Fara's Pov
Mukhang tanga lang ako, nakangiting nakasunod sa kanya. Ewan ko ba, masaya na ako kahit nakatalikod lang siya. Napahinto siya kaya nabangga ako sa likod niya. Yan, tingin-tingin din kasi minsan hindi yung puro sa iisang tao lang ang atensyon. Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Epekto ba 'to ng pagiging buntis ko? Mahgosh!
"Uh?" Kunot-noo niyang tanong saka tinuro ang signage na nasa ibabaw. Napatingin ako dito at napatingin sa paligid.
Namula ako bigla sa nakita ko, papunta pala siya sa cr. Ang tino mo talaga Fara. Napailing-iling ako bago tumingin sa kanya. Mabilis siyang umiwas ng tingin at tumingin ng diretso sa hallway.
Naramdaman ko ang mga tingin ng lalaki na papasok sa cr, sino ba kasing babae ang nagbabalak na pumasok sa cr. Napapayuko na lang ako sa tuwing may tumitingin sakin.
"Ah... Ano, ano kasi, nagkamali lang. Si-sige. Dito pala haha, sorry" Palusot ko, at akmang pipihitin na ang pinto ng katapat ng cr nila ay may sinabi siya
"Sa stock room?" Wala sa sariling nasapo ko ang noo ko. Great.
"Sabi ko nga dito" turo ko sa bandang kanan at umalis na.
Mabilis akong nakapunta sa cr at napatalon sa tuwa. Kinikilig ba ako? Fara, tumigil ka nga. Well, hindi naman masamang kiligin diba? Yiee.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, pulang-pula ako. Ang hirap pala maging buntis. Paiba-iba ang mood. Napabuntong-hininga ako at bahagyang napatalon ng may tumili sa loob.
"Fara! Miss na kita! Ano OK ka na? Gusto mo suntukin ko yung mga mokong na yun? Oh my! Hoy! Ano? Tutunga ka lang?" Sunod-sunod na tanong ni Carla. Napangiti ako sa tanong niya
"Wag mo nga yang turuan. Ano? Sugurin na natin?" Tinaasan ko sila ng kilay.
Magkakilala ba sila?
"Ay oo nga pala, si Megan. Bunsong kapatid nila mommy" sagot ni Carla kahit hindi ko naman siya tinanong
"Ah kaya pala. Wag na, ayos na ko. Sayang din ang mga mukha ng dalawa. Sige una na ko sa inyo" Sabi ko sa kanila at umalis na.
Nasan kaya si Jadyle? Napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sakin.
"Tapos na class niyo?" Napasimangot ako sa tanong ni Carla at nagpatuloy na sa paglakad
"Pinalabas ako, kami"
"Kaya pala. Sinong kasama mo?" Tanong naman ni Megan na sa gilid ko. Pinagitnaan talaga ako ng dalawa.
"Si-" Nahinto ako nang makita ko siya, tinawag ko kaagad siya. Nilingon niya lang ako bago naglakad uli.
"Bati na kayo?"
"Hindi naman kami nag-away"
"Nako, ewan ko sa iyo" umupo agad ako sa may malapit na block na kita ang ground ng university dito sa taas. Tumabi naman sila.
"Teka, wala kayong klase?"
"Ako wala. Hinatid ko lang siya dahil pumunta sa bahay at may kukunin din ako." Sagot ni Carla sakin.
"Hala, patay na. Late na ako! Fara, salamat sa pagpapaalala! Salamat talaga!" Takbo niya habang nagpapasalamat sakin at sabi ng late na siya.
Lumingon pa siya sa'min at ngumiti bago tumakbo uli papunta sa may pinakamalapit na elevator.Ang jolly niya talaga kahit nung pageant pa.
Naningkit ang mata ko sa nakita ko, siya ba 'yun? Nang masigurong siya nga. Tumayo ako
"San ka?"
"Diyan lang. Hindi ka pa ba uuwi?"
"Uuwi na rin" tumango na lang ako sa sinabi niya at daling pinuntahan si Jadyle sa may mini-park ng university.
Ang dali niya namang napunta sa may ground. Buti na lang walang ibang sakay ang elevator. Hinanap ko kaagad siya at nakita siya sa may bench nag-iisang nakaupo habang may earphone sa tenga.
"We don't talk anymore" bungad ko kaagad sa kanya nang makita akong naupo sa tabi niya
"What?"
"We don't talk anymore like we used to do. I just hope you're lying next to somebody who knows how to love you like me"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? There was never an us, so can you please stop saying that I should have somebody who knows how to love me like you do because in the first place, there was never an us. Walang ikaw at ako dahil puro ikaw at siya lang nung tayo pa." Mahinahong sabi niya. Nalungkot naman ako sa sinabi niya, hinawakan ko ang kamay niya pero mabilis niya lang itong binawi
Umiwas na naman siya ng tingin at tumingin sa mga studyanteng nasa harapan namin
"There must be a good reason that you're gone, every now and then I think you might want to come show up. Should have known your love was a game, now I can't get you out of my brain"
Gulat niya akong tiningnan kaya ang seryoso kong mukha ay napalitan ng ngiti. Hanggang sa napatawa na ako sa reaksyon niya.
"A-ano ka ba. Joke lang yun. Prank lang. We don't talk anymore lyrics. 'To naman masyadong seryoso. Ngiti naman diyan"
Aabutin ko sana ang mukha niya ng madali siyang tumayo
"Say it"
"Ang ano?"
"Wala. Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis" seryoso niyang sabi. Ba't parang nagbago siya, o sakin lang 'to dahil buntis ako.
"Ah, wala. Gusto ko lang sanang ibalik ang friendship natin. Tulad ng dati, if you don't mind. Kung nakakaistorbo man ako sa iyo, pasensya ka na ha? Geh, alis nako. Wag kang mag-alala, di na kita kukulitin" binigyan ko siya ng isang ngiti bago umalis.
"Fara, bukas na ang flight niyo to Korea. Dun ka na mag-aaral" nahinto ako sa pagkakaupo nang may sabihin si dad. Kakauwi ko pa lang galing sa university.
"Seryoso po?"
"Oo sweetheart, naka-impake na rin si Jess. Yung mga damit mo din, handa na" dagdag pa ni mommy
"But, mom. Biglaan naman yata."
"No it's not. Iniiwas ka lang namin sa mga chismis. Kaya mas mabuting maaga pa nandun na kayo" sabi naman ni dad.
Wala na akong nagawa kundi ang magbuntong-hininga.
Author's note: Thanks for the 400 votes
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?