Chapter 33 : Hey

1.7K 53 3
                                    

Fara's Pov

"Tinanghali ka na ng gising Fara" sabi agad ni dad pagpasok ko sa kusina

"Napagod po ako kagabi" hindi ko siya tinignan baka makita pa niya ang namumugto kong mata

Iyak lang ako ng iyak kaninang pag-uwi ko, matagal bago nakatulog. Pagkagising ko naman may mga text si bakla sakin. Sinabi ko naman sa kanya na papasok ako ngayong tanghali.

Kumain muna ako ng pancakes at fresh milk bago pumasok uli sa kwarto para maghanda sa klase ko ngayon. Alas dos pa naman ang klase ko sakto dahil ala una y medya na.

"Girl make kwento na dali" humarap siya sakin at kinikilig pa? Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil pakiramdam ko iiyak ako kapag binuka ko ang bibig ko.

Jess is a gay but don't you dare hurt the people he love 'coz he can be a man when you dare to do it. He's a monster when he's angry, makikita mo nalang siya na makikipagsuntukan para lang sa mga minamahal niya. Katulad ng pinsan niyang babae na niloloko ng boyfriend niya, sinugod niya ang boyfriend nito sa bahay nila kahit gabi na at nandun ako sinamahan siya. Kahit anong gawin kong pigil, hindi siya nakikinig. Kaya ayaw kong sabihin sa kanya kung ano man ang nangyari, kinakailangan kong magsinungaling dahil kung hindi magkakagulo lang.

"Ano, ah, uhm. Nag-ano lang kami dun tapos yun na. At ano, ano pa ba. Ah yun nga an-"

"Bakla curious na ako sa ano na yan ha. Sabihin mo na kasi, ano bang nangyari talaga"

"Kinantahan niya ako, at kumain kami" masayang sambit ko sa kanya kahit naiiyak na ako

"Yun lang? May paiyak-iyak ka pang nalalaman kahapon. Kaya namumugto mata mo" inirapan niya ako. Kung alam mo lang.

"Puyat din ako at sino bang hindi matatouch kung gumanyan ang boyfriend mo. Nag-effort siya para sakin bakla"

"Oo na. Kung sabagay hindi naman palagi kumakanta si Tyler"

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa pintuan at nakita si Tyler na papasok. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at ako ang unang umiwas ng tingin. Pagkaupo niya sa tabi ko hindi ko magawang kumilos. Nandiyan siya sa tabi ko, naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Wag kang iiyak Fara, wag. Naramdaman ko din na may umupo sa tabi ko dumating na din si Jadyle, isa pa 'tong lalaking 'to.

Pagkapasok ng prof namin, nagsimula na siyang magturo isa-isang nangalumbaba ang mga kaklase ko. May yumuyuko, may hinaharangan ng libro ang mukha at may natutulog na din. Ako naman naiiyak parin, hindi makapaniwala na sa halos tatlong taon naming pagsasama, matagal na niya akong niloloko. Mas hindi siguro masakit kung hindi sa birthday ko itinapat pero okay na din yun. Pero ang sakit lang kasi e.

"Ms. Smith are you okay?" Napatingin ako sa prof namin na nakatingin sakin

"Opo, bakit po?"

"Umiiyak ka kasi" pinahiran ko ang pisngi ko at basa nga ito. Inayos ko ang sarili ko bago siya nginitian. Naramdaman ko naman ko ang mga tingin sakin ng kaklase ko. Lalong lalo na ang dalawang katabi ko

"Yung history po kasi, nakakaiyak"

"Mabuti naman at nakikinig ka. Wala tayo sa ganitong sitwasyon iha kung wala ang history, ang mga pagpapakabayani ng mga bayani. Kaya mabuti't pag-aralan natin ang history, para malaman natin kung may ikinasama man ang mga nagawa nito o ikinabubuti. Pero karamihan iha halos ikinabubuti natin ang naging bunga ng history" Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya

Pagkatapos ng ilang minuto natapos na rin ang pagtuturo niya sa history. Ano ba naman kasi ang ikinalaman ng history sa business?

"May pinagdaan ka no?" Seryosong banggit ni bakla. Napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya

"Wala, ako? Ano naman aber?"

"Sabunutan kita ng makita mo"

"Wala nga sabi, kung meron man sasabihin ko naman sayo"

"Wag ka na ngang magmamaang-maangan diyan. Tiniis kong wag magsalita kanina nung umiiyak ka sa kotse. At ngayon? Umiiyak sa history? O sa history niyong dalawa? Sabihin mo ang totoo?" Bahagya akong napasinghap sa tono ng pananalita niya. Sobrang seryoso niya kesa no'ng ginulo ko ang buhok niya. Napayuko ako.

"Wa-"

"Hey!" Napalingon siya sa nagsalita at tumalikod sakin para harapan si Tyler.

Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa ni bakla. Sinuntok niya agad si Tyler sa mukha na walang pasabi. Napahiga naman ito sa sahig. Ganun ba kalakas ang suntok ni bakla o hindi niya lang inaasahan ito? Pati siya ay nagulat sa ginawa ni bakla.

"Gago ka! Anong ginawa ko sa iyo? Ha?! Bakla!" Galit na sigaw ni Tyler kay bakla

Aambangan na niya sana ito ng suntok pero mabilis si bakla at sinuntok uli ito at tinukod ang isang tuhod sa sahig ang isa namang paa niya ay nakatukod sa sahig. Nakaluhod siya at kwinelyuhan ito.

"Mas gago ka pare! Sinaktan mo ang kaibigan ko! Sana hindi mo nalang pinormahan kung gagaguhin mo lang din naman" sabi niya sa baritonong boses

Hindi niya pinagsalita si Tyler at sinuntok niya ulit ito. Nakahiga na si Tyler sa sahig at dumudugo na ang ilong at labi niya, may pasa din siya sa pisngi. Tumayo na si bakla at hinila ako na nakatayo pinapanood sila. He's a damn monster.

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now