Chapter 3

1.5K 32 0
                                    


Inabot niya sa 'kin ang isang cell phone na siyang nagpabalik sa tuliro ko. Wala sa sarili ko naman iyong kinuha at sinuri. Nang hindi malaman kung kanino iyon ay binigyan ko siya nang nagtatakang tingin.

"Kay Jimmy 'yan, sinusundan ka pala ng gago," he hissed. "I think he's obsessed with you."

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" tanong ko. "Tsaka, paano mo nakuha 'to?"

Huminga siya nang malalim. "Akala ko kasi aabangan ka ng grupo ni Diego kaya sinundan kita pauwi. Ayaw mo pa kasing ihatid kita. Pa-lakad-lakad ka pa sa daan na parang rumarampa ka."

Talagang ayokong magpahatid kay Malko dahil baka makarating iyon kina tatay. Hindi uso ang pag-uusap sa bahay at lahat ay dinadaan sa dahas. Isama mo pa ang mga tsismosang kapitbahay na nag-aabang ng bagong pag-uusapan.

"Tapos?" inudyok ko siyang magpatuloy.

"Imbes na makita si Diego, 'yong Jimmy ang nahuli ko. Sinusundan ka rin," nag-iwas siya ng tingin. "Akala ko coincidence lang, pero hindi. Mukhang kabisado niya na papunta sa inyo."

Bakit ako sinusundan ni Jimmy? Kailan pa nag-umpisa 'to? Biglang may kabang bumalot sa 'kin. Naiipon na ang mga katanungan sa isip ko ngunit nanatili akong tahimik at pinakinggan siya.

"Noong tumigil siya sa isang tindahan, inutusan ko si Kuya Carlos na i-distract siya. Pero matapos nilang mag-usap ay sumunod na naman siya sa 'yo. Mabuti at nakuha ni Kuya ang phone niya," pagpapatuloy niya.

"Ninakaw ni Kuya Carlos ang phone niya?!"

"Naiwan niya sa tindahan!" depensa niya. "Makinig ka na nga lang muna. Ginawa mo pang snatcher si Kuya Carlos, ah."

Bumaba ang tingin ko sa cellphone. Kulay itim iyon na android at mukhang may kalumaan na. Hindi ko alam kung bakit nagdududa ako kung kay Jimmy talaga iyon. Parating bago ang mga gamit niyon, eh.

"He has tons of stolen photos of you, nandiyan lahat sa phone na 'yan," rinig ko ang malalim niyang paghinga. "And the very first picture was taken years ago, Red."

Kaya ba halos parati kong nakikita si Jimmy kahit saan ako pumunta? Kaya ba bigla na lang siyang sumusulpot kung saan-saan ay dahil palagi siyang nakasunod sa 'kin? Napaisip ako kung paano nagawang bumuntot ng lalaking 'yon sa 'kin gayong malakas akong makiramdam.

"What's more alarming is he have pictures of you sleeping..." he paused. "...in your room."

Tangina.

Galit kong binuksan ang phone para makita ang mga pictures na sinasabi ni Malko. Nanlumo ako nang makitang halos puro mukha ko nga ang nasa gallery niyon. Maliban sa mga pictures na stolen, pati mga photos ko online ay hindi pinalampas.

Nangangatal ang kamay ko sa takot na baka may litrato akong hubo't-hubad lalo na't nabanggit niya na may litrato ako roon na nasa kwarto ako. Nang makitang wala siyang picture ko na gano'n ay nakahinga ako nang maluwag. Pero hindi iyon sapat para mabawasan ang galit ko.

"Should we file a case?" mahinahong tanong ni Malko.

"Hindi na. Wala akong pera para sa mga ganyan," walang-gana kong binalik ang phone sa kanya.

Gustuhin ko man, mas nangingibabaw sa 'kin ang takot na gumastos. Wala rin namang pakialam sa 'kin ang mga magulang ko at hindi nila ako susuportahan kapag ginawa ko 'yon.

"You do know that my father is a lawyer, right? Pwede tayong magpatulong sa kanya," dagdag niya.

"Huwag na, Malko. Gastos lang 'yon," palusot ko, tinatago ang totoong rason.

I know he's just concerned pero ayokong mas gumulo ang buhay ko. Natatakot ako na kahit ako ang biktima ay hindi pa rin ako papanigan ng pamilya ko. Tulad ng nangyari noon.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon