Jadyle's Pov
It's been five years since I last saw her. And I don't even know what happened, ginawa ko pang tanungan si ate. Kahit isang araw, hindi ko siya nakakalimutan siya lagi ang nasa isip ko. Napailing-iling na lang ako.
"My dear brother, guess what!" Nakatili niyang sabi at pasalampak na umupo sa couch.
Hindi na ako tumitira sa bahay. Nasa condo na ako ngayon. I'm now an independent bachelor. And free from living megaphone, like what she's doing right now.
Nagpatuloy lang ako sa pagpirma ng mga papeles habang kinikilig naman siya. Pumupunta siya dito kapag walang magawa, o di kaya kukulitin lang ako gaya ngayon. And it's very early.
"You're a big killjoy ya know that?"
"Oh, really? Thanks for the compliment" sagot ko na nakangisi.
"Iniisip ko lang naman kong concern ka sa sasabihin ko, alam mo na, to help make this world a better place starts with you, a concern citizen" Sabi niya pa habang humahagikhik
"Do you want to be a politician?" Pang-aasar ko pa sa kanya.
"No, but I'm polite"
Bubuksan ko sana ang laptop nang sinarado niya 'to. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang dami ko pang gagawin. Wala akong oras sa mga jokes niya. Hinawi ko ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng laptop pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Nagbuntong-hininga ako bago siya tinignan.
"Spell it out. Now" humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago tumalon at tumili na naman.
"Si Gab! At si Jess! Umuwi na!" Tinaasan ko siya ng kilay. Is she OK?
"So?"
"Di mo gets? Si Jess at Gab, umuwi na! Dito sa Pilipinas! Galing kaya ako sa kanila kahapon!"
Sila? Umuwi na? Hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ako ng saya sa sinabi ni ate. Hindi ko 'to pinahalata kaya tumikhim ako at kinunotan siya ng noo.
"Are you done? May gagawin pa ako" seryoso kong sabi sa kanya kaya napaatras siyang nakanganga, hindi makapaniwala sa naging reaksiyon ko.
Tang'ina! Gusto kong lumabas ngayon at puntahan agad siya. Kung alam niya lang.
"Wala ka bang sasabihin? Like, kamusta na sila ngayon? Gumanda ba siya ngayon? Taken na ba sila? May a-" nahinto siya ng bigyan ko siya ng masamang tingin.
Kailangan ko pang tapusin 'to dahil mamaya may iba na naman akong gagawin. A really hectic business schedule.
"OK, basta ikaw na ang bahala kong pupuntahan mo siya este sila" kumindat pa siya bago lumabas.
Now, hindi na ko makapagconcentrate. Kahit anong gawin kong tingin at focus, lumilipad pa rin ang isip ko sa kanya. May boyfriend na kaya siya? Fiancé or worst asawa? O anak?
Napasanunot ako sa buhok at napahilamos ang mukha sa palad. Ano na ngayon ang gagawin ko? Tutunga hanggang sa madagdagan na naman ang trabaho? For Pete's sake, I have to submit these papers within this day. Shit.
Napapailing ako sa mga tingin ng ibang babae, i'm not a fucking celebrity. Nandito ako sa mall para magpalamig, and it's weird. Pwede namang sa opisina lang, o umuwi muna sa condo pero dito ako dinala ng mga paa ko. Siguro pagkatapos nito, makakapag-isip na ako ng maayos.
Kukunin ko na lang ang regalo ko sa anak ng isang empleyado namin. A teddy bear. Without thinking, pumasok agad ako sa blue magic and nakita agad ang teddy bear na pinareserve ko, kahit medyo malayo pa alam ko na kung anong sinasabi ng babaeng nakatalikod sa staff. May lalaki pa 'tong kasama na karga ang isang batang lalaki.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?