Chapter 36

4.4K 34 1
                                    


"Hindi ba't sinabi mong hindi kami agad magkikita?! Scammer ka!"

I broke the news to Tita Diane the moment I arrived at her condo. Halos hindi ako nakagalaw dahil sa mga salitang iyon ni Larson. Buti nga at bumukas ang pinto ng elevator kanina at mabilis akong nakalabas.

Tinawag niya akong 'mahal.' Sinabi niya pang ipapanalo niya ako ngayon. Bahala siya. Hindi na ako magpapadala sa mga pa-ganiyan niya.

"Really? Agad-agad?!" she answered on the other line. "So? Ano na ang mangyayari? Does he remember everything?! Is he planning to get you back?"

"Oo raw!" napadabog ako. "Tangina naman, gising na gising ako pero pakiramdam ko binabangungot ako."

"Hindi mo sure. Baka panaginip lang lahat 'to," nakuha niya pang magbiro.

"Sana nga," napanguso ako. "Where's Roshan? Pakausap."

"It's the middle of dawn here, Tar. Tulog na tulog pa ang anak mo."

"Ba't ikaw gising pa?"

"May kausap akong afam. Tagal ko na ring single. Pakakawalan ko pa ba 'to?"

Natawa ako. "Tita, afam ka rin. Canadian citizen ka."

"Pero walang lahi. Ay! Basta, what I'm trying to say is why would I limit myself from seeing this guy kung alam ko naman sa sarili kong gusto ko siya," she sighed. "I think it's time for me to have a family of my own."

"Hala siya! Family agad?! Instant?!"

"Makapagsalita ka naman akala mo wala ka pang nabubuong pamilya! May anak na nga kayo, eh! Kasal na lang ang kulang!" buwelta niya.

Napakurap ako. "A-ano?"

"'Di ba? Natameme ka."

That conversation was going nowhere so I ended it after a minute. Kung anu-ano na ang napag-uusapan namin, hindi naman ako interesado sa mga gano'n.

Love life? Pamilya? Kasal? I'm more than fine just with my Roshan, hindi ko na kailangan ng aasawahin o mamahalin.

The news about me arriving in the Philippines spread like fire; balitang mainit-init at nagbabaga. A lot has messaged me to do an interview with them. Nagpapaunahan silang kumuha sa 'kin bilang guest sa mga shows at pati na sa mga public gatherings for motivational speeches.

They wanted to hear an inspiration from me. Gusto nilang maging boses ako ng mga naapi at naghirap noon ngunit bumangon pa rin para ipagpatuloy ang laban. It was fine for me to speak up about my past experiences and my traumas.

Noong nasa Canada naman ako ay pinakonsulta ako nila Tita Diane sa therapist and I had undergone counseling. It went well. Halos hindi ko na nga kinailangan iyon dahil nagising na lang ako isang araw na parang bangungot na lamang ang mga pinagdaanan ko. Matagal na akong okay.

But being here in this place that witnessed my suffering is slowly reviving my traumas.

I often wake up from a bad dream. Like, very bad ones. Napanaginipan ko ulit ang mga Guevero; si Alfredo, si Larry, kahit si Gina... at ang pananakit nila sa 'kin. Kalakip ng mga panaginip na iyon ay boses ng mga taong dumagdag sa paghihirap ko noon. Thankfully, I have my medicines with me, I was able to calm down after it all.

"Can you introduce Schwartz Company to us, Ms. Tarhatta?"

Today, I decided to attend a press conference for businessmen and entrepreneurs. I dressed occasionally; wearing my terno baby clue coat and slacks, with a white button-down shirt underneath, paired with white kitten heels and a navy blue hobo bag to complement the colors.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon