Fara's Pov
"It's also good to use our minds. So yeah mind. Not all the times what we feel is right. It's important to use your mind not just your heart because our hearts just feel but our mind say what is right, or should we stop or not. Sometimes it's good to make your heart hard as a stone than continuing to be stupid not using your mind." Nginitan ko siya. Sinuklian niya din iyon
"Thank you for that candidate number five. Ang tapang mo ha, kung ako ang papapiliin I definitely choose heart. I don't care if i'll get hurt as far as pinakinggan ko ang nararamdaman ko. Yun naman ang mahalaga sakin ang nararamdaman"
"But that's not a good reason. Hindi porke mahal mo siya ay hahayaan mo na lang ang sarili mong magpakatanga. Minsan kailangan din natin magising sa katotohanan. Dapat balanse ang paggamit mo. Hindi sa pinapakilig ka, sinasabihan ng mga magagandang salita ay makakalimutan mo ng gamitin ang isip mo dahil natatabunan na ito ng nararamdaman mo. Actions speak louder than words but nowadays words speak louder than action. Puro na lang salita ang ginagamit nila para hindi mo malayan ang pinaggagawa nila hanggang sa masaktan ka ng sobra"
"Oh, what an answer candidate number five. Thank you"
"You're welcome and thank you"
Natapos ang question and answer portion na puno ng pag-ibig. Puro tungkol sa pag-ibig ang tanong nila wala man lang edukasyon o tungkol sa mundo. Siguro top priority nila ang love kaya puro tungkol dito ang tanong. Muli ay naghiyawan ang mga estudyante para sa iniintay ng lahat ang magiging Mr. And Ms. Fabriel International College. Tinawag na Fabriel ang university dahil sa combination name namin ni kuya. Natawag na ang sixth runners up hanggang sa second. And now, kaming apat nalang nina Megan, Tristan, Jadyle at ako ang hindi pa natatawag
"Ano now, I'll announce to you the Mr. And Ms. Fabriel International College.And the remaining candidates will be the first runner up. Now, who's your bet?"
"5! PANALO NA KAYO! HAKUTIN NIYO NA!"
"SI MEG NA YAN! KABOG KUNG KABOG ANG ANSWER!"
"MY LABS TRISTAN, MAY PINAGHUHUGUTAN!"
"SILANG LAHAT KUNG PWEDE LANG!"
"Now for the most awaited moment of everyone. Our Mr. And Ms. Fabriel International College is candidate...."
"Candidate number 5! Both of you two! Congratulations!" Masayang sambit ng MC. Nagwawala na ang mga tao dito sa saya
"And our first runner up is Ms. Megan Palma and Tristan Carlo" halos hindi na marinig ang boses ng MC dahil sa hiyawan sa loob.
Ibinigay na sa'min ang trophy at sinuot ang sash at korona sa'min ng dating Mr. And Ms. Fabriel International College na ngayon ay may trabaho na kahit kakagraduate pa lang nila. Kinamayan din nila kami bago nagpapicture. Marami na ring mga flash ng camera ang nakatutok sa'min. Matapos ang mahabang interview, papicture at kung ano-ano pa ay makakauwi na rin.
"Fara!" Tili ni Megan na nakayakap sakin, niyakap ko din siya pabalik bago siya bumitiw
"Sabi ko na nga ba ikaw ang mananalo. Maganda ka na nga matalino pa. O diba parang yung sagot mo lang kanina, mind big word! Congratulations you deserve it!" Nakangiting sabi niya
"Salamat. Ikaw ha nakakaflutter ka talaga magsalita sakin baka masanay na ako niyan" pagbibiro ko sa kanya at sabay kaming napatawa
"Ang ganda din kaya ng sagot mo kanina. Akala ko nga ikaw ang mananalo. Congratulations!"
"Talaga? Tsalamat haha. Sige una nako. Baka hinahanap nako ng mga kasama ko" lumakad na siya palayo
"Ikaw talaga. Congratulations ulit" sigaw ko dito. Lumingon siya
"At least maganda diba? Tulad mo! Salamat!" Nginitian ko siya ganun din siya bago nagpatuloy sa pag lakad. Napakajolly niyang tao kahit kailan.
Nagulat ako ng may naramdaman na bagay sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ang naglagay ng jacket sa balikat ko at napangiti si Tyle kasama si bakla
"Baka lamigin ka" inayos ko ito ng suot at kinurot ang ilong niya. Napakasweet talaga
"Ayaw ko din makakita ng mga lalaking naglalaway dahil sayo" bulong niya bago hinalikan ako sa pisngi. Napalo ko siya bigla sa dibdib niya kaya napatawa siya
"Bakla! Blowout bukas!"
"Walang blowout bukas" bigla kaming napatingin sa harapan namin ng makita si kuya na nakatayo
"Sorry po"
"Kasi birthday party ni Fara kaya you can go!" Nagulat ako sa sinabi ni kuya, hindi pa naman bukas sigurado ako sa susunod na araw pa
"Weh? Kuya nagbibiro na naman. How come?"
"Joke lang sa susunod na araw pa ang birthday mo" sabi niya at dumiretso na sa kotse
"So deal na ang blowout?" May naalala ako bigla sa tanong ni bakla
"Sorry Jess pero kailangan kong makita ang plano para sa birthday ko"
"Well we can join you. It's our rest day tomorrow. Can we?"
"Sige"
"Tyler pansin ko hindi ka makasalita ni makagalaw man lang kapag nandiyan kuya niya" panunukso ni bakla sa kanya
Napakamot siya ng ulo at nilapit ako sa kanya bago bigyan ng halik ang tungki ng ilong ko at pisngi.
"See yah tomorrow" kinindatan niya pa ako bago pumasok sa kotse niya
"Di ka pa uuwi?" Tanong ko sa bakla na kasama ko
"Sama ako sa iyo"
"Sabi ko nga. Tara na"
A/N: Waaaah! Pasensya na po kayo sa answer ni Fara hahaha. Sa totoo lang matagal ko talagang inisip ang mga q and a nila dahil ako rin mismo hindi alam ang mga itatanong at isasagot hahaha. So yeah, I hope you enjoy! Haha ;)
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?
