Chapter 31 : First Kiss

1.8K 46 2
                                    

Fara's POV

Nagbihis muna ko ng dress at ibang ayos naman ang ginawa ng team sakin bago bumalik sa stage. Sinimulan na agad ang eighteen roses ilang minuto pagbalik ko sa stage. Hindi ko na lang iisipin ang nangyari sa rest room, dapat nag-eenjoy ako.

Una kong naisayaw ang pinsan ko, naisayaw ko na din ang mga tito at batang pinsan ko. May iilang kaklase ko din at kaibigang lalaki, at si dad.

"Happy birthday Fara" napangiti ako sa sinabi niya, pasimple naman niya akong hinalikan sa pisngi. Ibinigay niya ang rose at kinuha ko ito

"Ba't hindi kita nakita kanina?" Hinawakan ng dalawang kamay niya ang bewang ko at inilagay ko naman ang kamay ko sa balikat niya

"Secret. Surprise lang yun"

Beautiful girls, all over the world
I could be chasin but my time would be wasted
They got nothin on you, baby
Nothin on you, baby
They might say hi, and I might say hey
But you shouldn't worry, about what they say
'Cause they got nothin on you, baby (Yeah...)
Nothin on you, baby
(Nuh-nuh-nuh-nothin on you babe, nuh-nothin on you)

Ngayon naman nasa seventeenth roses na ako. Nagulat ako ng makita si Jadyle papalapit sakin dala-dala ang red roses. Kinuha ko ang rose at inilagay ito sa kanang kamay ko kasama ng iba pang rose. Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at nilagay naman niya ang kanyang kamay sa likod ko kaya mas lalo kaming nagdikit. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa likod dahil backless ang dress ko. Napatayo ako ng maayos at nakita siyang nakatitig lang sakin. Iginalaw na niya ang paa niya kaya sinunod ko ito.

Beautiful girls, all over the world
I could be chasin but my time would be wasted
They got nothin on you, baby
(Nuh-nuh-nuh-nothin on you babe, nuh-nottin on you)
Nothin on you, baby
(Nuh-nuh-nuh-nothin on you babe, nuh-nothin on you)
They might say hi, and I might say hey
But you shouldn't worry, about what they say
'Cause they got nothin on you, baby
(Nuh-nuh-nuh-nothin on you babe, nuh-nothin on you)
Nothin on you, baby
(Nuh-nuh-nuh-nothin on you babe, nuh-nuttin on you)
Yeaaaaah

Nakayuko lang ako ayaw kong tumingin sa kanya, hinapit pa niya ako lalo kaya wala ng pagitan sa'min, huminto siya sa pagsayaw kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin.

"Happy Birthday Gab" bulong niya sa tenga ko. Para namang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng banggitin niya yun.

Umayos na siya ng tayo at lumayo ng kunti at nagsimula ulit sumayaw. Heto naman ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tinawag niya akong Gab? Tinignan ko siya at nakitang nakatitig din sakin. Natauhan lang ako ng inilagay niya ang kamay ko sa batok niya, hindi ko man lang namalayan na dumaos-dos na ang kamay ko. Sumunod ako sa galaw niya habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Tinawag mo akong Gab?" Bago pa siya makasagot, may tumikhim sa likod niya kaya napatigil kami.

Inalis na niya ang kamay niya sa likod ko at ibinigay ang kanang kamay ko kay bakla. Kinuha ko ang rose na na sa kanya at kinindatan siya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at inilagay naman niya sa bewang ko ang isa. Inilagay ko din ang kanang kamay ko balikat niya. Mas gumwapo si bakla ngayon.

"Bakla mas gumwapo ka ngayon ha, at akalain mo ikaw ang eighteenth roses ko" nginisihan ko siya at inirapan niya lang ako

"Eh ikaw, ang tagal niyong sumayaw" tinaas-baba niya ang kilay niya

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pagsayaw. Natapos na ang eighteenth roses at bumalik uli ako sa stage para magpasalamat sa mga dumalo pagkatapos ay nakipagkamay at kwentuhan sa mga bisita. Ang ibang kaklase namin ay umalis na dahil may pasok pa bukas ang iba naman ay nandito pa dahil hinihintay ang magulang.

"Tita! Good evening po" nagbeso beso kami

"Tito" tumango lamang siya

"Happy Birthday, Fara. Buti naman napapayag mo itong si Jess na sumayaw"

"Salamat po. Naku tita, si mom ang pumili niyan. Kaya no choice"

"Salamat naman at nagkalalaki ako kahit ngayong gabi man lang" natatawang sabi ni tito at niyakap naman siya ni bakla

"Sige po. Punta na po ako dun"

Napagod na ako sa kakausap sa mga bisita kaya sina mom na lang bahala. Papunta na ako sa elevator ng may humatak sakin papunta sa isang room at isinarado iyon at isinandal ako sa wall. Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa, hinalikan niya ako. Napasinghap ako sa ginawa niya kaya kinagat niya ang ibabang labi ko. Naramdaman kong gumalaw ang labi niya. Sino ba to? Bakit ba niya ako hinila? Itutulak ko ba siya? Sasampalin? Ano? May boyfriend na ako. Sino ba kasi ito? Si Tyler? Bakla? Jadyle? Kaklase ko? Pinsan? Kaibigan? Ugh. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko namalayan na nakapikit na ako at tumutugon na pala ako sa halik niya. Ang lambot ng labi niya at mainit ito. Napatigil siya sa paghalik ng makagat ko ang ibabang labi niya. Lumayo siya at walang sabi-sabing umalis.

My first kiss, first kiss ko kinuha ng lalaking yun! Ugh. Hindi ko man lang siya napigilan.

A/N: It's awkward when I write this chapter (the kissing scene) waaah! Okay, sorry for that one. Hindi ko talaga alam kung pano ko isusulat kasi aish, basta yun na yun, (awkward). Haha

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now