Chapter 19

1K 21 1
                                    


"Kaya kong totohanin 'yan kung gusto mo..." nakangising saad ni Larry.

"Larry, 'wag mong gagawin 'yan," suway ni Gina.

For a second, I thought she was scared for what would happen to me, that she cared. But what she said after broke my already broken heart even more.

"Hindi na magpapadala ng pera si Diane 'pag namatay 'yan."

Humalakhak ako na parang nababaliw sa narinig. Mas takot silang mawalan ng sustento kaysa makulong sa pagpatay ng tao. Nakakatawa.

"Sana matauhan na si Tita Diane at huwag na kayong padalhan para mamatay kayo sa gutom tulad ng mga alaga ko!" puno ng sarkasmo ang tinig ko. "Ang kakapal ng mga mukhang pagsalitaan nang masama 'yong tao, eh, palamunin naman kayo."

"Marunong ka nang sumagot?" sumugod si Alfredo at sinampal ako. "Ano'ng pinagmamalaki mo? 'Yong mayaman mong manliligaw? Bakit? Tingin mo ba hahayaan ka naming makaalis sa bahay na 'to?!"

Bakit na naman nadamay si Malko?

Buong lakas ko siyang tinulak papalayo, halos mawalan pa siya ng balanse. Nagulat siya sa ginawa ko. Ngayon lang ako nakaganti sa pagpapahirap niya sa 'kin, kulang pa ang tulak lang.

"Wala kayong karapatang pigilan ako kung gusto kong umalis! Sawang-sawa na ako sa pananakit ninyo! Kaya lang naman ako nagtitiis ay dahil alam kong walang mag-aasikaso sa inyo kapag wala ako! Pero tapos ko na kayong intindihin," humina ang boses ko. "Wala na akong pakialam sa inyo."

Muling sumugod si Alfredo na nanginginig ang kamay. Tinulak niya ako nang napakalakas at tumama sa pader ang likod ko. Hinuli niya agad ang buhok ko at hinila ako papuntang sala. Sinikmuraan niya ako dahilan para mamilipit ako sa sakit.

"K-kung sasaktan mo ako, siguraduhin mong hindi mag-iiwan ng bakas. Isang sumbong ko lang kay Malko, may kalalagyan kayo," hirap kong saad.

I meant what I said. Kaya lang naman hindi ako nagsusumbong noon sa kanya ay dahil alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako nakakalayo sa kanila. Plus, his father is a known lawyer. I know he can ask help from him kahit sabihan ko siyang hindi.

I know Malko can help me. I know he will. He always have.

"Tangina! Kaya pala lumalakas ang loob mo dahil sa lalaking 'yon, ah?" muli akong nakatanggap ng suntok sa kanya. "Kung wala kaming perang nakukuha kay Dianne ay mas malala pa ang ginawa namin!"

Isa pang suntok sa mukha ay walang kahirap-hirap akong natumba sa sahig. Napaubo ako ng dugo at nahihirapan ng huminga. Kahit ganoon ay nagawa ko pang ngumisi na siyang mas nakapagpainis sa kanya.

"Pera lang ni Dianne ang habol namin! Hangga't nasa puder namin ang anak niya, mapipilitan siyang magpadala rito! Kaya huwag kang magtaka kung bakit ganito ang trato namin sa 'yo dahil hindi ka namin anak!"

And right there, I found out the truth.

Hindi na ako masyadong nagulat. Maliban sa gano'n naman ang usap-usapan tungkol sa 'kin, sapat na rason na ang pananakit nila para patunayan iyon. Nagbulag-bulagan ako dahil sa takot... at pagmamahal.

As much as I hate to admit it, but yes, I did love them as my parents, as my family... and that's the biggest mistake I have ever done in my life.

"May kalalagyan kayo..." ang tanging nasagot ko.

Ilang malalakas na katok mula sa pinto ay umagaw sa atensiyon naming lahat. Alerto namang lumapit sa 'kin si Larry saka tinakpan ang bibig ko. I didn't bother fighting back. I was fed up with this fucked up life I'll let them do what they want to me.

Si Gina ang lumapit sa pinto at bahagya iyong binuksan. "Ano 'yon?!"

"Kayo ho ba si Gina Guevero?" tanong ng nasa labas.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon