"Ilalagay ko na rin ba sa notes ko na lagi kang na-l-late?" bungad ni Rile nang makalapit ako.Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano?"
"May nag-utos sa 'kin na papuntahin ka sa old campus para sa clean-up drive."
Shit! Tama, friday pala ngayon.
"On time ako lagi, 'no?! Sadyang hinintay ko lang noon si Malko kaya na-late a—"
"So... he was the reason why you were late," minabuti kong itikom ang bibig dahil baka ano na naman ang masabi ko. "Well, we can't continue the interview if you have a prior commitment. Also, gusto ko na ring umpisahan ang pagsulat so I guess I'll just have you excused from cleaning."
"Luh, pwede ba 'yon?" maang-maangang tanong ko kahit alam kong kaya niya 'yong gawin dahil saimpluwensiya niya.
"Yes. I can message the teacher-in-charge and move your schedule next week," he looked away. "I seldom use my connection for favors so you should thank me."
"Thank you?"
"Welcome," he straightened his back. "Now, where do you want to do the initial interview?"
Sabi kong sa canteen na lang kami at pumayag naman siya. Pagkapasok na pagkapasok doon ay nasabi kong tama nga ang sabi ng mga kaklase ko. Kalat na ang tsimis na may namamagitan sa amin ni Rile. Pati ang tungkol sa palaging pagkikita nila Malko at Ruby ay nagawan na rin ng tsismis.
"Nakikita ko silang magkasama, pero ni minsan hindi naman ngumingiti si Larson kapag magkausap sila ni Ruby. Iba talaga kapag si tisay ang kasama niya," anas ng isang estudyante.
"Akala ko ako lang nakapansin. Baka naman may importante lang silang pinag-uusapan ni Ruby."
"Eh, bakit kailangan hinahatid-sundo, aber? Hindi gawain ng hindi mag-jowa 'yon!"
"Ah, basta. Mas bagay pa rin sila ni tisay."
"No, mas bagay si Alfred at si Rile."
Napansin ng isa sa kanila na nakatingin ako kaya binalaan niya ang mga kasama na manahimik. Isa-isa naman nila akong nilingon at ako na lang ang nag-iwas ng tingin.
"Nakagawa ka na ba ng questions? Patingin," agad kong tanong nang makaupo kami.
"Yeah, here," kinuha niya ang folder. "The questions may vary depending on the flow of our conversation. But don't worry, just like you said, walang ungkatan ng past."
Kinuha ko mula sa kanya ang papel at mabilis iyong sinuri. So far, wala naman akong nakitang mali sa mga tanong. Lahat naman ng 'yon ay tungkol sa 'kin kaya hindi ako mahihirapang sagutin ang mga iyon.
"We also need to conduct a recorded interview for evidence and future reference. Would that be okay?" he asked.
Tumango ako. "Sige. Kailan natin gagawin?"
"How about on Sunday?"
"Bakit sunday? Kasali ba ang weekends sa one week deadline na binigay ko?" tanong ko.
He nodded. "Of course. Why? Are you not free on Sunday? Nagsisimba ka?"
"Hindi. Ikaw ba?"
Umiling siya. "Hindi rin."
For the record, hindi ako relihiyosong tao but I believe in Him.
I know many religious people who don't portray the values they learn from church to themselves, and that's one of the reasons why I don't attend church masses, especially cell groups. Nakakagulat kasi na ang mga nakikita mong laging present sa simbahan ay ang mga tao rin na masasama ang ugali. Tulad nila Janna.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...