Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa 'kin at nahulog ako sa lalaking iyon.I mean, he has the looks. Actually, he has this usual mestizo type of beauty na maputi at makinis ang balat. Ang mga mata niya'y kulay tsokolate na siyang bumagay sa mahahaba niyang pilikmata. Ganoon din ang kulay ng buhok niyang madalas ay magulo.
Itim na itim ang makapal niyang kilay, mapula ang pisngi at makapal ang hugis-puso niyang labi. He is also medium-built, almost lanky, with a height that gets everyone's attention.
Akala ko noon ay ako lang ang matitirang hindi magkaka-interes sa kanya. And based on how everything turned out, I was wrong. Siyempre, hindi ko pinapahalatang gwapong-gwapo ako sa kanya.
"Salamat at dumating ka na, Red!" pagsalubong ni Malko sa 'kin.
"Kung makapagsalita ka naman parang isang oras kang naghintay, ah?" sagot ko.
Hindi ako masyadong humaharap sa kanya dahil mahahalata ang bagong sugat sa gilid ng labi ko. Ikinalulungkot kong sabihin na wala pa ring pinagbago sa gawi ng mga magulang ko. But it's bearable now. Lalo na't wala na siya sa puder namin.
Sa ilang taong pagkakaibigan namin ni Malko ay nakasanayan na naming maghintayan sa labas ng gate kada umaga at sabay na kaming papasok sa campus. Ewan, siya naman ang nag-umpisa niyon hanggang sa nagpatuloy na.
"Kanina pa naman talaga ako nandito. Ba't ba kasi ang tagal mo?" pagsisinungaling niya.
Alam kong kararating niya lang din dahil nakasalubong ko pa ang sasakyan niyang minamaneho ng driver niyang si Kuya Carlos habang naglalakad ako papunta rito.
"Pinakain ko pa ang mga pusa ko," sagot ko. "Tara na!"
Hinila niya ang backpack ko at sapilitan iyong kinuha sa 'kin. Sinukbit niya iyon sa kanang balikat niya saka ako binigyan nang nagsususpetyang tingin.
"Naglakad ka lang, 'no?" tanong niya.
Mabilis akong umiling. "Hindi, ah. Nag-jeep ako."
"Magsisinungaling pa talaga," kumunot ang noo niya. "Sinabi ko namang sunduin na lang kita lagi sa inyo para sabay na tayo, ayaw mo pa."
"Tapos? Uugong na naman ang mga tsismis tungkol sa atin?" umismid ako. "Kaya tayo napagkakamalang mag-jowa, eh."
"At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa sinasabi ng iba? Hayaan mo sila," kunot-noo niyang pahayag.
Tumaas ang kilay ko. "Baka gustong-gusto mo ring tinutukso ka sa 'kin?!"
Ako kasi, gusto ko.
Napangiwi siya. "Ang ganda mo naman kung gano'n."
"Talaga!"
"Sino bang nagsabi sa 'yo niyan at maipa-check ko sa doktor," natatawang aniya.
Imbes na mainsulto ay napangisi ako. Parati niya akong sinasagot nang pabalang kapag sinasabi kong maganda ako. Minsan, hindi ko na alam kung inaasar niya lang ako o pangit lang talaga ako sa paningin niya. Hindi naman ako nasasaktan dahil alam ko sa sarili kong maganda ako.
My schoolmates call me 'tisay' because of my fair complexion and unusual eye color. Nagulat na nga lang din ako dahil maraming nakakakilala sa 'kin sa campus tulad ng sabi niya noon. Ang iba nga ay sinasadya pang silayan ako mula sa labas ng classroom namin. Kung hindi ko lang gusto ang lalaking 'to, malamang in-entertain ko na lahat ng nagpapapansin sa 'kin.
It may sound cliché, but yes, I like him. I like my best friend.
Siya lang din ang pwedeng tumawag sa 'king 'Red' dahil nickname niya iyon para sa 'kin. Samantalang ako naman ay Malko ang tawag sa kanya. Short for Malkovich ang akala nila.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...