Fara's Pov
"Bakla tequila yan. Dapat sabayan mo ng asin at lemon"
Pinahiran ko ng tissue ang labi ko bago uminom ulit ng tequila pero may lemon at asin na. Ganun naman parin ang lasa.
Ugh, ano ba 'yan. Kala ko matatamaan na ako, hindi pa pala. Hindi pa sumasakit ang ulo ko, lalamunan oo.
"Bakla! Anong tawag dito?" Turo ko sa bottle na hawak ko kahit nakalagay naman dito ang pangalan nito
"Wag ka, yan ang pinakamatapang baka tamaan ka na niyan"
Binuksan ko agad ito at naglagay sa shot glass ko. Pumikit ako bago ito ininom.
"Wala naman eh" pagmamaktol ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at ininom ang root beer niya bago kumuha ng chicharon at kinain ito
"Root beer? Anong pinagkaiba sa beer?"
"Alcoholic drink ang beer, mabula naman ang root beer. Magdadrive pa ako mamaya kaya ito na lang sakin."
Ang dami namang pangalan, pareho lang namang mapait. Kinuha ko na lang uli ang bote at naglagay sa shot glass ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang phone kong nasa bag bago ito pinindot. Eleven na. Wala naman kaming klase bukas, isang buwan na lang at bakasyon na. Malapit na din kaming magthird year college.
Inabutan ko ng shot glass si bakla. Umiling-iling siya pero kalaunan ay ininom na din dahil sa pagpipilit ko.
Hindi naman pala 'to matapang, nonsense lang pagpunta namin dito. Hindi pa ako nakakaramdaman ng hilo o sakit ng ulo. Ipinilig ko ang ulo ko, at uminom na naman. Nangangalahati na ako ng bote.
"Wala naman palang epekto bakla. Tara na" sabi ko sa kanya at nauna ng tumayo
Napahawak agad ako sa ulo ko, at sa sandalan ng couch. Bakit biglang, sumakit ang ulo ko? Nahihilo ako, parang umikot-ikot ang paningin ko. Narinig ko pa ang pagtawa ni bakla
"Sinong nagsabing wala? Late reaction ka teh. Wag mo na lang isipin 'yang sakit ng ulo mo. Tara na nga, baka tuluyan ka ng malasing" inalalayan niya akong tumayo.
Nasa bewang ko ang kamay niya at nasa balikat naman niya ang kamay ko. Parang gusto kong sumayaw bigla. I want some fun.
"C'mon let's have some fun!" Pag-iiba ko sa topic namin.
Kahit nahihilo at sumasakit ang ulo, na kaya kong pumunta sa gitna at nakipagsiksikan sa mga tao. Yeah, this is what I called relax. To have fun, chillin.
Sumasayaw na ako sa gitna, ang saya sumayaw lalo na't upbeat ang music. Siguro kung hindi ako lasing, kanina pa ako nahiya pero hindi eh. Ramdam ko ang tingin ng iba sakin, I don't care. May iba pang gustong makisayaw sakin, buti na lang nandito si bakla.
"Girl, halika na" hindi ko narinig ang sinabi niya kaya mas lumapit ako sa kanya habang sumasayaw pa rin
"Uwi na tayo! Lasing ka na!" Pasigaw niyang sabi.
Napatawa ako sa sinabi niya. Ako lasing? Hindi pa kaya.
"Ako? Lashing?! Nah, hindi pah. Mamaya na laaaaanng. Nag-eenjoy pa ako" tamad na sagot ko sa kanya.
Hinila na niya ako palayo sa mga gitna, at pinatayo sa gilid.
"Dun ka lang maghintay sa couch ha, babalikan kita dun. Magccr muna ako tapos uwi na tayo" tumango lang ako sa kanya, gusto ko pang sumayaw.
Nilingon ko muna ang couch sinuguradong walang ibang nakaupo dun. Buti naman at wala, mamaya na lang ako pupunta dun. Bumalik ako sa gitna at sumayaw uli, sumasabay sa beat ng music, itinaas ko na din ang kamay ko. This is so fun.
Napahinto ako sa pagsayaw ng mag-iba ang music, napasimangot ako. It's slow music. Marami na ding umalis kaya umalis na din ako. Hindi ko na feel sumayaw.
Kahit na nahihilo ay pilit pa rin akong bumalik sa couch. Nanlalabo na rin ang paningin ko, pilit kong tinignan ang lalaking nasa couch. Nakabalik na pala ang bakla, hindi man lang ako sinabihan. Kahit na hindi ko masyadong makita, alam kong siya 'to. Tinuro ko agad siya
"Ikaw! Shabi mo, hihintayin kita! Ikaw pa nga ang nauna ditow" umupo ako bago siya inakbayan.
Pinikit-pikit ko ang mata ko para makita siya, pero nanlalabo na ang tingin ko at nahihilo na talaga ako. Naman oh, hindi sumagot. Kinurot ko ang pisngi niya.
"Ah!"
"Aba't hindi ka yata, umangal ha! Ha! Ikaw ba talaga yan? Aish siyempre ikaw yan. Shilly me" hagikhik ko pa
"Let's go home" ang seryoso naman niya, kahit na nanlalabo ang paningin ko at nahihilo ako kitang-kita ko pa rin ang pagkunot niya ng noo at ang pagtayo niya. Napalabi ako, hindi na ba niya ako gusto?
"Baklah! Hindi monabaako gushto ha? Shige! Iwan mo na lang ako, ano bang nagawa ko? Gushto kolangnaman magchillax ehh" Napahikbi ako at tuluyan na ngang napaiyak. Ang drama ko masyado.
"Bakla, ba't ganun? Mataposnilaakongsaktan, ba....babalik uli sila. Anong akala nila sakin? Bagay? Napaglalaruan lang?! Bakla!" Napapadyak na ako habang umiiyak e kasi naman eh. Nakatayo lang siya, hindi sumasagot
"Bakla! Hoy! Suma-shumagot ka naman diyan!" Tumabi siya sakin bago ako niyakap. Pinapatahan.
"Porket ang dahli lang sabihin ng sorry, sinasagad na rin nila ang pananakit?! Hindi yun fhair! Bakla! Bakla!" Pinagsusuntok ko siya kahit pa na hindi ko magawa dahil niyakap niya ako.
"Bakla. Do you love me?" Humiwalay ako sa yakap niya bago nakipagtitigan sa kanya. Kahit na pinahiran ko na ang luha ko, malabo pa rin ang paningin ko.
Nang hindi pa siya sumagot ilang segundo na, babawiin ko na sana nang sumagot siya.
"Yes. I do. I fucking shit love you!"
Hindi ko alam kung pano, basta naramdaman ko na lang ang labi niya sakin.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?