Fara's POV
Pumunta muna ako sa kwarto ni Nanay Rosa,iniwan ko muna si bakla sa sala
"Nay,alam niyo po ba 'to?" tanong ko kay nanay, umiling lang siya
"Fara anak, wag kang mangamba bestfriend mo lang naman ang makakaalam and no choice ka nandito na rin si Mang Berto" tama si bakla lang yun, pero baka, aish bahala na
"Sige po una na 'ko" niyakap ko muna siya bago lumabas sa kwarto
"Bakla just promise me one thing" seryosong sabi ko sa kanya
Kumunot ang noo niya "Wait don't tell me...mmmmmm" tinakpan ko na ang bunganga niya magulo kasi ang utak kung anu-ano ang pumapasok.
Kinaladkad ko siya papunta sa kotse at hinawi ko na ang kamay ko sa bibig niya
"Pasok" utos ko sa kanya, sumunod naman siya, at sumakay na rin ako
Paglabas ko pa lang sa kotse sinalubong na agad ako ni mom ng yakap
"Sweety, I miss you so much. Mag-iisang linggo na ring hindi ka dumalaw samin" I hugged her back
"I miss you too mom, busy lang po talaga ako kaya hindi ako nakadalaw dito"
"Excuse me po, sino po ba kayo?" automatic namang napabitaw kami sa pagkakayakap
Hindi niya pa pala alam "Jess,mom, pasok muna tayo" aya ko sa kanila
"So, hindi mo pa pala alam, iho I mean iha... okay ih-" Napahinto si mom sa sinasabi niya at nilingon si bakla. Parang nag memeeting kami dito sa sala and I hate this
"Just call me Jess ma'am pwede naman ding iho, but I prefer iha" sabi ni Jess kay mom,ngumiti lang si mom kay bakla
"Once upon a time, there was a girl named Fara who wants to live-" this is so embarrassing
"Mom" saway ko sa kanya she just laughed
"Okay so eto na...."
"Mom punta lang ako sa kwarto ko" tumango naman siya, kaya tumakbo agad ako sa hagdanan at ni lock ang pinto ng kwarto at humiga sa kama
Ayaw ko talaga ng ganito eh, but wala na akong magawa malalaman din 'to ni bakla. Ayaw kong marinig ang pag-uusapan nila nakakahiya kaya na ikaw ang pag-usapan tapos nasa harapan ka pa nila, I'm sure nag eexplain na si mom ngayon. Well MOM dahil siya talaga ang TOTOOng mother ko, si Nanay Rosa kasambahay namin siya matagal na, kaya itinuturing ko na rin siyang second mother ko, mabait naman siya, mahinhin, matanda na rin siya kaya napagpasyahan na lang nina dad na thrice a week na lang siya pupunta dito sa bahay at wala rin siyang anak, and fortunately malapit lang ang bahay nila sa university, walking distance lang kaya doon na lang muna ako nag sta-stay okay lang naman rin kina mom. I want to live a simple life yung walang naghahatid-sundo sa'yong kotse, yung simpleng pamumuhay, hindi naman sa ayaw ko dito sa bahay but gusto ko lang yung simple. Close na close naman si mom at si nanay Rosa dahil siya ang naging yaya ni mom noon. Walang nakakaalam na hindi ko totoong mother si Nanay Rosa ang alam lang ng mga studyante sa university na siya ang mother ko, minsan nga binubully nila ako na anak mahirap lang ako, na katulong daw ang nanay ko I don't care, ano naman ngayon kung katulong si Nanay Rosa marangal na trabaho din naman yun, ikaw ba naman ang pumasok sa isang privileged university kung saan ang raraming mga spoiled brat, bitch,bully etc. mga anak mayaman, wala kang makikitang scholar sa university.
"Baklaaaaaaaaaaa" bakla nga talaga, ang ingay-ingay, binuksan ko ang pinto at umupo sa kama
Binato ko sa kanya ang teddy bear ko at nasalo naman niya "I need some PRIVACY"
"I need an explanation, I need an acceptable reason" madramang sabi niya habang papalapit sa kama ko
Inirapan ko siya "Stop it, hindi bagay sayo" tumabi siya sakin
"Bakla, bakit hindi mo sinabi sakin diba BFF tayo"
I sighed "Hindi naman ganun kadali sabihin eh lalo na't alam mong may kaibigan kang bakla" binatukan naman niya ako, kanina pa to ah
"Meh? Duh, you can trust me, madaldal ba ko?" nag pout siya
"Madaldal? Pwede rin, pero seryoso bakla.... Sorry ha, kung hindi ko sinabi sa'yo ayaw ko lang kasi ng alam mo na"
"Naiintindihan naman kita no, gusto mo lang ng simpleng buhay, ayaw mo ng pinapansin ka dahil mayaman ka....bakla ang yaman niyo pala" ngumiti lang ako sa kanya
"Oh your mom is sooo gorgeous,mabait din siya, matanong ko lang ampon ka?" akala ko pa kung ano, binatukan ko na lang siya.
Nilibot lang namin ang bahay at nagchikahan sila ni mom maghapon, pagkatapos ay bumalik na rin kami sa bahay ni Nanay Rosa
Sorry for the wrong typos and grammar
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?