We went inside the Tagatala Office and I immediately saw familiar faces from their team. Sila ang nag-aabala sa pag-edit, paggawa at pag-proseso ng school paper namin."Isara mo bunganga mo, Riki. Magpigil nang kaonti," asar ng babae sa lalaking napatulala sa akin.
Mabilis na napakurap ang tinawag niyang Riki. "Totoo ang chismis. Mas maganda ka sa malapitan."
I should be used to these types of compliments but I can't help but feel awkward. Minsan kasi ay nakaka-conscious din kung paano nila ako tingnan. Tipid akong ngumiti kay Riki at iniwas ang tingin.
Rile sat on one of the chairs and pushed a monobloc towards my direction. It glided smoothly on the tiled floor and stopped when it hit my leg. Mas lalo ko tuloy hindi nagugustuhan ang angas ng lalaking 'to.
"Let's start. We only have thirty minutes to explain how our content works," he stated, eyes on me.
"Grabe talaga 'tong si Rile! Be nicer to her, tayo ang may kailangan sa kanya," suway ng babae.
See? That's what I'm talking about. Mas okay pa nga ang approach niya sa messenger kaysa ngayong nasa harapan na niya ako. Para siyang walang ganang makipag-usap.
He lazily glanced at her. "This one is my project and it's up to me how I want it to be done. Mind your own business, Catherine."
"Mind your own business, eh, i-e-edit ko rin naman 'yan," sagot ng babae at pinagpatuloy ang ginagawa.
Muling bumaling si Rile sa 'kin at naningkit ang mga mata nito nang makitang hindi ako umalis sa pwesto. "We don't have all day, tisay. Come here."
Sino ba siya sa tingin niya? Tumaas ang kilay ko at pinagkrus ang mga braso. Napansin ata ng iba naming kasama sa loob na may pamuong tensiyon kaya sinubukan nila iyong pigilan. Alam ata nilang may record ako ng pagka-basagulera kaya gano'n na lang sila umasta.
"Baka gusto mo munang mag-meryenda, Alfred?" tanong ng lalaking naka-salamin. "Juice? Coffee?"
"Or me?" si Riki. "Joke lang! Dali, ano'ng gusto mo? Libre ko."
"Wow naman, Riki! Three years na tayong magkasama rito pero never kang nag-offer ng ganyan sa 'kin!" ani Catherine.
"Hindi kasi kita crush, Cath," sagot nito.
"Can we work in peace, people?" suway ni Rile na nasa 'kin pa rin nakatingin. "And you, let's start."
Bumuntong-hininga ako. "Wala akong sinabing pumayag ako sa balak mo."
Natahimik ang buong office. Kahit ang huni ng keyboard na tinitipa nila kanina ay hindi ko na marinig. Pinapantayan ko ang irita sa mukha ni Rile at naiinis ako dahil nahihirapan ako.
Tangina, nakahanap yata ako ng katapat ko?!
He scoffed. "Then why are you here?"
"Kasi sabi mo sundan kita at may sasabihin ka. Hindi ko naman alam na ganyan ka pala makipag-usap sa mga taong hinihingan mo ng pabor," naiinis na ani ko.
Nadagdagan ang inis ko nang makitang napangisi siya. Ganito ba talaga siya? Kung oo, hindi imposibleng makahanap siya ng kaaway! Inayos niya ang pagkakaupo habang hindi inaalis ang paningin sa akin.
"At isa pa, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong ma-feature sa news ninyo. Really, my charm and mere presence? Ano 'yon, itsura na lang ang basehan para masali sa mga ganyan?" dagdag ko.
Hindi ba parang ang babaw ng rason nila para pag-aksayahan ng panahon ang paggawa ng article tungkol sa 'kin? Tsaka, ano naman ang ilalagay nila roon, eh, wala naman akong magandang naiambag sa school na 'to?
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...