Chapter 9

1.2K 30 1
                                    


"Ate! Ate! Nahulog po wallet niyo!" pagtawag ni Jean kay Leah.

"Ha? Ano 'yon? I'm listening to Paubaya by Moira Dela Torre," sagot naman nito matapos tanggalin ang AirPods.

Nasundan iyon ng pagtipa ni Kenzie ng gitara at ang mala-anghel na boses ni Abi. Gusto kong magtaka kung bakit nila iyon ginagawa ngunit nang maalala ang nasabi ko kahapon ay natawa na lang ako.

"Mga kinginang 'to, kakarating ko lang!" bulyaw ko sa kanila.

Pinagtawanan lang nila ako kaya wala akong nagawa kundi pakinggan ang asaran nila habang papalapit sa upuan ko.

"Ba't di mo sinabi nung una pa lang, ako ang kailangan, pero 'di ang mahal. Saan nagkulang ang aking pagmamahal, lahat ay binigay nang mapangiti ka lang. Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na, ako ang kasama... pero hanap mo siya."

Pinakinggan ko ang lyrics at hindi naman ako naka-relate roon dahil una sa lahat, hindi kami mag-jowa ni Malko. Mas natawa na lang tuloy ako, bakit kasi nasabi kong ipapaubaya ko na siya kay Ruby?

Ang kaninang asaran ay nauwi sa jamming session. Ngayon ay sinasabayan ko na ang pagkanta nila. Nang makaabot sa chorus ay para kaming mga sawi sa pag-ibig na pinagsama sa isang section.

"At kung masaya ka sa piling niya, hindi ko na pipilit pa. Ang tanging hiling ko lang sa kanya, 'wag kang paluhain at alagaan ka niya..."

Kahit buong section na namin ang kumakanta ay nangingibabaw pa rin ang malamig na boses ni Abi. She's a choir member sa church nila at member din siya ng banda sa school kasama si Kenzie. Kaya hindi nakapagtatakang crush siya ng lalaki.

"At kita naman sa 'yong mga mata, kung bakit pinili mo siya. Mahirap labanan ang tinadhana... Pinapaubaya... Pinapaubaya... Pinapaubaya ko na sa kanya..."

Natapos ang kanta pati na ang pam-ba-badtrip nila sa 'kin. Nagkangitian naman sina Abi at Kenzie kaya sila naman ang inaasar ngayon.

"Lumalayag ang ship ko!" sigaw ni Leah.

"Kaya nga! Ipaglaban mo 'yan, Kenzie! 'Wag kang tutulad sa iba riyan na pinapaubaya kay Ruby lahat!" pag-uulit ni Jean sa nasabi ko kahapon.

Pinakyuhan ko siya. "Bwisit ka!"

As I exchanged banters with them, I suddenly realized that I like going to school. Ito lang kasi ang lugar na pwede akong maging masaya kahit panandalian lang. This is also the place where I met unexpected friends. They made life bearable and fun. And the thought of not going to school scares me. Baka hindi na ako maging masaya matapos kong maka-graduate.

Inalis ko sa isipan ang pagkabahala at inabangan na lang ang pagdating ng unang guro. Sa pinto ako nakatingin kaya mabilis na naaninag si Malko na papasok, dumating na siguro ang hinihintay niya. Akala ko ay mapapadali akong iwasan siya ngunit katulad kahapon ay naupo siya sa tabi ko.

"Absent ang seatmate mo, 'wag kang umangal," inunahan niya ako.

"Baka asarin na naman tayo," mahinang sagot ko.

"Let them," humarap siya sa 'kin. "I'm liking it."

Kumunot ang noo ko. "Ano?!"

"Hindi ka bingi, Red."

Pairap ko siyang iniwasan ng tingin. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Minsan mabait, minsan masungit, minsan mapanlait at minsan ay maalaga! Lintek na mixed signals 'yan!

"Oh, bulilit. Nakalimutan mong kunin," biglang sabi niya sabay abot ng paborito kong gummy worms.

Kinuha ko ang supot mula sa kanya. "Salamat, bakulaw."

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon