"Sige, mag-d-dress ako. Baka mahanap ko pa ang magiging jowa ko sa party mo. Mabuti nang magmukha akong tao," pagpapalusot ko.Natigilan siya sa paglalakad. "Akala ko ba ako ang gusto mo? Ba't naghahanap ka pa?"
Napakurap ako at mabilis naramdaman ang pamumula nang maalala ang nangyari kanina. Tangina! Hindi man lang ako nakagalaw ng sinabi niyang gusto niya 'ko. Hinalikan niya pa ako sa noo!
"Gago, sino'ng may sabi?!" pagtanggi ko. "Tsaka, bakit mo ko hinalikan?! Inamoy ko laway mo, ang bantot!"
"Sus, gusto mo lang ulitin ko, eh," nakangisi niyang sagot.
Pwede naman. "Inamo! Diyan ka na nga!"
Nauna akong maglakad, halos patakbo pa. Hindi man lang siya nahirapang habulin ako at nang magawa iyon ay hinuli niya ang kamay ko. Napatigil ako sa paglalakad habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Tumigil din siya saka nilingon ako na may ngiti at aaminin ko, mas gumwapo siya sa ngiting 'yon.
"Masanay ka na. Aaraw-arawin ko na 'to," nakangiti pa ring saad niya.
Marahan niya akong hinila papalapit sa kanya sabay higpit ng paghawak sa kamay ko. Ako naman itong parang na-hipnotismo at hinayaan siyang gawin iyon.
Nang makarating kami sa kotse niya at kailangan niya na akong bitawan ay doon lang ako natauhan. Parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa, lalo na ng makita ang nanunuksong tingin ni Kuya Carlos.
"Sa wakas, ginalaw na nga ang baso," natatawang aniya.
"Di niya raw ako gusto, Kuya" pigil-ngiting sagot ni Malko bago humarap sa 'kin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi talaga. Pinagbibigyan lang kita."
"Baka nakakalimutan mong si Alfreda Guevero ka..." lumapit siya sa 'kin. "At hindi ka magaling magsinungaling."
Handa na akong sagutin siya pabalang ngunit nang pagbuksan niya ako ng pinto at marahan akong itulak papasok ay napatahimik na lang ako. Sumunod din siya at tumabi sa 'kin, sobrang lapit at kulang na lang ay dumikit na ako sa pinto kakausog palayo.
"Clingy mo naman," reklamo ko kahit na ang totoo ay gusto kong ganito siya kalapit sa 'kin.
Dapat ay biro iyon pero mukhang iba ang pagkakaintindi niya. Nabasa ko ang pagpapahiya sa mukha niya. Lumayo siya bahagya sa 'kin at naupo nang maayos.
"Sorry," mahinang aniya. "Masyado ata akong mabilis."
Gusto kong bawiin ang nasabi at amining nagugustuhan kong ganoon siya kaso lang ay ayaw lumabas ng mga salita mula sa bibig ko. Mukhang nahihiya na rin siyang tumingin sa 'kin kaya minabuti ko na lang ring manahimik. Gano'n na ang naging sitwasyon namin hanggang sa nakarating kami sa mall.
Palihim akong napairap at gustong sapakin ang sarili. Dahil sa nasabi ko, naging mailang tuloy ang hangin para sa aming dalawa. Hindi man siya nagsasalita ay sinisiguro naman niyang nakakahabol ako sa paglalakad niya.
"Parang hindi ko yata kaya 'to," pagbabasag niya sa katahimikan.
Napabaling ako sa kanya. "H-ha? Ang alin?"
"I want to enjoy being with you. We can't do that if we're this awkward," mahinang aniya.
Halos pasalamatan ko siya dahil sa pagsabi niya niyon. "So... paano ba 'to?"
"I don't know? Maybe we can talk casually. Tulad ng conversation natin araw-araw. Chill lang. Na parang... magkaibigan pa rin tayo," dugtong niya.
Napilitan akong ngumiti because a realization hits me. Mag-uusap kami na parang magkaibigan pa rin kami? Bakit ang dating kasi ng sinabi niya ay sanay siyang kaibigan niya lang ako. Gusto niyang mag-usap kami ng kaswal na parang magkaibigan pa rin kahit na darating ang panahon na hihigit pa roon ang relasyon namin?
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...