"I hope she is," his father sighed. "I guess I have to formally introduce myself as your lawyer. My name is Blake Obenieta. Call me Mr. Obenieta.""You can call him tito, hija," sabat ni Tita Melanie.
"No," he firmly said. "Call me Mr. Obenieta. Or Sir."
Napahawak ako sa laylayan ng damit ko. "A-Alfreda Guevero po, Mr. Obenieta."
He nodded once and that was our cue to have a seat. Pinauna akong umupo ni Malko, nakaalalay sa bawat galaw ko. Ako tuloy ang nahihiya sa mga magulang niya kaya madalas ko siyang sinisita. It seemed like they didn't mind, though.
"Let's get down to business," Mr. Obenieta started. "The medical results of the tests from Dra. Salvatierra is the strongest evidence we have against the abuse your father has inflicted upon you."
Napalunok ako. "H-hindi ko po siya tunay na tatay."
Natigilan sila sa narinig kaya mainam kong ipinaliwanag sa kanila ang totoo. Na tiyuhin at tiyahin ko ang kinilala kong mga magulang, na pinsan ko si Larry, at nasa abroad ang tunay kong ina.
Mr. Obenieta asked me a few more questions about the medical reports and I had to be honest about it. Sinabi ko lahat sa kanila; kung paano ko nakuha ang mga pasa at paso ko, pati na rin ang mga nauna nilang nagawa sa 'kin.
Habang ginagawa iyon ay gano'n na lang ang pagpisil ni Malko sa kamay ko. Hindi ko magawang tingnan siya hindi dahil nahihiya ako sa mga nangyari sa 'kin, kundi dahil hindi ko mapipigilan ang sariling yakapin siya at magpasalamat.
Siya ang dahilan kung bakit ko natiis 'yon lahat. Kung hindi dahil sa pagkakaibigan namin, wala akong nasandalan sa mga panahong nahihirapan ako.
"It is still under domestic violence. Mayroon ring reports about animal cruelty and usage of illegal drugs. I've already filed the case and babalitaan na lang kita kung kailan ang first hearing," ani Mr. Obenieta.
Matapos ang pag-uusap ay nagpaalam silang aalis dahil may mga trabaho pa raw silang aasikasuhin. Nagulat pa ako ng yakapin ako nang mahigpit ni Tita Melanie.
"I'm so sorry you had to go through that," aniya saka kumalas. "You can stay here. This is actually Larson's house. Kaya hindi kami naglalagi rito."
Napakurap ako. "Naku, nakakahiya po."
"No, 'wag kang mahiya," natatawang sagot niya. "We don't mind kahit matulog kayo sa iisang room. Just be responsible individuals."
Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa narinig. Naisip ko tuloy na kaya niya nasabi iyon ay dahil nahuli niya kaming magkatabi kanina. Si Malko kasi, eh.
"Anyways, we have to go," bumaling siya sa anak. "Larson, please be gentle on her, 'kay?"
"I will, Mom," sagot ni Malko sabay hawak sa bewang ko.
"Double meaning 'yon, 'nak."
"Melanie?!" suway ni Mr. Obenieta.
Mabilis kong nakuha ang nasabi ni Tita Melanie kaya nag-init ang pisngi ko. Hindi rin nakatulong na natatawang pinisil ni Malko ang bewang ko. Parang tuwang-tuwa pa siya sa narinig. Nakahinga ako nang maluwag ng makaalis na sila. Tinulak ko siya palayo saka mahinang sinuntok sa dibdib. Hindi pa rin kasi siya natigil sa pagtawa.
"Nakakatawa 'yon?" asik ko sa kanya.
"No," lumapit siya sa 'kin. "I'm just... happy."
"Happy ka dahil tingin mo makaka-score ka sa 'kin? Asa ka, hoy!" bulyaw ko sa kanya.
Umiiling niya akong niyakap. "I'm happy because they let me do this one thing for the first time in my life."
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...