Fara's Pov
Pinapasok niya agad ako sa sasakyan niya at pumasok din siya sa drivers seat. Agad niyang pinaandar ang makina nito at mahigpit na hinawakan ang manibela. Nakayuko siyang nakahawak dito.
"Iyak" sabi niya, hindi ko siya maintindihan
Inangat niya ang tingin niya at seryoso akong tinignan
"Wag mong pigilan yan. Iiyak mo lang andito lang ako"
Tuluyan na nga akong naiyak sa sinabi niya. I'm lucky to have him. Kahit na nag-aasaran kami, hindi pa rin nawawala ang pagmamahalan naming dalawa. He treat me as his sister, best friend, friend, enemy, or whatever it is at ramdam mo dun ang pagmamahal niya.
"He's not deserving"
"Marami naman kaming nagmamahal sayo Fara. Mga magulang mo, kuya mo, ako, kamag-anak mo at si Jadyle diba" na tigil ako sa pag-iyak at napatawa dahil sa sinabi niya.
"Ba't ka natatawa?"
"O.a mo masyado, at ganyan ka lang ha magpakalalaki ka bagay sayo" kumunot ang noo niya
"Ew! Ayaw ko nga nakakadiri no. Ginawa ko lang yun dahil love kita" nginitian ko siya ng nakakaloko
"Umandar na naman yang kagagahan mo. Love kita dahil para na rin kitang kapatid ganun" bumalik na naman siya sa pagkabinabae niya
Niyakap ko siya ng mahigpit, niyakap din naman niya ako
"Salamat bakla ha"
"Wala yun. Libre mo ko" binatukan ko siya
"Drive ka na lang diyan para makauwi na tayo"
Pagkarating namin sa bahay ay sakto ding pag-uwi ni Nanay Rosa galing sa mansyon. Dito parin naman ako nakikitira dahil malayo-layo ang sa'min. At bumalik na uli si dad sa states kaninang hapon tinext niya ako. Si kuya at mom na lang ang nasa mansiyon pati na din ang mga kasambahay
"Nay Rosa pagluto niyo naman po itong baby natin ng isang masarap na pagkain. Yung tipong nakalimutan niya na broken hearted siya" kinurot ko agad siya sa braso
"Hala kung ganun ay sakto itong niluto ko, sinigang" napatawa naman ako sa sagot ni Nanay Rosa buti na lang at hindi niya naintindihan ang sinabi ni bakla
"Pampatanggal ito ng sakit sa nasaktang puso, ayos to sa mga kakahiwalay. Ayos 'to kay Fara Jessa" nagkatinginan kami ni bakla sa sinabi ni Nanay Rosa balewala lang sa kanya ang paghihiwalay namin ni Tyler?
"Kain na kayo para matauhan ka na Fara-" napahinto siya sa pagsasalita at biglang nasamid
Binigyan ko agad siya ng tubig at hinagod naman ni bakla ang likod niya
"Iha? Naghiwalay na kayo?! Bakit? Kailan? Paano? May iba na ba?" Nginitian ko siya pero hindi yung pilit. Na realize ko na hindi ko naman din yun kawalan no? Mabuti na din yun dahil wala na akong poproblemahin kung asan siya, okay lang ba siya? Bahala na sa kanya mamroblema ang bago niya. Nandiyan naman sina bakla para sakin.
"Opo nung birthday ko po sakto pa bago tuluyang magmadaling-araw. Ayun, nagsawa sakin may iba na matagal na pala akong niloloko."
"Aba't boto-botong pa naman ako sa batang yun. Napakasahol pala ng ugali" napatango ako sa sinabi ni Nanay Rosa. Napakasahol talaga ng ugali.
Nagsimula na kaming kumain at nagsalita ulit si Nanay Rosa
"Sabi na nga ba" iling-iling na sabi niya. Tinignan ko si bakla at nagkibit-balikat lamang siya. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain
"Jessa oo ikaw nga anak, ligawan mo si Fara. Kaya pala dati masaya ako kapag nandito ka dahil kayo pala ang para sa isa't-isa. Sabi na nga ba e" Nabilaukan kaming dalawa ni bakla sa sinabi ni Nanay Rosa. Mabilis kaming uminom ng tubig.
"Nay hindi po" sabay naming sabi ni bakla
"Ito naman nagbibiro lang ako. Alam ko namang dalawa ang dalaga ko" buti naman kung ganun.
Medyo na late kami ni bakla sa klase pero buti naman wala pa ang prof namin. Nagkatitigan sina bakla at Tyler, may band-aid sa mukha niya at may pasa pa. Si bakla ang unang umiwas bago ito inirapan. Umupo na kami. Pagkaupo ko tinanong agad ako ng isa kong katabi kung napano daw si Tyler.
"Ikaw? Bakit Gab tawag mo sakin?" Pabalik na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya
"Dahil kaibigan naman na tayo diba?"
"So, pwede na ding Dyle tawag ko sayo" nag-isip pa siya kunwari pero pumayag naman
Hindi ko na siya kinausap at nagsulat na lang ng kung ano. Kumalabit naman siya sakin
"Ano?" Tinuro niya si Tyler. Napatingin ako dito na nakakunot ang noo na nakatingin sa'min
"What?" Iritang tanong nito
"Wala lang" sagot ko sa kanya. Kala mo naman kung sino. Inismiran ko siya ng yumuko siya
"Ginawa mo yun sa kanya?"
"Kayong dalawa napaghahalataan na, isali niyo naman ako. Iba topic dito"
"Hindi no" tinuro ko si bakla
"Siya sumuntok"
"Guys! Wala daw pasok absent si ma'am. Walang iniwan na seat work" biglang pasok ng president namin. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa.
"Gala tayo bakla?"
"Sige ba, wala naman tayong pasok ngayong hapon at itong subject lang naman ngayon"
Nagsialisan na ang mga kaklase namin pati na din si Tyler na iritang-irita. Nakakatawa siyang tignan. Kaming tatlo na lang ang naiwan dito.
"Jadyle, gusto mong sumama?" Napalabi siya sa tanong ko
"Akala ko ba Dyle tawag mo sakin?"
"Hindi maganda pakinggan, Jadyle na lang mas bagay pa"
"Oo nga"
"May hindi ba ako nalalaman?" Singit ni bakla
"Wala, Gab na kasi tawag niya sakin. Kung Dyle naman tawag ko sa kanya hindi maganda pakinggan mabuti pa ang Jadyle"
"Jadyyyyyyyyyle! Miss kita babe" napatingin kami pareho sa sumigaw. Tumakbo siya at niyakap si Jadyle at hinalikan ito sa pisngi
"Wala daw kayong klase? Kami meron. Mamaya wala na"
"Pasok ka na, mapagalitan ka pa"
"Nah, no need to worry babe. Nag-exam lang kami at ako ang nauna siyempre inspired kaya pinauna na akong lumabas."
"Great. Gusto mong sumama tayo sa kanila?" Napatingin siya sa'min at tinaasan kami ng kilay
"Bakit kayo nandito?"
"Kanina pa kami nandito" sagot ni bakla
"It's a double date then" wala sa sariling sabi ko
"What?!" Sabay nilang tanong
![](https://img.wattpad.com/cover/25928336-288-k751882.jpg)
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?