Chapter 8

3.3K 95 2
                                    

IMPORTANT NOTE:
Naayos ko na po ang Chapter 1-7 may mga binago po ako at meron din namang wala, may dinagdagan. Kung gusto niyo pong basahin edi wow xD 'de seryoso okay na po LOL. Na-isip kong masyadong lame yung nasa Chapter 1-7 kaya inayos ko. Ikaw ba naman magsulat ng story na 1_ years old palang XD pero ganun naman din po ang kinalabasan ng pag-aayos ko lame pero oy, di na masyado haha, well salamat po sa nagbabasa nito :) . Na-isip ko rin pong may pa edit-edit pa akong nalalaman eh hindi pa nga tapos ang story LOL, yun lang Salamat sa pagbabasa nitong walang kwentang note ko haha :)


Fara's POV

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa room, late na 'ko panigurado. Hindi kasi ako ginising ni Nanay Rosa. May nakakasalubong nga akong estudyante sa hagdanan, napapatingin lang sila sa'kin. Hindi kasi gumagana ang elevator sira yata.


"Nako, sorry po kuya" nagmamadali ko namang pinulot yung nahulog kung gamit, Hindi ko na tinignan kung sino siya. Nakakailang hakbang pa ako nang hawakan niya 'ko sa balikat


Huminga ako nang malalim "Kuya, sorry po, kaya please lang po bitawan niyo na 'ko late na ako"


"Hindi ka ba napapagod sa kakatakbo?" Napalingon ako kay kuyang nakahawak sa balikat ko. Nagulat ako nang makita ko siya, at napalitan naman ng pagtataka ang ekspresyon ko dahil sa tanong niya


Naka poker face siya "Dahil kanina ka pa tumatakbo sa isip ko" nagulat na naman ako sa sinabi niya. Narinig ko na sa kung saan ang linyang yan , pero bakit niya ako sinabihan. Nang mapagtanto niyang nagulat ako, he smirked


"Kidding" he smirk pagkatapos ay nauna na sa'kin. Oh-kay? What was that?


"Bakla lutang ka na naman" napalingon naman ako sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay, kunti lang ang tao sa room kasi break namin


Umiling-iling ako, bigla naman siyang lumipat ng upuan sa tabi ko sa upuan ni Jadyle


"Your not good at lying" tinignan ko siya


"Si Jadyle kasi bumanat.. tapos binawi din niya"


Inirapan niya 'ko "Duh, bruha, sabihin mo nga sakin kung gusto mo na ba si Jadyle?" umiling lang ako


"Oh, yun naman pala ba't mo pa yun iniisip, tsaka baka trip ka lang 'nun" tama siya


"Hey! Sorry natagalan ako" ngumiti lang ako sa kanya, si bakla naman sinunggaban na agad ang burger gutom siguro


"Ito oh, shake tsaka pizza" inabot niya sa'kin at kinuha ko naman. Napagpasyahan nalang namin na dito nalang kumain sa room, at si Tyler ang ginawa naming utusan haha. Alam na din ni Tyler na kaklase na namin si Jadyle and worst nasa kanan banda si Tyler si Jadyle naman sa kaliwa



"Lalaki, ba't ka nga ba absent nung isang araw?" Halos makalimutan ko nang tanungin si Tyler, buti nalang andyan si bakla


"May emergency" kinabahan ako bigla, pakiramdam ko nagsisinungaling siya.


"Yung totoo?" Tanong ni bakla, natawa naman si Tyler


"Of course, hindi naman ako nagsisinungaling" siguro napa paranoid lang ako. Tahimik lang akong kumain habang si bakla panay daldal


"Bruha-" may sasabihin pa sana si bakla nang may lumipad na bag at natamaan siya


"Excuse me" sabi ni Jadyle kay bakla at kinuha ang bag na nahulog


Tinignan naman siya ng masama ni bakla "Alam mo, pwede mo naman akong sabihan eh, pero binato nang bag?" Pinagpagan ni Jadyle ang bag niya na parang walang naririnig


Tumayo naman si bakla "Ewan ko sayo, pakasalan mo 'yang upuan mo!" Pabagsak siyang umupo sa upuan niya sa likod


"Pare, rumespeto ka naman" sabi ni Tyler kay Jadyle, umupo naman si Jadyle sa tabi ko at sinaksak sa tenga ang earphones niya


Tumayo si Tyler "Gago ka naman pala eh!" kasabay nun ang pagsuntok niya kay Jadyle, mabilis ang pangyayari, buti nalang at kaming apat lang ang nandito wala yung iba. Linapitan ko si Tyler, sumunod naman si bakla


Tumayo din si Jadyle saka tinignan si Tyler "I don't fight especially if it's you. Why? Because I'm not a jerk like you!" he smile, a lopsided smile saka siya bumalik sa pagkakaupo. Pinisil ko ang kamay ni Tyler para pigilan siya


"Moron" bulong ng katabi ko. Buti nalang hindi maririnig ni Tyler dahil nasa kanan ko siya at inililibang ni bakla


"Nakakalerkee!! Ang ganda ganda ko, pinag-awayan ako ng dalawang prinsipe!" I playfully slap his forehead, nangangarap na naman ng gising


"Nagbago na siya no?" Tanong ko kay bakla. Makikitulog siya sa'min haha


"Sinabi mo pa, ayaw nga nun ng gulo, kahit inaapi na hindi sumasagot pero ngayon Iba na siya. Ibang-iba na" tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Ako ang may kasalanan nito. Sana hindi nalang ako pumayag sa dare ni Tyler. Sana hindi ako nagpadalos-dalos sa naging desisyon ko. Sana





A/N: Yung iba po hindi ko na nakuha sa original naks! xD paulit-ulit po kasing nadidelete kaya type ulit

P.S. Sorry for the wrong typos and grammar

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now