Chapter 6

3.6K 103 3
                                    

Fara's POV

"No I'm not, just call me Michael, Jadyle, or anything that you want except that creepy name" sagot niya at umupo sa bakanteng upuan na nasa bandang kaliwa ko


I was shocked nang malaman kung lilipat na pala ng room si Dy- I mean Jadyle sa room namin which is Section A, nasa Section B kasi siya dati. Well nasa section A naman dapat siya dati pa lang pero ayaw niya. Kanina lang din sinabi ni sir ngiting-ngiti pa siya nang sabihin samin na lilipat na ng section si Dy- oh, Jadyle pala, ayaw na kasi niyang tinatawag na Dyle nagbago na nga siya. And now I'm here sa canteen kasama ko si bakla


"Teh, di ka makaget-over no?" sabi ni bakla habang nginunguya ang French fries


Tumango ako sa kanya "Bakit kaya niya napag-isipang lumipat ng section?"


"Ano ka ba, ayaw mo nun makakasama natin si Papa Jadyle" he chuckled


Nasan kaya si Tyler absent kasi siya tinawagan ko pero naka off ang phone niya,sana okay lang siya.


"Hoy babae, jowa mo na naman ang iniisip mo noh? Nakatulala ka na naman, tatawag din yun baka busy lang" sasagot na sana ako nang may tumikhim sa likuran ko


"Oo nga baka busy yun, busy sa ibang babae" sagot ng nasa likuran ko at umupo siya sa tabi ni bakla so ngayon nasa harap ko na siya


"Hi Fara, nandito nga pala ako para hingin ang basbas mo, liligawan ko kasi si Jadyle" malanding sabi niya, lakas ng self confidence ah


Si Carla lang naman ang nandito sa harap ko,kailan kaya 'to magbabago I sighed. Nasanay na rin ako sa kanya, galit na galit siya sakin dahil ako ang nanalo bilang Campus Princess walang kwenta ang reason niya.


Tinaasan ko siya ng kilay "Why do you need my blessing? If you want to court him then go, I don't care" tumayo naman siya at lumabas na nang canteen


"Grabe talaga ang babaeng yun, siya talaga ang manliligaw, wala na talaga siyang kahihiyan.....Teka may napansin ka ba?"


"Yeah wala ang mga kaibigan niya" bored kong sagot kay bakla


"Ay, nga pala bakla punta ka sa bahay namin bukas ha wala naman kasing klase dahil holiday" I'm sure matutuwa si Nanay Rosa kapag nalaman niyang pupunta si bakla bukas


"Sure" He happily answered


"Nay ako na po, magpahinga na lang po kayo" sabi ko kay nanay habang kinukuha mula sa kanya ang walis, binigay naman agad ni nanay dahil alam niyang hindi ako susuko.


Natapos na lang ako sa pagwawalis wala pa si bakla kaya napagpasyahan ko nalang na manood nang tv


"Jessa naparito ka halika pasok" rinig kong sabi ni nanay sa labas


"Kaya mahal na mahal kita Nay Rosa" sabi ni bakla


Pumasok na silang dalawa, bitbit ni nanay ang basket na nilagyan ng mga damit na isinampay niya at may dala namang paper bag si bakla I'm sure grocery ang laman ng paper bag. Tuwing dumadalaw o di kaya iniimbitahan ko siya sa bahay ay may dala siyang grocery kaya nasanay na kami, no'ng una niyang pumunta dito hindi namin tinanggap ang dala niya nagtalo pa nga kaming dalawa kaya ang resulta talo ako kaya tinanggap na lang namin at nagpasalamat sa kanya ang kulit kulit kasi eh tulad ko haha


"Nako Jessa salamat dito, sana hindi ka na lang bumili nito" sabi ni nanay mula sa kusina na inilagay sa ref at hanging cabinet ang pinamili ni bakla. Nanonood kasi kami ni bakla ng basketball sa tv


"Nay, Jess ang pangalan niya, wag nga kayong maniwala diyan na Jessa ang itawag sa kanya, tingnan mo namimihasa" pasigaw na sabi ko kay nanay para marinig niya,tinawanan lang ako, at binigyan ako ng batok ni bakla


Dinalhan kami ng pagkain ni Nanay dito sa sala pagkatapos niyang ilagay sa lagyanan ang pinamili ni bakla


"Oh ayan kumain kayo ha, kung may kailangan kayo nandito lang ako sa kwarto" sabi niya at pumasok na sa kwarto


"Alas otso pa lang naman, si Nay Rosa talaga oh" umiiling-iling na sabi ni bakla


Ginulo ko ang ayos ng buhok niya "Kung alam mo lang gusto ka nang pauwiin ni nanay kaya niya tayo dinalhan ng snacks wag ka ngang.... Ambisyosa dyan na mahal ka ni nanay kaya niya tayo dinalhan ng snacks, kung makailing naman parang sa kanya talaga ang snacks" pabirong sabi ko at tumakbo sa labas na tawa ng tawa ang epic lang kasi ng itsura niya, lalo na't ginulo ko ang buhok niya


"Humanda ka sakin Fara Gabriel" tinuro niya ako at sumunod na din sakin dito sa labas


Naghahabulan lang kami sa labas at loob ng bahay for almost 20 minutes hanggang sa nagpasya na kaming pumasok sa bahay. Nauna na akong pumasok dahil may tumawag kay bakla


"Babaita, may naghahanap sayo, halaka may utang siguro ka no or worst pumatay?" sabi niya at umupo sa tabi ko


Binigyan ko siya ng isang malakas na batok "Sino?"


"Naka kotse eh" No, wag ngayon nandito si bakla





Sorry for the wrong typos and grammar

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now