Chapter 17

1.1K 23 1
                                    

Trigger warning: Animal Cruelty
***

"Make your arm and wrist as straight as possible when throwing a punch," tinapik niya ang siko ko. "Ayusin mo 'to."

Saka niya lang ako binitawan nang sundin ko siya. May iilan pa siyang sinabi ngunit nawalan na ako ng tuliro dahil sa matang nagmamasid sa 'kin. Pagdaan ng mga mata ko sa direksiyon ni Malko ay tama nga ako't nakatingin siya. Kahit anong iwas ko ng tingin, kahit pilit kong inaabala ang sarili, kapag napapatingin ako sa kanya ay nagtatama ang mga mata namin.

"Tangina naman," bulong ko.

"Sorry, pagod ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Jimmy, inaakalang siya ang sinasabihan ko.

"Hindi... ano... hindi ikaw," sagot ko na umiiling.

Napalingon siya sa stage sandali at pagbalik ng tingin sa 'kin ay tumango-tango siya. 

"Para sa kanya?" hindi ako sumagot. "Gusto mo bang humabol sa klase mo? Nakalimutan ko hindi ka pala excused tulad ko."

"Sige," mabilis kong sagot saka kinuha ang bag ko. "Salamat pala."

"Gusto mo bang sabayan kita pauwi mamaya?" tanong niya.

"Tingnan ko."

Ngumiti lang si Jimmy bilang sagot kaya umalis na ako. Pagkarating sa gate ay nakasalubong ko pa si Ruby na prente pang naglalakad kahit halos kalahating oras nang late. Rinig ko ang pagbubunyi ng mga kasama niya mula sa stage kaya hindi ko sinasadyang mapatingin din doon.

"Still ignoring each other?" tanong ni Ruby.

Humarap ako sa kanya matapos aksidenteng irapan si Malko. "Ayaw mo 'yon? Ma-so-solo mo siya."

"Yuck," she grimaced. "I am not in any attracted to that guy. What're you even talking about?"

"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko," sagot ko.

"Oh, the rumors? You see, that's the problem. Paano matatapos 'yon kung nagkakaganyan kayo ngayon?" lumapit siya bahagya. "I don't care how you guys will put an end to that lover's quarrel, but I can assure you one thing, wala akong gusto kay Malko."

"Pero gusto ka niya."

Natawa siya. "Are you seriously that naive, Alfreda? I've been in this place for what? Three days, and you already think I can replace you? You need to work on that confidence, babe."

Well, I'm confident with the way I look! Hindi nga lang pagdating sa nararamdaman ni Malko.

"Seriously, you guys need to make up. Or better yet, be in a relationship already. Stop fooling yourselves. No one knows the truth better than you do," dagdag niya bago umalis.

Halatang iritado siya sa nangyayari dahil sa tono ng boses niya. Nadidiin din ang siya sa mga tsismis at pwedeng maapektuhan ang pangalan niya sa industriya. Hindi malabong mangyaring magkaroon siya ng issue tungkol dito. Pero uunahin ko pa ba siya kaysa sa sarili ko? For sure kaya niya namang gawan siguro ng paraan iyon.

"Alfreda, posted na 'yong photos nila Larson! Check mo!" bungad ni Leah nang makaabot ako sa classroom.

Posted na sa Facebook ang photos nila kaya nakita ko 'yon kaagad. For sure kanya-kanya ng share, react at mention ng mga mutuals at friends ang supporters ng kada contestant. As expected, nangunguna si Ruby sa standing for the female category.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon