Fara's Pov
It's almost a month now since that oh-so-called investigation happened. Halos araw-araw ay nagmukha kaming tanga sa kakahanap o di kaya ay stalk sa lahat ng second year college students at pati na din sa mga senior at junior college. Ang resulta nganga, okay na naman sakin pero si Jadyle, parang siya pa ang biktima.
Si Tyler naman, hindi man kami naging magkaibigan ulit at least hindi na masama ang pakikitungo niya sakin. At si bakla, naghihinala na sa pagiging wala ko minsan, nagtatampo na daw siya sakin, kahit ngayon hindi ko pa sinasabi sa kanya na may nangbabash sakin. Kaartehan niya lang eh. Mabuti pa si Carla, napakasupportive at understanding girlfriend, sinasamahan niya kami kundi nakakaintindi siya sa pagiging wala ni Jadyle minsan, bumabawi naman ang huli.
"Bakla, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Isa na lang ha, at hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka bilang kaibigan ko. I have a lot of friends, remember that" seryoso at nakairap na sambit niya
Napalabi ako sa sinabi niya. Ang rami ko na ngang atraso sa kanya, baka naman kasi maging beast mode uli siya kapag nalaman niya na may nangbabash sakin. But do I really have to lie? Bahala na.
Napabuntong-hininga ako "Bakla, wag kang magagalit ha" nakayuko lang siya, nagrereview sa exam para mamaya.
Inilibot ko ang tingin sa study area at nang masiguradong kami lang ang nandito at ang iba ay nasa gitna, dahil nasa gilid kami nakapwesto ay mas lumapit ako sa kanya.
"Jess, hoy! Makinig ka naman. Ito na may sasabihin na nga yung tao eh" inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya at kumapit sa braso niya
"Sorry, na. Babawi na ako sayo. May hinahanap lang kami this past few moths, sana maintindihan mo. May nangbabash kasi sakin at ayaw ko namang pati ikaw mamroblema, kaya tinago ko-" Nilingon niya ako bigla kaya muntik na akong mahulog. Buti nahawakan niya ako
"What?! Sana sinabi mo agad sakin! Best friend mo ko, kita! Ano ba naman yan, Fara"
"Kaya nga ayaw na ayaw kong malaman mo 'to dahil alam ko kung ano ang maging reaksyon mo" umiwas ako ng tingin nang tignan niya ko
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga braso niya sakin.
"Bakla, sorry" bulong niya
"Line ko dapat yan bakla. Sorry" sagot ko sa kanya at bumitaw na siya sa yakap at binatukan ako.
"Drama ng life mo girl, ikaw na! MMK mo na yan!"
"Ito naman, ang harsh mo"
"Hi" Sabay kaming napatingin sa harapan namin ni bakla. Nagkatinginan muna kami bago namin siya binati
"Why are you here?" Napangisi siya sa tanong ni bakla
"I came here to inform you who's who"
"Ha?" Takang tanong ko
"Well, follow me sweetheart if you want to know what I'm talking about" sabi niya bago tumalikod at naglakad na. Hindi pa siya nakakadalawang hakbang napahinto siya sa tanong ko.
"Tyler? Okay naman tayo diba?"
"Oo. Wag kang mag-alala, magugustuhan mo ang makikita mo" sagot niya at naglakad ulit pero huminto na naman
"But I doubt it" Dagdag niya pa bago tuluyang naglakad palayo
Naiwan kaming nakatulala ni bakla dito. Walang pagdadalawang-isip dinial ko ang number niya. Sana ito parin ang number niya. Nakakaisang ring palang sinagot na niya agad ang tawag ko.
"Nasan ka?" Tanong ko agad nang sinagot niya ang tawag
"Hello"
"Tyler nasan ka nga sabi"
"Nasa first floor. Security room. Sunod ka lang-" Binaba ko na ang cellphone at nagmamadaling nilagay ang gamit ko sa bag.
"Bakla, susunod ka?" Kita sa mukha niya ang pag-alala kaya nginitian ko na lang siya
"Sama ako" Niligpit na rin niya ang gamit niya at sabay kaming tumungo sa elevator.
Ang tagal naman. It's already quarter to ten, test pa namin.
"Bakla, ako na lang kaya. Kaya ko nato. Malapit na magquiz."
"Short quiz lang naman yun, keri lang"
"Hindi. Una ka na"
"Magtake na lang tayo ng special quiz ni ma'am. Mabait naman yun"
Hindi na ako nagreact at pumasok na sa elevator papunta sa first floor. Tumakbo agad kami sa security room at nakita si Tyler na prenteng nakaupo sa may couch.
"Finally. Nandito ka na. Nandito na ang solusyon sa problema mo" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang labo niya.
"Ilang buwan na ba kayo naghahanap sa hashtag hater slash basher mo? Nandito na ang sagot Fara" Mas lalong kumunot ang noo ko. Pano niya nalaman?
Pumunta siya sa bandang likuran ni kuya na nagbabantay sa mga security cameras at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Kahit naguguluhan, lumapit pa rin ako sa kanya.
"He lied" Kasabay nun ay ang pagturo niya sa screen, sa lalaking may dala-dalang bondpaper.
Lumingon-lingon pa ito sa paligid bago niya idinikit ang bondpaper at may ngiti sa labi na umalis. Dalawang videos ang nakunan sa bulletin board na ganun parin. Ang isa naman ay footage sa classroom namin. It's six o'clock, ang nakalagay sa time and eight pa ang unang subject namin. Pumasok siya sa may room at pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na.
At pagkatapos ng isang oras ay may isang babaeng pumasok sa room, and it's Macy. Lumabas siya at lumingon-lingon sa paligid. May sinasabi rin siya sa mga estudyanteng dumadaan at tinuturo ang board namin. Panay lingon naman ang mga nakakausap niya kaya bumalik uli siya sa room. Ito yung may nagsulat sa white board at sinabi ni Macy na wala siyang alam kung sino ang nagsulat.
Kitang-kita ang mukha ng lalaki, iisang lalaki lang ang may pakana. Hindi ako naniniwala na kaya niyang gawin yun. No, please sana hindi siya.
And lastly, pinakita ni kuya ang footage sa parking lot na naman. Lumabas ang isang lalaki sa sasakyan niya bago may binigay sakin. No! No way! I remember this scene sabi niya sakin may delivery boy daw na nagbigay sa kanya pero wala. Wala akong nakitang sasakyan o di kaya'y isang delivery boy sa video. How, how could he?!
Umiling-iling na tinuro ko ang screen. No, hindi niya magagawa 'to. Gulat na nilingon ko si Tyler
"Yes, he's the one. All this time, he lied"
"How?!"
"Why?!" That's all I could say. How?! Why?! Jadyle?
Author's Note: Oh diba? Ang chikat ni unnie, nag model siya kasama si Lay! Siya na! Haha. Pinost niya 'to sa Instagram at si dakilang ako naman screenshot agad at translate. Nakalagay sa caption niya na pinicturan daw ng isang fan sa China and yun lang ang naalala ko haha dahil dinelete niya rin eh. Si Oppa Taejun din may guesting na din haha. Hope you like it.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?