Chapter 52 : Drunk

2K 46 0
                                        

Fara's Pov

Napalabi ako sa nakita ko. Kahit nasa labas pa lang ay kitang-kita mo na ang taas ng pila. Napadalawang-isip tuloy ako kung tutuloy ba ako o hindi.

"Bakla, sigurado ka na ba dito? Pwede ka pang umatras" kinakabahang tanong niya

"Don't worry. Kaya ko 'to"

"Pero bakla, hindi tayo nagpaalam sa mommy at kuya mo"

"Nah. Simple lang yan" paninigurado ko sa kanya kahit ang totoo sobrang kinakabahan nako.

Ibinaba ko ang sun-visor at tinignan ang sarili ko sa salamin nito. Buti na lang at may salamin ito, hindi naman kasi ako yung tipong nagdadala ng compact. Ibinalik ko na din ito ng makitang maayos naman ang ayos ko.

"Bakla ha, sabi mo yan"

"Oo nga sabi, tara na?" Inunahan ko na siya sa pagbukas ng pinto at tinignan ang sarili ko sa labas ng sasakyan.

Siguro naman sakto 'tong suot ko. Isang black fitted tube dress na pinatungan ko ng blazer at three inches wedge heel. Naglagay din ako ng red lipstick at light make-up lang. I don't really know if I look okay. Hindi naman ako marunong maglagay ng make-up nag search pa ako.

"Hoy! Sabi na nga ba, girl pwede pa tayong umatras"

"Wala ng atrasan 'to OK? We're here. And I'm already legal remember?" I give him a thumbs up

"Basta, wag kang lalayo sakin ha. Jusme, ano ba kasing nakain mo" daldal niya habang papasok kami sa bar.

Ako ang nag-aya sa kanya na pumunta dito matapos guluhin ng dalawang lalaki ang mood ko kanina. Alam ko naman na hindi ito makakabawas sa problema ko, gusto lang mag relax yung tipong wala kang iintindihin dahil lasing ka at malalabas mo lahat ng hinaing mo.

Napangiwi ako nang marinig ang malakas na tugtog at ang amoy ng alak at sigarilyo. May ibang natatamaan ako dahil sa pagsayaw nila. Its basically the dance floor. It's not that late naman, it's already ten.

"Bakla, dito ka lang OK?!" Sabi niya agad ng makarating kami sa second floor ng bar.
Pinaupo niya agad ako sa couch na may maliit na table.

"Ha?!" Pasigaw kong tanong dahil ang lakas ng music. Hindi naman katulad ng nasa baba na sobrang lakas, hindi ko marinig ang sinasabi ni bakla dahil nakatayo siya medyo malayo sakin.

Lumapit siya sakin bago umupo sa tabi ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumasok siya sa bar, since mahilig magbar ang mga pinsan niya at niyayaya siya. Wala naman siyang magagawa dahil minsan na nga lang sila magkasama tatanggihin niya pa daw.

"Sabi ko, wag kang aalis. May bibilhin lang ako" turo niya sa may counter na may mga iba't-ibang wine na nakalagay sa may wall.

Marami ding tao sa may counter umoorder ng drinks. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

Wala pang tatlong minuto ay may lalaki nang ngumingiti sakin. Hindi naman sila lumalapit, hanggang tingin lang.

Matapos ang labinlimang minuto ay nakabalik na rin sa wakas si bakla. Kinikilabutan nako sa mga tingin ng mga lalaki dito sakin.

"Bakla!" Tawag ko agad sa atensyon niya ng inilagay niya na ang pagkain sa lamesa

"Oh?"

"Bakla, tabi tayo" Hindi na siya sumagot at tumabi na nga sakin.

"Ano? Uwi na tayo? Di mo na keri no? Gogora ka pa?"

"Nandito nga ako para makapagrelax diba? OK naman sakin dito, pero yung mga tao lang talaga" tumawa siya na para bang napakatanga ko dahil sinabi ko pa sa kanya

"Gaga" pagseseryoso niya bigla

"Of course, ano pa bang ginagawa ng mga tao na nandito? Karamihan eh alam mo na, ang iba naman gustong makalimutan ang mga problema nila kahit saglit lang, kahit alam nila na panandalian lang."

Tumango-tango ako sa sinabi niya pagkatapos ay napabuntong-hininga, I know why I'm here. Nandito ako para ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, para na rin makapagrelax.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain at drinks na inorder ni bakla. Napakunot ang noo ng makita ang inorder niya.

"Ano 'to?"

"Pagkain?" Balik tanong niya sakin. Napasapo ako sa noo, dapat pala ako na lang ang nag-order.

Umiling-iling ako sa nakita ko. Isang bote ng Maria Clara, dalawang coke in can at isang order ng sisig. Yung totoo?

"Bakla, dapat nag restau nalang tayo. Ano 'to?"

"Excuse me naman girl no, hindi ka pa nga nakakatikim ng wine tapos gusto mo na agad hard drinks, ganern?"

"Dito ka na lang ako ang oorder"

Tatayo pa lang ako, hinawakan na niya ang kamay ko

"Pano ako matututo kung hindi ko gagawin diba? Parang tindahan lang 'to bakla" kinuha ko ang kamay niya bago ito binitawan at pumunta na sa may counter

"What's your drink for tonight ma'am?" Tanong ng bartender ng makaupo ako sa isang stool

Tumingin-tingin muna ako sa mga katabi ko. Agad naman akong nagsisi dahil sa nakita ko. Hindi ba nila alam ang salitang private? Kung maglampungan kala mo sila lang ang tao dito. Nakakainis.

Bumalik ang tingin ko sa bartender na nakangiti pa rin kahit parang naiinip na sa sobrang tagal kong mag-order. Tindahan pala Fara ha.

"Ah, naiinip ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang bahagya niyang pagngiti

"Hala, sorry. Natanong ko ba? Sorry. Ah, ano na lang, a...ano"

"OK lang yan ma'am. First time niyo po?" Nakakahiya. Nang hindi pa ako sumagot ay nagsalita na rin siya

"Ma'am, so-"

"Nah, wala yun. OK lang, bigyan mo na lang ako ng hard drinks niyo yung pinakamatapang at malakas. Samahan mo na lang rin ng dalawang order ng fingerfood niyo. Ikaw na bahala kung ano. Uhm, pwedeng pakiserve na lang dun sa couch na malapit sa aircon? Salamat" Pagbaba ko sa stool natapilok ako buti na lang may humawak sa braso ko.

"Hey! You OK?" Bigla ko siyang natulak nang magtanong siya sakin, ang lapit niya, sobra. Humohokage si kuya.

"Yes. Thank you" sagot ko sa kanya at nagmamadaling bumalik sa pwesto namin ni bakla.

"Hoy, bakla! Ano yung nakita ko ha? Buti na lang hindi nagalit si boy"

"Wala. Ang lapit kaya niya, like hello? Hindi ako naghahanap ng lalaki no?" Humagalpak siya ng tawa sa sagot ko

"Like hello? Bakla sa suot mong damit anong iisipin nila? Oops! Hindi pa ako tapos, alam ko namang hindi yan kinulangan ng tela. Pero bakla may fes ka eh, may fes!" Nilagay niya pa ang kamay niya sa ibaba ng baba niya bago niya ito tinapik-tapik dito

"Ewan ko sayo" natatawang sagot ko sa kanya

Nilibot ko ang tingin sa mga taong nandito. Hindi man ito yung dance floor, madami pa ring tao ang nandito na nagsasayaw. Marami pa ang sumasayaw kesa sa umiinom. It's already thirty minutes after ten. Padami na din ng padami ang mga tao.

Not less than ten minutes ay umabot na rin ang order ko, binigay ko na sa waiter ang bayad at ang tip niya, sinabihan ko rin siya na bigyan ng tip yung bartender kanina. I gave him his name dahil naka nameplate naman sila. And I know that's only their identity not their real name.

"Naks naman bakla, sosyal nito ha. Wait-hard drinks?!"

"Ang ingay mo, inom na lang tayo"

Kinuha ko ang isang bote ng alak bago binuksan at mabilisang ininom ito. Pwe! Ang pait! Parang may guhit na dumaloy sa lalamunan ko. Napapikit ako sa tapang. Ang baho pala nito. Bakit naman maraming nagkakagusto sa mga ganitong inumin? Napasamid ako sa pag-inom ko, pakiramdaman ko masusuka ako.

"Ayan, ayan ang napapala mo eh. Dapat nilagyan mo ng lemon at asin"

"Ang sakit na nga eh? Anong gusto mo? Dadagdagan ko pa ng mas sumakit pa? Ano 'to pagpapakatanga, na dadagdagan pa ang sakit kahit hindi pa nawala?!"

Gee. Am I drunk?

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now