakatira pa ba rito?"

Kung dito naka-address ang package, ibig sabihin lang niyon ay may nakatira pa rin sa bahay na 'to.

"Sa pagkakaalam ko ay nandiyan pa rin ang mga kasambahay nila," sagot niya.

Bago lumabas ng kotse ay sinabihan ko si Kuya na hintayin na lang ako. Although Malko does not live here anymore, a lot of memories from this house would open my already healed wounds. I still have some scrapes, I don't want them to bleed again.

Bitbit ang malaking kahon ay pinasok ko ang bahay. Binungad kaagad ako ng bakanteng living room. Ang iilang sofa na naroon noon ay iisa na lang ang natira. The view of me getting scolded by Mr. Blake recreated in my mind. It was the first confrontation I had with them. Nag-away pa silang mag-asawa noon dahil sa 'kin.

An image of us racing to the stairs, laughing, and teasing each other made me clench my fists. Kung hindi siguro kami naghiwalay ni Malko, ang sarap balik-balikan ng mga alaalang nakaukit sa bahay na ito. Baka nga rito pa rin kami nakatira ngayon kung umayon lahat sa plano namin at hindi ng tadhana.

"Meow."

A kitten came out from the side of the lone sofa. It was orange with black spots, like a little tiger cub. Lumapit ito sa 'kin kaya binaba ko muna ang kahon para himasin ang ulo nito. The meowing doubled as the mother cat appeared from where the kitten came from. A smile crossed my face.

"Sierra," I mumbled.

Hindi ako nagdalawang-isip kargahin siya nang lumapit siya sa 'kin. I hugged her. Dahil hindi siya malambing ay agad din siyang nagpumilit na ibaba ko siya. I found myself caressing both of their heads.

"You're a mommy now, just like me," I uttered. "With one cute baby too."

After saying that, she carried her kitten back to the side of the sofa. I watched her do that before standing only to be welcomed by another familiar face. Nakangiti na iyon sa 'kin na parang kanina pa ako nakita at nanonood lang. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.

"Hello po, Nana," bati ko sa kanya.

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "Alfred, mabuti at napadalaw ka. Ang tagal naming naghintay na makita kang muli."

"Pasensiya na po at hindi ako nakapagpaalam nang maayos noon," sagot ko.

Kumalas siya. "Naintindihan ko naman kung bakit kailangan mong umalis. Na-miss ka lang talaga namin."

"Na-miss ko rin po kayo," bumaba ang tingin ko sa dalang kahon. "Pumunta lang po ako rito para i-deliver ito. Dito kasi ang address na nakalagay."

Napatingin din siya roon. "Ito ba iyong Tarhatta Cosmetics? Balita ko ikaw daw ang may-ari?"

"Ah, 'yong totoong tatay ko po. Nag-retiro na po siya kaya ako na po ang namamahala sa kompanya niya."

"Bumawi sa 'yo ang Panginoon," nakangiti aniya.

Still, I'm not religious, but I think He really did.

"Saan po ito ilalagay? Tulungan ko na po kayo," ani ko saka binuhat ang kahon.

"Sa kwarto ninyo noon ni Larson nakatambak lahat ng mga in-order niya."

Natigilan ako. "P-po?"

"Naikuwento niya noon na iyan daw ang brand ng mga makeup na pinapadala ng mama mo. Iniyakan mo raw iyan noon nang masira. Kaya noong nawala ka, lagi siyang umo-order sa ibang bansa para raw kapag bumalik ka rito, matuwa ka," pagpapaliwanag niya.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon