Fara's Pov
"Mommy! Nasan po si dhad?" Kinurot ko agad ang pisngi niya, mahina lang. Ang cute niya talaga, gwapo pa.
Kinarga ko siya bago hinalikan ang pisngi. Five years, limang taon na akong nandito sa Korea. Limang taon na ding hindi umuuwi sa Pilipinas. And now, he's four years old, magfafive na. My little boy. Yes, he's a he. Nagmana lang naman siya sakin sa ilong, sa labi naman kay bakla. Sa mata, at sa iba pa, parang sa iba niya nakuha. Siguro sa mga pinaglihian ko. Kahit ganun, ang gwapo niya parin.
"Wala pa po si daddy mo. Nasa work pa siguro, don't worry bibilhan ka ng toys ni daddy" masayang sabi ko sa kanya
Halos araw-araw naman kasing binibigyan ng laruan o di kaya pagkain ni bakla itong baby ko-namin. He's working now, bilang isang head ng marketing department dito sa Korea for a month now. Baguhan pa lang siya at tanggap na agad. Pansamantala lang naman din kasi uuwi naman kami sa Pilipinas.
Hindi naman nila ako pinatrabaho, pero nakapag-aral naman ako. Sabay pa nga kami ni bakla. Nung una mahirap, lalo na't buntis ako, pero kinaya ko din naman.
"Really? Yehey! Toys! Toys! Toys!" Natawa ako sa reaksyon niya. Pinalakpak niya pa ang mga kamay niya na may hawak na laruan.
Napatigil siya sa pagpalakpak ng bumukas ang pintuan, pumadaosdos kaagad siya at tumatakbong lumapit kay bakla na bagong dating. Ngumiti kaagad siya ng makita ang anak niya na tumatakbong lumapit sa kanya. Nag squat kaagad siya at inilagay ang mga pinamili sa lapag bago kinarga ang anak niya at ipinatong niya ito sa balikat niya. Tuwang-tuwa naman ang bata.
"Hoo! Superman! Here we come! Bresssh!"
Ang cute nilang tignan. Bakla parin naman si bakla, pero yun nga, napapalalaki siya sa tuwing ginagampanan niya ang pagiging tatay. Bagay na bagay sa kanya.
Nang mapagod sa kakalibot sa sala, ibinababa niya na ang anak namin at kinuha ang mga pinamili niya at tumabi sa'min dito sa couch.
"Kiss muna kay daddy" mabilis naman siya nitong hinalikan sa pisngi
"Heto, may binili na naman ako. Teddy bear, wag muna puro cars, and robot ha. Ito muna para may katabi ka sa pagtulog mo. Pwede mo rin siyang maging friend"
"Friend ni Dyle daddy?" Inosenteng sagot naman niya. Nagkatinginan kami ni bakla bago napangiti
"Opo, friend ni Dyle pogi" taas-babang kilay na sabi ni bakla bago sila nag high-five.
"Siyempre, ako pa po. I'm Dyle, the handsome baby!"
Dyle, I chose Dyle as his name kasi cute pakinggan. And it reminds me of someone, si Jadyle, kamusta na kaya sila ngayon? I hope they're OK. May mga anak na din siguro ang mga yun o may asawa at girlfriend. Di bale, sa susunod na araw uuwi na kami sa Pilipinas.
"Nga pala, may good news si daddy"
"Ano po yun? Bigyan niyo po ako ng bagong laluan?" Hindi niya pa talaga masabi ang salitang 'r' kaya mas lalo siyang naging cute. Pero minsan naman nasasabi niya depende lang talaga minsan sa mood niya. May pagkabulol din kasi minsan si Dyle.
"Hindi laluan baby. Uuwi na tayo sa Philippines. Nagresign na si daddy"
"Talaga bakla?" Natutuwang tanong ko.
Alam naman ni Dyle na isang beki si bakla dahil narinig niya akong tumatawag ng 'bakla' kay bakla. Pinaintindi namin sa kanya, ewan ko lang kung naintindihan niya ba. Masyado pa siyang bata, pero OK na yun para may alam na siya.
"Oo. Kaya ikaw ayusin mo na gamit mo"
"Akala ko pa naman ikaw bili laluan pala kay Dyle pogi" napangiti kami sa sinabi ni Dyle
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?