Fara's Pov
I woke up early today because of Jess. Lumulukso sa kama habang kumakanta. Pagbaba ko naman sinalubong agad nila ako ng confetti at birthday song. At pagdating ko sa room kinantahan nila ako, well it's not new to me. Kinakantahan naman namin ang nagbibirthday sa room but it feels different. Kakaiba dahil alam na nilang kapatid ako ng may-ari, and they even congratulate me sa pageant.
"Girl smile ke nemen diyan, birthday mo ngayon" napalabi ako sa sinabi niya. Lahat ng kaklase namin bumati na sakin maliban kay Tyler.
"May surprise sayo yun, wag kang mag-alala. Alam mo na yun full of surprises, susulpot na nga lang bigla
Sumakay na kami sa sasakyan at umuwi na. Buti na lang at bakante kami ngayong hapon, wala na kaming ibang klase sa schedule namin. Pagbaba namin sa sasakyan hinila agad ako ni mommy, mas excited pa siya kesa sakin. Napabuntong-hininga ako.
"Mom, wag masyadong excited okay? Matutulog muna ako tutal mamayang gabi pa" Binuksan niya ang pintuan sa kwarto at nagmadaling pumasok sa walk-in closet. Inilagay ko sa study table ang bag at humiga.
"Sweetheart! Look! Look! Your gown and dress!" Kinikilig na sabi ni mommy. Tinignan ko ito at napasimangot
"Mom, that gown and dress shows too much skin"
Isang peach color tube v-cut gown na may mahabang v-cut well mahaba naman siya hanggang sa sahig pero the v-cut ang taas. Ang dress naman ay kulay skyblue, long sleeves ito na may belt at hanggang mid thigh. Sa likod naman ay backless kita likod.
"Ano gusto sweetheart? Mag baro't saya ka? Hindi yan pwede you're a lady now"
"I'm still a child mom. Eighteen years old below"
"Sweetheart, ano naman ang kina too much skin dito? It's just a long v-cut tube gown"
Yeah, it's just, just. It's just three inches above my navel, like wow. Well it's just a long v-cut gown as what she said. Ang dress naman kung makaexpose sa likod ko, ay ewan na lang.
"Of course mom it's just a long v-cut tube gown. You can go now mom" agad din naman siyang lumabas at pumalit dito ang kaibigan kong bakla
"Wow! Ito ang gown at dress mo?" Tumango ako sa kanya
"Pakilagay na lang sa walk in closet bakla"
Nagising ako sa ingay na narinig kaya agad akong bumangon para hanapin kung nasan yun. Pagbaba ko sa hagdan nanlaki ang mata ko sa nakita. Dali-dali ko siyang niyakap.
"I miss you dad" niyakap niya din ako pabalik at marahang tinapik ang balikat ko
"I miss you too. Happy birthday Fara" humiwalay ako sa yakap at napatingin sa inilahad niyang regalo. Kinuha ko ito at agad na pinunit.
"Thanks dad! I really like it!"
"You're welcome"
Umupo ako sa couch at kinain ang pizza na regalo niya. I really appreciate it, kahit pagkain ang niregalo niya it's the best gift ever, nanggaling pa sa daddy namin na kuripot. And I really need this right now, gutom ako. Tinampal ko ang mga kamay na nagbabalak kumuha ng pizza ko. It's my gift and of course it's from dad na minsan lang naglalabas ng pera para sa isang regalo dahil sa sobrang kuripot. Kaya dapat eenjoy ko 'to.
"Heto o, ibibigay ko na lang din gift mo. Wag kang mag-alala Nutella at Pringles pa rin 'yan"
"Salamat. Kaya gusto kita bakla e" nginitian ko siya.
Hindi man lang nag-abalang ilagay sa paperbag ang gift. Nasa plastic pa. Wala namang nagbago dahil ganyan naman siya tuwing birthday ko, simula ng maging kaibigan kami wala siyang ibinigay na regalo sakin na naka gift wrap puro nakalagay sa plastic ng mall na pinagbilhin niya. Iba din trip nito.
Maya-maya pa lang ay dumating na ang beauty team, kaparehong team na nag-ayos sakin sa pageant. Pinaayos na nila ako dahil sa mismong venue na lang ako aayusan para isang bagsakan na.
Pagdating sa isang hotel dumiretso agad kami sa room kung saan ako aayusan kaya hindi ko nakita kung saan gaganapin ang party. Iba ang pag-aayos nila sakin ngayon, nagmukha akong mature sa make-up at sa buhok ko. Sinuot ko na ang gown at napangiwi akong napatingin sa salamin.
"Sweetheart, you look mature yet pretty"
"Mom, halos maghubad na nga ako dito sa gown ko"
"Smile ka lang okay? Bagay naman sayo. And oh, malapit na mag start ang program so be ready. I'll go now. See you in a few minutes" kinindatan pa niya ako bago umalis.
Pumunta na kami sa mismong hall kung saan gaganapin ang party. Sa labas pa lang alam mo ng malaki. Binuksan na nila ang pintuan at palakpakan agad ang narinig ko.
"And now, let us all welcome our birthday girl. Ms. Fara Gabriel Smith" sabi ng MC
Habang naglalakad sa red carpet napapansin ko ang mga flash ng camera ang iba nginingitian ko. May background music din habang naglalakad ako
Nilahad ng MC ang kamay niya para sakin at nakangiti ko naman itong tinanggap. Nagbigay muna ako ng speech bago umupo. Pagkatapos ay ginawa na rin ang eighteen messages ng mga kaibigan ko at iba relatives. Iniligay na din nila ang mga regalo sa isang malaking table sa gilid ng stage at habang ginagawa iyon ay kumain na din kami. Nag-excuse muna ako pagkatapos kumain para pumunta sa rest room.
Pagkalabas ko sa cubicle, naghugas muna ako sa kamay at may pumasok na babae na kasing edad ni mom. Itinapat ko ang kamay ko sa machine na pampatuyo. Tinignan ko siya sa salamin at nag-aayos siya ng lipstick, umiwas din agad ako ng tingin.
Nang malampasan ko siya naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko bago ipinaharap sa kanya at biglang sinampal ng malakas. Bahagya pa akong napaatras sa gulat at sakit. Hinawakan ko ang pisngi na sinampal niya at nakipagtitigan sa kanya. Hindi ko naman siya kilala.
"Happy birthday Fara it's nice to finally meet you. That's my gift. Sorry for that" nilampasan niya ako at bago pa siya lumabas may sinabi pa siya
"It's a tie, you hurt my son and I hurt you. I'm Jadyle's mom by the way. Your ex's mother" sabi niya at lumabas na
Napatayo lang ako dito, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Mom ni Jadyle? His mom? Kasalanan ko naman din yun, kaya hindi ko siya pwedeng sumbatan sa ginawa niya. Inayos ko na lang ang sarili ko ulit.
Napatingin ako sa bagong sa pasok na babae, kasing edad siguro sila ni kuya at hinihingal pa siyang sumandal sa pintuan. Siya yung judges na panay ang tingin sakin at nagtanong din.
"Are you okay?" Tanong niya sakin habang papalapit
"Opo"
"Goodness. Did she hurt you?" Hindi agad ako nakasagot kaya siya din sumagot sa sarili niyang tanong
"I'm sorry for that. She's not that bad, nadala lang siguro sa emosyon" May accent pa ang pagtatagalog niya
"I'm sorry, I'm really really sorry for what she did. What my mom did. Yup, I'm your brother's girlfriend. Jyla Swift. Don't worry alam na din ni Jadyle ang tungkol sa'min ng kuya mo. Before the pageant, nagkakilala na sila. It's good to finally see you Fara" ngumiti siya sakin bago nakipagbeso beso at sumabay na sakin na lumabas ng rest room.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?
