For the past few days, I've been preparing for this game they want to play.Kinolekta ko lahat ng mga bagay na pwedeng magpaalala ng lahat kay Malko. Each day, I planned how to bring him back. Kada araw ay may na-assign akong gamit na ipapakita sa kanya.
And this is day one.
"Gaano katagal akong tulog, Red?" tanong ni Malko sa 'kin.
Ipinaalam ko kay Tito Blake na ipapasyal siya at pumayag din ito. Nandito kami ngayon sa garden ng hospital, tulak-tulak ko siya gamit ang wheelchair.
"Two months," simpleng sagot ko.
"Ang tagal na pala," aniya. "Kahapon lang ako binisita ni Ruby?"
Natigil ako sa pagtulak sa kanya. "Oo."
"Bakit daw?"
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin kaya nakita ko ang kulay kape niyang mga mata. Hindi ko siya sinagot at hinayaan lang na magkatitigan kami. Siya ang unang umiwas, umiiling pa.
Pinagpatuloy ko ang pagtulak sa kanya hanggang sa nakahanap ako ng pwedeng maupuan. Kanina pa kami naglalakad kaya nagrereklamo na ang baby namin, malimit kumirot ang tiyan ko.
"Alam mo ba kung bakit hindi ka niya binibisita?" tanong ko habang umuupo. "Kasi wala namang kayo."
Kumunot ang noo niya. "Ano?"
"Walang kayo. Wala kayong relasyon. Hindi mo siya girlfriend. Hindi ka niya boyfriend," pagprangka ko sa kanya.
"Sasabihin mo na naman bang ikaw ang girlfriend ko? Please lang, Red. Hinding-hindi kita papatulan."
Napangisi ako. "Nasabi mo na 'yan noon pero minahal mo pa rin ako. Patay na patay ka nga sa 'kin."
"Ako? Patay na patay sa 'yo? Ang ganda mo naman kung gano'n."
In that moment, I was able to smile. He was so like the Malko back in the days. Iyong Malko na pilit tinatagong nagagandahan pala siya sa 'kin. Iyong Malko na palihim kung magmahal.
"You said it yourself. Gandang-ganda ka sa 'kin," nilabas ko sa bag ang unang gamit na dala. "Nagkaroon tayo ng pustahan noon. Kapag niligawan mo ako, magbabayad ka ng isang libo."
"Natalo ako? Binigyan kita ng isang libo?" tumango ako. "Hindi ko maalala!"
"Hindi mo maalala kasi may amnesia ka," marahan kong pahayag.
"Alam ko. Pero ang sabi ni Mom, si Ruby daw ang girlfriend ko."
"Ilang na ilang si Ruby sa 'yo kahapon. Malimit kung sumagot at halos hindi ka matingnan. Gano'n ba ang datingan ng isang girlfriend sa 'yo?" taas-kilay kong tanong.
Hindi siya sumagot. Nakita kong agresibo siyang napalunok at pinukol ang pingin sa 'kin. Nilapit ko ang mukha sa kanya at nilayo niya ang kanya. Mas lumapit ako.
"Ang totoong girlfriend, iiyak kapag nakitang nagising ka na. Iniyakan ka ba ni Ruby?"
I can see that he's thinking and that's my plan. Uunti-untiin ko ang pagpapaalala sa kanya. I will let him crave for answers to the questions he has in mind for him to be eager to look for them on his own. Hanggang sa siya na mismo ang makakasagot.
Tumayo na ako. "Balik na tayo sa loob. Sumasakit ang tiyan ko."
"Kay Rile 'yang dinadala mo, 'di ba?" tanong niya kaya natigilan ako. "He was so attentive to you last time. Hindi ka pa nga natutumba ay nasalo ka na niya."
"Papayag ka bang si Rile ang ama nito? Baka magwala ka kapag nilayo ko 'to sa 'yo?"
He hissed. "I'm a traditional man, Red. No marriage, no sex."
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...