Fara's Pov
Pinagtitinginan kami ng mga tao sa mall, akala siguro nila isa kaming pamilya. Pano ba naman ang sweet ng dalawang kasama ko. Pinagitnaan ba naman ako at iniingatang hindi ako masaktan sa kanila, nakahawak pa sila sa magkabilang kamay. Para akong anak nila, mataas pa naman sila pareho kesa sakin. Hanggang balikat lang ako ni kuya at halos magkasing tangkad kami ni ate Jayla.
"Baby, gusto mo nun" turo ni kuya sa isang teddy bear. Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Sweet niya, pero nakakahiya. Pagtinginan ba kami ng mga tao dito.
"Oo nga, we'll buy it if you want" dagdag pa ni ate
"Aga naman nilang nagkaanak"
"Tignan mo anak nila oh, ang bata pa. Parang kapatid lang nila"
"Kung hindi nila pinagitnaan iisipin kung magjowa lang silang dalawa"
"Bagay kaya sila, ang cute nilang tignan"
Dahan-dahan kong pinadaosdos ang kamay ko sa hawak nila, tinaasan nila ako ng kilay
"Uhm. Kuya, pinaguusapan na po kasi tayo"
"Let them be"
"Ayaw mo pa nun? Anak ka daw namin" kinurot ko siya sa tagiliran. Napakaloko talaga
"Halika na ate. Bahala na siya diyan" pilit kong tinanggal ang kamay ko kay kuya at hinila si ate sa loob ng shop
"Wifey!"
"Sugar!"
"Baby!"
Binilisan ko pa ang paglalakad at nagtago sa isang block sa shop kasama si ate
"You're brother is kinda annoying" tinignan ko si ate na ngayon ay natatawa sa sinabi niya
"Yeah"
"Hi sir, good morning! Ano po ang sa inyo?"
"Ang lubayan niyo ako! May hinahanap ako. Mas matutuwa pa ako kung tutulungan mo ako" luminga siya sa paligid at bahagya pa siyang lumukso lukso para makita kung nasan kami
"It's fun Gab" nanlamig ako sa sinabi ni ate
"Gab?" Nagkibit balikat siya
"Of course, why not? Hindi lang si Gabriel ang dapat mabigyan ng ganyang nickname" natatawang sabi niya. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya
"Oo naman po"
"Gotcha!" Sabay kaming napatili ni ate at bahagyang napalukso. Sabay namin siyang binatukan
"What?"
"Anong what? Nakakagulat kaya" sermon ni ate kay kuya at kinurot ang tenga
"A-a-aray! Sugar naman, masakit!"
"Tse! Tumigil ka sa kakasugar mo!"
Tawa lang ako ng tawang tinitingnan silang dalawa. Both of them are lucky to have each other. Pareho nilang first ang isa't-isa. First boyfriend and girlfriend to be exact, pero hindi din naman malafairytale ang story nila. Isang beses na din silang naghiwalay, pero sa huli sila din naman.
Halos ubusin na ni kuya ang dalang cash niya sa pamimili para sakin. Binibilhan ako ng mga sweets, and stuff toy. Palibhasa hindi nag withdraw kaya inubos niya ang natitirang pera sa wallet niya para makapagwithdraw uli. Kung si dad napakakuripot na kayang hindi regaluhan ang mga anak, pwera sa birthday ko na kahit papano ay may gift saking pizza si kuya naman ay gustong-gustong magbigay ng regalo kahit hindi kailangan, minsan nga nakakairita na din siya. Waldas ng waldas ng pera, oo nga't binibigay niya yun pero grabe naman siya hindi nag-iisip.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?