Chapter 6

1K 26 1
                                    


Malkovich Obenieta mentioned you in a post.

'Yon ang notification na bumungad sa 'kin kinabukasan. Nakatulog ako kagabi at nagising na wala na siya sa kwarto ko. Wala rin akong ideya kung paano siya nakalabas sa kwarto ko at nakauwi. Binuksan ko ang notification at agad na nasira ang araw.

Malkovich Obenieta
8 min • 👥
Wag kasi Alfreda Guevero
——————————————————
Budol Finds • Follow
"Stop treating your best friend like your lover. You're confusing people."
——————————————————
😆 27 31 comments 2 shares

Comments:
Jean Lachica
HAHAHAHA dogshow ka Alfreda

Leah Fulgencio
parang baliktad?

Stephanie Dump
bat mo naman pinangalandakang best friend lang?! dadami aabang diyan sige ka

Emerson Cruz
cute naman ng best friend mo, akin na lang

Ruby Castañares
I sent a private message. Don't ignore me Malkovich

May kung anong umapoy sa dibdib ko nang makita ang huling comment. Hindi na ako nagtatakang nag-uusap sila dahil tumawag pa nga sa kanya ang babae noong nakaraan. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling pindutin ang account niya.


Ruby Castañares (Taylor's Version)
37k followers • 9 following
✨Perfection✨


Agad akong nilamon ng insecurities matapos makita ang account niya. Ang ganda niya sa profile picture niya. Ang dami niya pang followers tapos public figure pa ang nakalagay doon. Nag-scroll pa ako at nakita ko ang mga promotion niya sa isang beauty brand.

I gasped at a realization. "Siya ang bagong endorser ng Dear Beauty!"

'Yon ang bagong beauty brand na sumisikat ngayon sa Pilipinas. May kamahalan pero ang gaganda ng reviews niyon. Nakita ko ring ginagamit iyon ng mga beauty vlogger sa YouTube kaya na-e-engganyo akong bumili.

"Ang kapal naman ng mukha kong pagselosan 'to," sermon ko sa sarili.

Inalis ko sa isipan ang natuklasan tungkol kay Ruby at bumalik doon sa shared post ni Malko. Mas dumami pa ang nag-react at comment doon kaya naisipan kong gumanti.


Alfreda Guevero
1 min • 👥
tahol kasi nang tahol Malkovich Obenieta
——————————————————
Single Goals • Follow
Flex your pet
——————————————————
😆 3 3 comments Share


Hinayaan kong magkagulo sila sa comment section at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili. Natatawa nga lang ako habang iniisip ang mga posible nilang comments doon. Nang matapos ay sinarado ko na ang pinto at nagsimulang maglakad papuntang school.

Nagkakagulo na sa comment section ni Malko at kung sinu-sino na ang nag-reply doon nang balikan iyon. May iilan pang inaming ni-stalk nila ang account ko. Buti na lang naka-only me lahat ng photos ko. Marami ring nag-add friend at message request sa 'kin sa messenger.

Napamura ako dahil aksidente kong na-open ang isa sa mga 'yon.


Rile Tianzon:
Good morning! I am Rile Tianzon, one of the media personnel of Tagatala: the school newspaper. On behalf of our team, I humbly ask for your permission to be in an article in the school paper. It has come to us that your charm and mere presence will be missed as you are on your last year of Senior High School. The students requested for you to be featured on Tagatala newspaper and on our Facebook Page. We are hoping for your response and kindest participation. Thank you, Tisay.


Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon