"Namumula siya, guys! Wala na, may tama na 'to!" rinig kong sigaw ni Steph.Doon lang ako natauhan sa mahabang pagkakatulala. Wala na si Malko sa harapan ko pero ramdam ko pa ang mainit niyang labi sa noo ko. Makapal ang labi niyon, eh, kaya ramdam na ramdam ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko maintindihan kung bakit niyaginawa 'yon. Tsaka, hindi ko man lang tinanggi ang sinabi niya!
Hinarap ko ang section namin at pinakyuhan sila dahilan para malakas silang nagsitawanan. Hindi ko agad binaba ang daliri at nang magtagal ay mabilis silang natahimik. May kung ano silang tinuturo sa likuran ko kaya nilingon ko iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa likuran si Sir Galang, masama ang tingin.
"Good morning, Sir," bati ko at nag-bow pa. Bigla akong naging Korean do'n, ah.
"Ms. Guevero," panimula niya. "Kayong mga STEM students dapat ang ni-lo-look up ng mga schoolmates ninyo. But look at you, having a public display of affection, raising your middle finger to the crowd and your section is the one who causes a lot of unnecessary noise."
Gusto ko siyang sagutin nang pabalang. Na hindi porke't nasa STEM kami ay mas nakakataas na kami sa ibang strands. Wala namang exempted sa mga performance tasks sa PE. Lahat kami ay ni-require ring mag-product defense sa Entrep. At lahat naman kami ay halos masiraan ng ulo dahil sa qualitative at quantitative research.
It was the students' choice on what strand to take and their characters shouldn't be judged based on what they chose. Each student has their own strengths and weaknesses. 'Yon ang dahilan kung bakit nila kinuha ang strand kung nasaan sila ngayon. And the teachers should help them develop those skills, hindi para ikumpara sila sa ibang tingin nila ay mas magaling.
"Sorry po, Sir," sa dami ng iniisip na rebuttals ay iyon na lang ang sinabi ko bago napayuko.
"You should be," he held his head high. "At patahimikin mo 'yang section ninyo! Buti pa ang HUMSS, marunong sumunod sa mga rules."
Here we go again, nagkumpara na naman.
"Excuse me, Sir. But the students were requested to cheer for us. They're just doing what they were told to do."
Nag-angat ako ng tingin sa nagsasalita at napako kaagad ang mga mata kay Ruby. Mukhang na starstruck din ata si Sir kaya hindi na siya nakasagot pa at nagpaalam na aalis. She then raised her perfectly shaped brow at me.
"Ganda ko ba?" she brushed her hair with her hands. "Tulala ka riyan. It's almost Malko's turn, get a grip!"
Sinamaan ko siya ng tingin ng pinadalhan niya ng flying kiss si Malko. Naalala ko tuloy na may gusto rin pala siya rito. Nasa akin naman ang tingin ng lalaki ng nahanap siya ng mga mata ko. Tinanguan niya ako na para bang kanina pa niyahinihintay na mapatingin ako sa kanya.
"Huwag ka ng umasa, ako lang ang papansinin niyan," matapang kong saad.
Naramdaman kong eksaharadang bumaling sa 'kin si Ruby bago tumawa nang napakalakas. Nababaliw na ata 'to. Pero in fairness, nakakahawa 'yong tawa niya. Tsaka, may maliit pala siyang dimples sa ibabang gilid ng labi niya. Ako kasi pasa lang ang mayroon, eh.
"Why? Binigyan ka na ba ng assurance?" she asked in between her laughs. "Niligawan ka na?"
"Wala ka na ro'n," madiin kong sagot.
"Did you really think I like him? That I would be your rival?" mahina niyang hinampas ang braso ko. "I was just messing with you the whole time."
Dahan-dahan akong napabaling sa kanya. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"Malkovich isn't my type," she chuckled. "Galing ko bang umarte? I'm taking acting workshops na kasi and I think effective naman, napaniwala ko kayo, eh."
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...