Fara's Pov
"Hindi ko talaga inaasahang kayong dalawa pala ang magkakatuluyan sa huli" ngiting-ngiti na sabi ni tito, daddy ni bakla
Ang alam lang naman nito ay may nangyari sa'min, at tuwang-tuwa na sila dahil magkakaapo sila. At ngayon na meron nga, sobrang saya nila. Pumunta pa sa bahay at magsi-celebrate dito.
"Sa wakas naman ay naging lalaki na ang anak ko" tukso pa ni tita kay bakla
"Pa! Ma!" Saway niya dito. Tumawa naman sila sa naging reaksyon ni bakla.
"Nga pala anak, kailan mong balak pumunta sa ibang bansa? Ikaw mismo ang pipili" sambit ni dad
Kumuha muna ako ng ice cream at nilagay sa kanin na may menudo sauce, hinalo ko. Ganito pala kapag buntis, natatakam bigla. Nang akmang isusubo ko na ang kanin, napatingin ako sa kanila na titig na titig sakin. Kinain ko na lang 'to. Ang sarap.
"Ehem..ehem" pekeng ubo ni daddy
"Daddy naman, pakainin niyo po muna ako"
Mango float ang sunod ko namang kinain. Ang sarap talaga pero may kulang. Tumayo ako at kinuha ang isang bote ng Nutella sa ref. Inilagay ko sa ibabaw ng float ang Nutella. Buti na lang, hindi weird ang gusto kong kainin.
"Dad, sa Korea sana ang gusto ko. Malapit lang dito at hindi malayo" sabi ko kay daddy na busy din sa pagkain tulad ko.
"Sure. Yan ang gusto mo, ayos lang sakin. Basta ba, maging comportable ka"
"Kami na bahala sa bagong titirhan niyo" napatigil ako sa pagsubo sa sinabi ni tita
"Aba siyempre, alangan namang pabayaan ka ng anak kong 'to. Aba't kukurutin ko talaga ang tenga nito. Pare, mare, kami na bahala sa lahat. Oops! Wag nang aangal"
Nagkatinginan kami ni bakla bago sabay na nagkibit-balikat.
Matagal din ang usapan. Bukod sa pinag-usapan ang paglipat ko ng skwelahan ay may ibang pinag-usapan pa sila. Hindi na kami nakinig sa ibang pinag-usapan nila dahil pumunta na kami sa sala at nanood ng tv. Gabi na rin pala, napahaba ang usapan nila. Nilingon ko si bakla na kanina pa tahimik. Baka naman ayaw nitong pumunta sa ibang bansa.
"Best, wag mo na lang kaya ako samahan. Kaya ko na mag-isa, baka kasi aya-"
"Bakla gustong-gusto ko nga dun dahil maraming gwapo" taas-kilay niyang sagot
"Landi mo bakla"
"At least maganda" Dugtong pa niya sa sinabi ko.
"Hi Tyler!" Bati ko agad sa kanya paglapit ko sa upuan. Binigay naman ni bakla ang bag ko, sabay kaming pumunta dito. Sinundo niya ako sa bahay, sabay na rin daw kami uuwi mamaya. Ang sweet ni bakla.
"Hey" nakangiting sabi naman niya
"Hindi bagay sayo ngumiti. Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumangit" nakabusangot na sabi ko sa kanya. Totoo naman eh, parang ayaw ko tuloy siyang makatabi. Ganito ba talaga ang buntis? Kahit gwapo na nga yung tao, biglang pumapangit?
"Bakla, palit tayo"
Sumunod naman siya sa sinabi ko. Ako na ang nasa upuan niya, parang ang pangit naman tingnan kung tabi silang tatlo. Ang baduy.
"Diyan nga lang ako, bakla." Pangungulit ko sa kanya kaya mabilis naman kaming nagpalit uli
Dumating naman ang professor namin saktong paglipat namin ng upuan. Nakasunod sa kanya si Jadyle na nakajacket. Hindi naman malamig eh. Ang cute niya tuloy tingnan, wala sa sariling napatingin ako kay Tyler. Susmeyo, hindi ko talaga keri ang pagmumukha niya ngayon.
"Good morning Jadyle!" Nakangiting bati sa ko kanya pero hindi man lang ako pinansin.
Nagsimula na si prof magturo pero heto ako pinagmamasdan siya. Ang cute niya talaga.
Lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya. Nanggigigil ako. Nanlaki ang mata niya sa gulat at biglang napaatras."Hi" nakangiti ulit na bati ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin bago umiling-iling
"Bakla, umayos ka. Makita ka ni prof" bulong ni bakla sakin. Hindi ko siya pinansin at patuloy ang pangungulit kay Jadyle.
"Hoy sabi ko hi"
"Hi!"
"Damot nito kahit simpleng hi lang"
"Ma'am!" Nagulat din ako ng magtaas ako ng kamay.
"Yes? How may I help you?"
Napakagat ako sa kuko ko bago tinuro si Jadyle
"Ang bastos po niya!" Sumbong ko sa kanya
"Why?"
Lahat sila nagtataka sa sinabi ko lalong-lalo na si Jadyle. Nakakunot-noo.
"Hindi niya ko binabati. Kanina pa ako hi ng hi sa kanya, walang sagot"
"What? That's nonsense. Please take your sit" sagot ni ma'am
"But ma'am. I want to talk to him" Napaayos ng eyeglass si ma'am bago huminga ng malalim
"YOU TWO! PLEASE GET OUT!"
"Ma'am na-"
"NOW!"
"Ito na nga po"
Lumabas na ako at nakasunod kay Jadyle na ngiting-ngiti
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?