Fara's Pov
"My gosh, puro na lang business ni wala man lang relaxation miski isang segundo lang" pagmamaktol ng katabi ko
"Malapit na, ilang minuto na lang at tapos na. Makakagala na din tayo"
Kaming lahat ng ka course ko ay pagod na sa kakaintindi ng business na ito. Wala talagang pahinga, buti na lang nakalibot kami pagdating namin dito kahapon at kahit papano ay nakita namin ang kagandahan nito.
Ilang minuto din nagdiscuss ang professor namin at may iilang business man din na nagturo sa'min bago tuluyang nakauwi. Dahil out-of-town trip naman ito, binigyan kami ng dalawang araw para makagala dito.
"Bakla! Halika na't rarampa na tayo"
"Tangi! Gabi na ngayon. Bukas na lang"
"Ikaw ang mas tangi, kaya nga diba? Gabi nagsusulpotan ang mga gwapo"
"Ikaw na lang. Sayang pa naman yang effort mong sleeveless" natatawang sabi ko sa kanya.
Nagsleeveless pa ang bakla at ripped jeans may sumbrero pa
"Sure ka? Bigyan na lang kita ng pasalubong" binato ko agad sa kanya ang neck pillow
"Wag masyadong o.a. Pasalubong means pagkain, hindi papa no. Asa ka pa sakin, para lang sakin sila"
"Oo na, Oo na. Kaloka ka bakla. Alis na! Ewan ko sayo" umalis din siyang tatawa-tawa
Nagising ako ng gumalaw ang tent, medyo niyuyugyog pa. Binuksan ko ang zipper nito at bumungad agad sakin ang magkahawak na kamay kaya tinignan ko sila.
"Good evening Fara, mag bonfire tayo." Nakangiting sabi ni Carla
"Sama ka sa'min. Nauna na si Jess doon" bakla talaga
"Sige, sige" lumabas na ako at sinarado ang tent. Nasa amin naman ang pera at cellphone namin
"Ayos ng kain natin ha" pagpapadinig ko kay bakla na may hotdog at marshmallow na kinakain, kinuha ko ito agad at kinain. Napalabi siya. Nakatulog na pala ako ng hindi nakakakain.
"Ang takaw mo kamo" sabi niya sabay irap sakin
"Ikaw na bakla ka, ikaw itong may pasalubong pang nalalaman pero wala naman"
"Sorry na, ito oh" abot niya sakin sa isa pang hotdog na may marshmallow at isang coke in can
Nang matapos kumain, nilibot ko ang tingin sa mga taong nandito. May ibang kaklase kaming nandito at ibang kacourse din. Napatigil naman ako ng tingin ng makita si Tyler tabi ng katapat ko na classmate namin. Tinignan ko lang siya hanggang siya ang unang nag-iwas ng tingin.
"So ano na ang gagawin natin? Bagot na ko dito" sabi ng isa
"Ah ano na lang spin the bottle" suggestion ni Carla
"Spin the can nalang mas bagay. Wala tayong bote" sagot naman ni bakla
"Okay. So, kung sino ang matatapat sa bandang opener nito siya ang tatanong at ang matatapatan naman ng likod nito ang siyang sasagot. Game?" Sabay-sabay naman kaming sumagot.
Sinimulan na Carla ang pagspispin sa lata since siya naman ang naka isip nito. Unang tumapat ito kay bakla at sakin. Napangisi siya ng makitang ako ang sasagot at siya ang magtatanong. Jusko.
"Alam mo matagal ko ng gustong tanungin ito, nagkagusto ka ba sakin?" Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sakin habang ako naman tawa ng tawa, napabusangot ang mukha niya.
Oo, dati nung hindi ko alam na bakla siya kahit na ng malaman ko na bakla siya ay gusto ko pa din siya. Dati lang yun, at isa pa gusto lang naman.
Ngumisi ako sakanya "Yes, pogi ka kaya" at kinurot ko ang pisngi niya.
Hindi maipinta ang mukha niya ng sabihin ko ang sagot ko at umarte pang umiwas sakin
"Wag kang maarte gusto lang naman at dati pa yun"
Tinukso siya ng mga kasama namin. Ako naman ang nagspin sa can, this time tumapat ito kay Carla at Jadyle
"Truth or dare?" Tanong ni Jadyle kay Carla. Sumagot naman siya ng truth
"Do you really love me?"
"Of course. What kind of question is that? That's really easy you know" nakangiting sagot ni Carla at nagkibit balikat lang si Jadyle
Medyo may tama na ang iba sa'min dahil sa ininom na beer in can nila lalong-lalo na ang mga lalaki. Lahat sila ay naka sleeveless ako lang ang nakatee at pajama. Ang ginaw kahit may apoy naman.
"Hubarin mo ang t-shirt mo!" Sabi ni Jazz sa isang kaklase ni Carla, may tama na ang isang 'to. Humahagikhik at hindi na masyado maintindihan ang sinasabi
Mabilis namang tinanggal ng kaklase ni Carla ang shirt nito at nagsimula ng magwala ang dalawang katabi ko. Ginawa pa akong punching bag sa kakapalo nila. Tili sila ng sila.
"Tumigil nga kayo, bakla at Jazz. Ikaw naman kasi ang ang nagpasimuno eh"
"Opportunity na to girl. Crush ko kaya siya" sagot ni Jazz sakin sabay hagikhik
Nagpatuloy ang laro na puro tawanan lang, iba-iba ang trip nila. Ang hindi marunong kumanta pinapakanta nila ganun din ang hindi marunong sumayaw, sakto din namang dare ang pinili nila kaya napuno kami ng tawanan. May iba ding truth na nalaman ang sekreto nila. Ang loloko naman din ng tanong nila. May ibang nalaman namin na tinignan ang answer key sa exam pero sa huli bagsak pa rin dahil binago ang test, ang loko lang talaga. Game na game naman sila sa laro at sa pagsasabi ng sagot dahil nakainom na sila. Ang saya lang.
Napahinto sila sa kakatawa ng huminto ang lata sa tapat ni Tyler at sakin. Silang lahat ay pabalik-balik ang tingin sa'ming dalawa at parang naghihintay na may magsalita sa'min. Sa isang hinto ng lata ay huminto din ang kasiyahan namin.
"So, Tyler. Anong, anong sasabihin mo este itatanong kay bakla?" Tanong ni bakla kay Tyler
Tinignan muna niya ako bago nagtanong
"Do you still love me?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko, ang tibok ng puso ko kung nararamdaman ko pa ang mabilis na pagpintig dito at ang kilig, pero nabigo ako.
Sinuklian ko din siya ng titig. Siguro unti-unti na ding nawala o mas mabuting sabihin na nawala na ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala na yung pagmamahal na nararamdaman ko tuwing nandiyan siya. Napagod na ako sa kakahabol sa wala, tama nga ang naging desisyon ko. Dahil sa huli alam kong mapapagod din ako, at ito na yun.
Bumuntong hininga muna ako bago nagpasyang sumagot
"Not at all. I'm tired Tyler, pagod na ako. So, no. I don't love you anymore" tahimik pa rin silang nakatingin sa'ming dalawa.
Si Tyler nanatili paring nakatingin sakin na para bang may hinihintay pa na sasabihin ko. What would he expect? I would say 'Nah, I'm kidding. I still love you Tyler' no, sorry siya. Kinuha niya ang beer in can na nasa isang icebox at mabilis itong nilagok.
Tumayo siya at nagulat ako sa sunod na ginawa niya, hinalikan niya ako.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?
