Fara's Pov
Ramdam na ramdam ko ang mainit na tubig na dumadampi sa balat ko. Ang tanga, tanga, tanga, ko! Naniwala ako sa patibong niya. Dapat nakinig ako kay kuya dati. Ugh. Talo ka palagi Fara.
"Bakla, iiyak mo lang yan" bulong ni bakla sakin habang hinahagod ang likod ko.
Wala na akong pake kung anong sabihin ni kuya tagabantay sa camera. Basta ang alam ko eh masakit. Ang sakit, sakit, sakit. Mas masakit pa kesa nung hinawalayan ako ni Tyler. Sabi mo OK lang sayo na ganyanin ka nila? Sabi mo OK lang sayo, na sanay ka na. Pero bakit? Hanggang sabi mo na lang ba, ha? Fara? Ba't ba kasi may mga taong madaling magtiwala? Tulad ko.
"He's such a pain in the ass" sambit ni Tyler
"Ang talino mo din noh? Salamat ha" sarkastikong sagot ni bakla sa kanya
Huminga ako ng malalim at pinahiran ang luha ko bago tumayo. OK lang yan. Kaya mo yan. Pinakita mo na diba na OK lang sayo yun? Fara, Fara, Fara. Kaya ko to. Inhale, exhale.
Binigyan ko sila ng ngiti, at isang naguguluhang mukha lang ang pinakita nila sakin. I knew I'm weird. Very weird. Indeed.
"Bakla, OK ka lang?" Nakakunot-noo niyang tanong habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa
"Ano ka ba, OK lang ako. OK?"
"Lintek na pag-ibig naman yan" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya tagabantay ng camera
"Grabe ka naman kuya" sabi ni bakla
"Sige, bahala na kayo dito. Lalabas muna ako" sagot ni kuya tagabantay ng camera
"Tara na?" Yaya ko sa kanila at pumunta na sa may door knob.
Bago ko pa mapihit ang door knob ay bumukas na ito galing sa labas. Napaatras ako at sa pangalawang pagkakataon nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nagbukas ng pinto.
"Gab, Jess!"
Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang, may patak na dumampi sa balat ko. Isa, dalawa, tatlo. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi, hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa kanya o segundo lang. Ang alam ko ay may mga kamay na na humila sa akin palayo sa kanya.
"Ano 'to bakla? Crying in front of the door ang peg? Dapat pala ay bumili ako ng mineral water nang ma crying in the rain man lang diba"
Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak. Inilabas ang lahat ng lungkot, sakit, at galit na nararamdaman ko. Naririnig ko ang sarili kong hagulhol at hikbi dahil sa lakas nito. Kami lang naman ang tao dito sa field.
Naramdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa balikat ko at pagsuklay ng buhok ko gamit ang mga daliri niya bago bumuntong-hininga
"Bakla, seryoso. Naaawa ako sayo. Kung pwede nga lang mashare yan, baka kinuha ko na lahat. Iiyak mo lang yan, wag mong pigilan. Nandito lang ako OK?" Niyakap niya ako pabalik hanggang sa magsawa na ako sa kakaiyak.
Magdadalawang oras na kaming nakaupo dito sa field. Huminto na din ako sa kakaiyak, pero hindi huminto ang sakit na nararamdaman ko. Nandito pa din ang sakit. Tahimik lang kami ni bakla dito, hindi naman awkward kundi nakakacomfort ang silence sa'min.
"Bakla, parang ang o.a ng love life ko no? Ano 'to biruan?"
Pwede namang iba ang makakaranas nito, pwede din namang hindi ko 'to maranasan. Ika nga nila, you'll learn from your own mistake. Karma ba 'to? Siguro.
"Hindi yan joke friend. Destiny yan"
"Destiny?"
" 'to naman di mabiro. Yan ang sinasabi nilang" tumayo siya at tumikhim
"Sino?! Ang iibigin ko? Mahal ko? O mahal ako?~" Pakanta niyang sabi
"Tara na nga" yaya ko sa kanya
"Wala na tayong next class noh. Nonsense lang din kung babalik tayo, tambay muna tayo dito. Pinapangiti ka na nga. Mugto at maga na yang mata mo, isipin pa nila binusted kita. Nakakasuka no?" Napangiti ako sa huling sinabi niya
"Oh! Ayan! Nagsmile na siya!" Nakatiling sigaw niya
"Gaga"
"My hawt. Bakla, hartue ko. Nalaglag" tinaasan ko siya ng kilay
"Nasilaw sa ngiti mo. Pakipulot mo nga. Ganda moh" ngumiwi ako sa banat niya
Tumawa siya sa naging reaksyon ko at magsasalita na sana nang may tumikhim sa likuran ko agad akong napalingon
"Ga-"
Hindi ko na siya pinakinggan pa at nagmamadaling kinuha ang gamit ko bago lumakad. Lakad-takbo ang ginawa ko pero hindi sapat ang lakas ko kaya nahawakan niya agad ako.
Napahinto ako at napakagat sa labi. Wag kang iiyak, Fara.
"Ga-" hinarap ko siya at inunahan na sa pagsasalita
"Ano? Magsosorry ka tapos hindi naman pala totoo? OK ka na? Fair na tayo, ano bang, ano ba.." Halos hindi ko na masabi ang sasabihin ko dahil napahikbi na ako.
"Ano bang... Ano bang gu-gusto mo?" Mahinang tanong ko sa kanya
"Revenge" sagot niya bago napabuntong-hininga
Revenge? Nakuha niya pa talagang sabihin. Nauto ako ha, may nalalaman pa siyang 'napatawad na kita'. Napangisi ako sa kabila ng pag-iyak ko.
Revenge na pala 'to. Itong lahat ng 'to. Napangiwi ako sa mga naalala kong pagtulong niya sakin.
Napaayos ako ng tayo at napatingala sa kanya ng may naalala. It hit me. Yung pageant night, yung sagot niya sa tanong ni kuya na kung sinaktan siya ng taong mahal niya anong pipiliin niya, and he answered revenge instead of forgiveness and forget it.
May kung anong kirot na naramdaman ako sa dibdib ko. No it can't be. Bumuntong-hininga ako bago tuluyang nagsalita kahit pa na panay ang iyak at hikbi ko.
"I-ibig sabihin hindi mo pa ako napatawad at hindi mo pa yun nakakalimutan? May nalalaman ka pang napatawad na kita. Sana sinabi mo agad na galit ka pa sakin. Sana sinabi mo sakin na hindi mo pa kayang maging kaibigan ako ulit. Sana sinabi mo na nasasaktan ka pa sa nagawa ko. Sana sinabi mo na hindi mo pa ako napapatawad. Sana..... Sa-na, sana sinabi mo agad sakin na galit ka pa!" Pumipiyok na ang boses ko, napayuko ako at pinahiran ang mga luhang kumakawala.
"Sa..na" pabulong na sambit ko
"Bakit? Ako? Nung oras na nakipaghiwalay ka, sinabi mo ba sakin agad kung bakit mo nagawa yun? Did you explain? Did you listen to my queries? Did you tell the reasons why did you do it? No. Did you left with some explanations? No. Instead, you left me crying, you left me dumbstrucked, you left me with no words at all, you left me with a broken heart even if you knew how much I love you! I looked like a stupid nerd that time! So, I told myself once I got back that I'll make sure that you'll feel what I feel that time. It hurts right? It fucking hurts" napatingin ako sa kanya sa gulat at nakita siyang nakapikit habang nakatingala. Nakaigting ang mga panga niya.
"Akala ko magiging masaya ako sa gagawin ko. Akala ko makakalimutan na kita. Akala ko mapapatawad na kita at makakalimutan na iyon pero hindi. Iba ang nangyari Gab. Iba." Ramdam sa boses niya ang galit at sakit. Napaiwas agad ako ng tingin ng tumingin siya sakin at kita ang namumulang mata niya.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?