Chapter 25

1.3K 16 8
                                    


Tulad ng sabi ko ay nag-apply ako sa scholarship ni Gov. Nag-research na rin ako ng mga schools na nag-o-offer ng cosmetology course. Habang naghihintay sa scholarship ay nagsasanay na akong galingan ang pag-make up. Noong una ay sarili ko lang ang pina-practice-san ko, hanggang sa isang gabi ay nag-volunteer si Malko.

"Kamusta entrance exam?" tanong ko habang hinahanda ang mga gamit.

"It was fine. Halos lahat naman ng pinag-aralan ko ay lumabas," sagot niya at naupo sa kama.

Nangunot ang noo ko. "Bakit diyan? Dito sa vanity."

"Dito na kasi malambot. Limang oras akong nakaupo kanina, namamanhid na puwet ko," reklamo niya.

Nilipat ko ang mga gamit sa bedside table saka umupo na rin sa kama. Nilagyan ko ng clip ang buhok niyang humahaba na. Nakatingin lang siya sa 'kin habang nagsisimula ako.

"Ikaw? Wala pang balita tungkol sa scholarship?" tanong niya.

"Wala pa, eh. Kaya hindi pa ako makapag-enroll dahil doon," sagot ko.

"Matagal pa naman bago mag-start ang classes. Aabot 'yan," aniya na tinanguan ko.

Ilang beses akong nag-iba-iba ng posisyon dahil nahihirapan ako rito sa kama habang siya naman ay prenteng naka-indian sit lang. Napansin niyang hirap na ako kaya inayos niya rin ang pagkakaupo.

"Lipat na lang tayo sa vanity," suhestiyon niya.

"Hindi. Okay lang. Maumbok kasi ang kama kaya medyo hirap ako," sagot ko.

Bumuntong-hininga siya bago ako hinawakan sa magkabilang hita. He spread them apart and lifted me up so I could sit on top of him. Dahil sa gulat ay hindi ako kaagad nakagalaw. Nanlalaki lang ang mga mata kong tiningnan siya habang naglakbay ang mga kamay niya sa likod ko.

"Bakit?" parang walang muwang na tanong niya.

"B-bakit?" tanong ko pabalik.

Napangisi siya. "You're panting. Wala pa nga akong ginagawa sa 'yo."

Akma akong aalis kaya muli niyang hawakan ang mga hita ko. Mahina niya iyong pinisil kaya napalunok ako sabay mura sa isip. Ito ang unang beses na nakakandong ako sa kanya kaya siguro'y gano'n na lang ang pag-umapaw ng kaba ko.

"You're so light. Hindi man lang ako nahirapang ikandong ka," saad niya pa.

"H-hindi ka ba mahihirapan sa ganitong... posisyon?" utal kong tanong.

Umiling siya. "Hindi naman. Ikaw?"

Umiling na lang din ako at pinagpatuloy ang pag-ayos sa kanya. Aaminin kong natatakot akong gumalaw noong una ngunit ng tumagal at nakitang mukhang wala lang sa kanya ang posisyon namin ay ipinagwalang-bahala ko na lang ang mga posibleng mangyari.

May iilang butil ng pawis na nabuo sa noo niya nang ayusin ko ang pagkakaupo. Napalunok siya ng punasan ko iyon bago hinuli ang kamay ko. Mapungay ang mga mata niyang lumapit sa 'kin para humalik. Sweet, slow kisses that soon turned deeper.

"Can I... touch you?" he asked in between the kisses.

"S-saan? tanong ko pabalik.

Hindi niya ako sinagot at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa leeg ko. Dahan-dahan iyong bumaba papunta sa bandang dibdib ko. Alam kong wala siyang masyadong makakapkapan doon kaya imbes na pigilan siya ay natawa ako.

"Maliit lang ya—"

Natikom ko ang bibig nang simulan niya iyong pisilin. He was slowly cupping it while his other hand travelled to my bum. Ayon, may makakapa na siya roon.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon