Fara's Pov
Pinupunasan ko ngayon ang likod ni Dyle, basang-basa na kakalaro. Sa susunod na buwan na ang birthday niya. Hindi na namin siya pinaenroll sa Korea dahil balak naming dito siya pag-aaralin, kaya panay laro pa niya ngayon.
"Kain ka muna ng sandwich" kinain niya agad ang dala kong sandwich. Kung kumilos batang-bata pero kung mag-isip kala mo kung sinong matanda.
"Mom, gusto ko pong magmall. Sama po sana si daddy"
Hinalikan ko agad siya sa pisngi, mahal na mahal ko talaga ang batang 'to. Napangiti ako sa naisip ko. Si Manang Rosa, nakabisita na din kami sa kanya tuwang-tuwa pa siya nang makita kami kasama si Dyle.
"Mommy is smiling" napatingin agad ako sa kanya na ngumunguya sa sandwich
"Basta pagkatapos mong maligo, punta na tayo sa mall. Gusto mo ikaw ang tumawag kay daddy?"
"Ne"
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si bakla. Iniloudspeak agad.
"O? Bakla naman ke aga-aga, tumawa-"
"Daddy! Gusto ko pong magmall kasama ka" napatawa ako ng marinig ang mahinang pagmura niya
"Hoy! Bad yan, bakla. Bata ang kausap mo"
"Eh kung sinabi mo naman kasi agad." Narinig pa namin ang mga yabag ng paa niya, bago may mga kaluskos.
"Dad, are you sleepy?"
"No, aray! Sige anak mamaya na lang ha. Maliligo na ako" binaba na niya agad ang tawag.
"Mommy is daddy alright?"
"Oo naman. Malaki na yun. Arte lang nun"
"Tara, ligo ka na din?" Tumango-tango siya at nauna na sakin papunta sa cr.
Magkahawak kamay kaming naglalakad. Sa kanan ako at sa kaliwa naman si bakla nasa gitna namin si Dyle. Ang sarap talaga sa feeling ang makita mong masaya ang anak mo. Buti na lang, dumating siya sa'min. I'm twenty three years old now, at masaya ako bilang nanay ni Dyle.
"Daddy look!" Tiningnan agad namin ang tinuturo niya. Sa blue magic. Maraming teddy bear, pero nakakuha agad sakin ng atensyon ay ang malaki pa sa life size teddy bear na nasa bandang likuran ng shop.
"Gusto mo?"
"Opo" Pagpasok pa lang namin sa loob, parang ayaw ko ng lumabas.
Ang daming cute na teddy bear, at ang fafluffy. Napangiti ako ng makitang nag-eenjoy si Dyle sa mga teddy bear. Pinabayaan namin siyang tumingin-tingin at yakapin ang mga teddy bear. Hindi niya pa yata nakita ang malaking teddy bear, sigurado akong ipapabili niya yun.
"Baby, dito muna kayo ha. Punta muna ako banda dun" tumango-tango naman siya kaya mabilis akong pumunta sa may likuran ng shop.
Hindi nako nagulat kung bakit ang mahal ng presyo. Worth it naman.
"Uhm excuse me. Free delivery ba 'to?" Tanong ko sa isang staff. Nginitian muna niya ako bago umiling-iling
"Hindi po ma'am, kung gusto niyo po may bayad para sa gasolina sa delivery truck, yun lang po ang babayaran niyo"
"OK. Babalikan ko nalang. Pakireserve na lang"
Pagbalik ko sa kanila may dala-dala na sila ng tig-iisang teddy bear. Napangiti ako ng makita si bakla karga si Dyle na yakap ang halos kasingtangkad niya na teddy bear habang nakasimangot. Kinuha ko agad ang teddy bear na bitbit ni bakla.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?