Chapter 4

1.5K 32 4
                                    


"Ang ganda mo talaga, Alfreda! Pa-kiss!"

Papunta ako sa paaralan at gano'n ang bumungad sa umaga ko. Mga kapitbahay ko lang din ang mga 'yon pero hindi ako nag-aabalang kilalanin sila. Wala akong panahon para magpakilala sa mga taong pag-uusapan at pagnanasaan lang ako kapag wala ako sa harap nila.

"Kiss lang pare?! Ang hina mo naman! Ako mamaya, gagapangin ko 'yan sa kama."

Natigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Kumulo ang dugo ko roon at nakakuyom ang palad na binalingan sila. Imbes na mahiya dahil sa galit na pinapakita ko ay mas naaliw lang sila.

Proud manyak, ampota!

"'Ta mo! Ang ganda pa rin kahit galit! Mas gaganda siguro to 'pag nasarapan," walang-hiya niya pang binasa ang labi.

Handa na akong lumapit sa kanila at paliparin ang kamao sa pangit nilang pagmumukha pero may nauna sa 'kin. Kita ko ang galit sa mukha ng lalaki at sa paraan ng pagsuntok niya.

Si Jimmy iyon.

Hindi niya iyon tinigilan hanggang sa nahulog sa upuan 'yong isang tambay. Dahil walang umawat sa kanya ay madali niya iyong nagawa. Natakot ding madamay 'yong isa kaya iniwan niya ang kasamang nakahilata sa gilid ng daan.

Ang galit sa mukha niya ay nawala nang bumaling siya sa 'kin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pagbuntot at pagkuha ng mga litrato ko kaya imbes na magpasalamat ay tinalikuran ko siya. Baka siya pa ang masuntok ko.

"Red! Okay ka lang?" tanong niya nang maabutan ako.

"'Wag mo lang subukang dumaan at magpakita ulit doon sa binugbog mo. Mag-isa lang 'yon pero sampu ang gaganti sa 'yo," suplada kong pagbababala.

"Hindi ako natatakot. Blac—"

"Oo, alam kong black belter ka sa Karatedo. Gusto mo bang mawala 'yang belt mo?"

Nakita ko ang taranta sa mukha niya at agad na pag-atras. Pairap ko naman siyang tinalikuran at nagsimulang maglakad ulit. Dahil pareho ng pupuntahan ay nagkasabay kami sa paglalakad, nasa likuran ko nga lang siya. Sa pinapakita niya, alam kong wala pa siyang ideya na alam ko na ang palihim niyang pagsunod at pagkuha ng pictures ko.

Kung anuman ang motibo niya sa nagawa, sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay.

Mula sa kinaroroonan ay tanaw ko na ang school gate at tulad ng inaasahan ay nakita kong hinihintay ako ni Malko roon. Mabilis na kumunot ang noo niya, pinag-krus ang mga braso at diretso ang tingin sa lalaking nasa likuran ko.

"Wow! Aga natin ngayon, ah?" saad ko nang makalapit sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at nakay Jimmy pa rin ang paningin. Nilingon ko si Jimmy na sandaling natigilan sa paglalakad nang makita si Malko. Nang bumalik ang atensiyon ko sa kaharap ay mas lalong gumuhit ang galit sa mukha nito, pati ako ay sinamaan ng tingin.

"Una na 'ko, Red," pagpapaalam pa ni Jimmy.

Mariin akong napapikit at pilit na tumango sa kanya. Tinapunan niya rin ng tingin si Malko pero hindi iyon nagtagal. Nang makalayo siya ay doon lang ako pinansin ng bakulaw.

"Bakit nakiki-Red pa rin 'yon?" tanong nito.

"Same question, Larson," nagkibit-balikat ako.

"Larson?! Bakit Larson?!"

Nagulat ako sa tono ng boses niya, pati na rin ang mga dumaraan. Sinubukan kong ngumiti para hindi isipin ng mga tao na nag-aaway kami rito.

"Bakit? 'Yon naman tawag nila sa 'yo, ah," depensa ko.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon