Chapter 2

6K 143 8
                                    

Jadyle's POV

"Morning dad, mom " I greeted them before I kissed my mom's cheeks


"Good morning din" sabi ni mom si dad naman ngumiti lang


"Jade anong nakain mo kagabi? Ang aga mong gumising ngayon" sabi ni dad sabay tawa at sinundan naman ni mom. Nandito kami ngayon sa sala, kakagising ko lang and diretso na ako dito


"Mom, dad" naknang! Pano ko ba 'to sasabihin


" Bakit?" Tanong ni dad habang nagbabasa ng dyaryo


I sighed "I, I have a girlfriend. W-were celebrating our 1st anniversary today. Can you help me? " nauutal kung sabi and they're shocked as expected. They didn't know that I have a girlfriend because hindi naman namin napag-uusapan ang ganitong mga bagay-bagay


Mom smiled "Naku hon binata na ang anak natin akala ko bakla to eh" she laugh and pat my head


"Mom!" Saway ko sa kanya and she just shrug her shoulders


"Yan ba ang dahilan kaya maaga kang nagising ngayon?" Tanong ni dad na pinatong ang dyaryo sa center table


"Kaya pala. Pero Jade ba't hindi mo naman siya pinakilala sa amin? " tanong ni mom


"Nahihiya po siyang pumunta dito" If I invited her, ayaw niya, kasi nahihiya daw siya kaya hindi ko nalang siya pinipilit


"Kung ganun kwentuhan mo naman kami about sa kanya" sabi ni mom na interesadong-interesado


Tiningnan ko ang wall clock bago tumingin kay mom "Mom the time is running your wasting it" pinandilatan lang niya ako ng mata, tss mangungulit din 'to kapag hindi ako nag kwento


I sighed "Okay, Her name is Fara, Fara Gabriel. She's gorgeous, one of a kind person, intelligent basta she's the girl that everyman's dream" I said and I handed her my phone na may picture ni Gab


"Inlove ka talaga sa kanya Jade kung nakikita mo lang sarili mo ngayon. Son you know what hindi pa din ako makapaniwala na may magkakagusto sayo kasi tingnan mo may malalaking glasses ka at ang ayos sa sarili mo hindi sa minamaliit kita ha gwapo ka pa din no kahit ganyan itsura mo. Kadalasan kasi ngayon okay na sa mga babae ang gwapo hindi man lang nila tinitingnan ang ugali tinitingnan lang nila ang panglabas na anyo. Sana magtagal pa kayo ni Fara. I like her for you even though ngayon ko lang siya nakita at sa picture pa. So what's your plan?" Tss, ang dami pang satsat ni mom. Sinabi ko na ang plano ko at pumunta na sa kwarto para maligo. I hope she will like it.



Nandito na ako ngayon sa rooftop ng school okay na ang lahat. Ang mga tauhan nina dad ang nag-asikaso within 1 hour. May mga camera akong pinalagay bawat sulok na nagcoconect sa mga flatscreen tv, yeah ganito kasosyal ang university may mga tv para makita ang mukha ng mga nag aanounce. Buti nga at okay ko lang gamitin dahil close friends nina dad ang may-ari ng university. Hindi ko nga kilala ang may-ari o ni isa man lang sa mga estudyante dito. At kung nagtataka kayo may klase kami ngayon pero kinausap nina dad ang prinsipal at the same time may-ari din ng university kaya ayun pumayag pero half day lang. Gusto ko kasing gawing special at romantic ang araw nato gusto kong ipakita sa lahat ng estudyante dito sa university kung ga'no ko kamahal ang CAMPUS PRINCESS. I don't care if magmukha akong bakla o ano pa man ang iisipin nila sa pinag-gagawa ko.

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now