A/N: Hello po. Gusto niyo po bang magbasa ng mga mermaid story? Haha well, gusto ko lang malaman. Haha
Fara's Pov
"100 copies of invitation check"
"Food. Desserts, drinks. Alcoholic and non alcoholic. Check"
"Photographer. Check"
"Beauty team. Check"
"18 roses. Check"
"18 gifts and messages. Check"
"Gown. Check"
"Dress. Check"
"Location. Che-"
"Mom ang dami po ata ng 100 guests, lagpas pa nga kung kasama nila ang mga kaibigan, kapatid, anak, o buong pamilya nila. Gown? Dress? Location? Gusto ko lang naman ng simple."
"But nasend na namin trough email and mail ang mga invitation card sweetheart. Don't worry kami naman ang sasagot sa lahat. Ang tanging gagawin mo lang ay tignan ang plano namin. So?"
"Yeah, do whatever you want. I'm fine with it. I have to go" bineso namin siya ni bakla at dumiretso na sa coffee shop na pagtatagpuan namin ni Tyle.
Niyakap ko agad siya ng makita siyang nasa may pinakadulo nakaupo. May pagkain na, tinext niya ako kanina kung anong gusto namin para kakain na kami pagdating namin. He's so sweet. I love him so much. I hope he won't change.
"Tapos na kayo?" Tanong niya habang kumakain kami
"Oo. Sila na bahala dun"
"Nako grabe Tyler, kung alam mo lang ang bonggiycious ng party niya"
"Yup. May invitation card ako" nanlaki ang mata ko sa gulat at napatigil sa pagkain
"Sino nagbigay?" Kinakabahang tanong ko. Alam na kaya nila mom?
"Yung kuya mo. He send it through email at pinaprint niya na lang para makapasok sa venue. Actually I think it's for us. Lahat ng BS Management" Nawalan na akong ganang kumain at napansin iyon ni Tyler
"Gala tayo? Saan niyo gusto?" Sakto namang tumunog ang phone niya at tumayo siya at umalis palayo sa lamesa namin.
"Bruha pansin ko lang ha, tuwing magkakasama tayo this past few days palagi siyang may katawag at lumalayo para kausapin. Hindi naman siya ganyan. Muntik na nga yang hindi makapanuod sa pageant dahil sa tawag kaya inoff niya na lang"
"Business lang siguro, alam mo naman siya ang maghahandle ng business nila"
"Second year college? Ano 'to biruan lang teh?"
"E sa yun ang gusto ng magulang niya" bumalik naman si Tyler na may ngiti sa mukha
"Mall tayo? Tara" nauna na siyang naglakad sa'min
"Kita mo nakalimutan ka na agad pagkatapos ng tawag ni hindi man lang niya tinanong kung okay lang satin. Siya nga ang nagtanong siya din naman ang nagsagot"
"Daldal mo"
Nakaupo lang kami sa mga blocks na nasa mall. Nandito nga kami hindi naman namin alam ang gagawin. Gusto kong mag-aya na maglaro sa timezone, nakakabored ng umupo dito. May wifi nga ang mall pero hindi ka makaconnect.
"Nakaconnect ka na?" Tanong ko kay bakla na halos sirain ang cellphone para lang makaconnect.
"Mga paasa talaga kayo! May free nga pero hindi ka naman makaconnect! Parang pagjojowa lang. Free nga kayong dalawa pero hindi pupwede dahil one sided love lang! Saklap! Sana naman hindi na lang kayo nagwifi! Alam niyo ba yung feeling namin?! Umaasa! Na sa bawat connecting ay maging connected pero ang resulta error!" Biglang sigaw ni bakla kaya napapatingin sa gawi namin ang iba at may sumasang-ayon pa sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/25928336-288-k751882.jpg)
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?