"Tangina," muli kong pagmura. "Tangina. Tangina!"Bwisit na lalaking 'yon! Ano na namang pakulo niya? Bakit naman niya ako liligawan? Hindi ba't sila na ni Ruby? Gustong-gusto kong maniwalang nanalo ako sa pustahan namin pero kilala ko siya.
Si Malko 'yon, eh! Hinding-hindi ako magugustuhan niyon!
"Wow. Para ka pa ring anghel kahit nagmumura," namamanghang usal ni Riki.
"Riki?!" suway sa kanya nila Wil at Cath.
Hinarap ko sila. "Isang libo ba 'to sa paningin ninyo? Hindi ba ako na namamalikmata lang?"
"Oo, 1k 'yan. Kulay blue. Ganyan ang inaabangan kong ibigay ng ninang ko 'pag pasko, eh," ani Wil.
"Isang libo nga?!" bulalas ko. "Nakakainis!"
Binigyan nila ako ng nagtatakang tingin. Nasapo ko na lamang ang noo dahil nagmumukha akong tanga sa harapan nila. Naupo na lang ako at doon bahagyang sinabunutan ang sarili. Parang sumakit ang ulo ko sa nangyayari.
"What's happening to you?" Rile sounded more weirded out than concerned.
"Wala!" sagot ko. "Tara, umpisahan na natin ang pwedeng maumpisahan."
His brows furrowed more. "Don't you have a class?"
"Ayokong pumasok. Ayokong magpakita sa lalaking 'yon!" inis kong sagot.
"Gusto mo ba munang uminom ng juice? Kumalma ka nang kaunti, girl," payo ni Catherine.
Mabilis naman akong inabutan ni Riki ng juice at naubos ko iyon sa isang lagok lang. Hindi naman ako nauuhaw bago dumating ang Malko na 'yon! Nang ibalik ko sa kanya ang plastic cup ay nakaawang na ang labi niya.
"Weird... but pretty," komento niya.
Hindi ko siya sinagot at bumaling kay Rile. "Mag-umpisa na tayo."
"We won't do this while you have an ongoing class. You're not excused for this," he said.
"May one week ka lang para matapos ang article tungkol sa 'kin, remember? Kaya mag-umpisa na tayo ngayon para madaling matapos 'to," pag-angal ko.
"No, we'll meet twice a day and that would happen every recess or lunch breaks," nang makitang hindi ako sang-ayon ay nagpatuloy siya. "You already gave me your conditions, that's all I ask of you."
Napatingin ako sa orasan at nanlumo nang makitang tapos na ang break time. "Sige, bukas na lang tayo magkita ulit."
Lumabas ako ng office nila na desididong huwag pumasok sa klase. Basta, ayokong makita ang pagmumukha ng bakulaw na 'yon. Tumunog ang phone ko at kinakabahan ako na baka si Malko ang nag-chat.
Rile Tianzon:
See you tomorrow.Si Rile lang pala.
Alfreda Guevero:
👍Dinala ako ng mga paa sa gym. Mga atleta para sa arnis, dart, billiards at karatedo ang naroon at lahat sila ay may kani-kaniyang espasyo para mag-ensayo sa gaganaping intrams. Umupo ako sa pinakadulong bench malapit sa gate para kapag sinuway ako ay makakalabas ako kaagad. Hindi ko kasi alam kung pwede ako rito.
Habang nililibot ang paningin ay nakita ko si Jimmy. Suot niya ang uniporme nila pati na ang black belt na pinagmamalaki niya noong nakaraan. Siya ang nangunguna sa warm-up nila. Nang mag-split sila ay hindi ko maiwasang mapangiwi, parang ang sakit kasi tingnan.
Lahat sila ay ganoon ang ginawa habang si Jimmy ay abala sa pag-ayos ng postura ng mga kasama. Mukhang nakita niya pa akong nanonood dahil natigilan siya sa ginagawa. Umirap ako at binaling ang atensiyon sa mga billiard players.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomansaLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...