Chapter 46 : Mom

1.6K 46 2
                                        

Fara's Pov

Pinagmamasdan ko sila ngayong naglalaro ng hide and seek. Silang lahat pati ang mga magulang namin sumali ako lang ang hindi. Nagkaroon pa kanina ng mini meet and greet with the family. Nagulat sila tita ng malaman na may girlfriend na ang anak nila, at nakipagkulitan pa ang mga ito sa kanila I don't think that's the proper word to describe.

"Gab! C'mon! Join us!" Yaya ni ate nang maupo sila sa damuhan para magpahinga

"It's okay ate, have fun"

"Guys! Alam niyo bang magaling si Fara sa larong 'to" pagtatawag ni kuya ng atensyon nila

Kinurot ko naman siya sa tagiliran at napadaing siya. Serves him right, ang daldal.

"Really? Are you that good Fara? Sali ka sa'min. For sure mahihirapang makita ka ng taya. Magaling ka palang magtago" sabi ni Carla habang pinupusan ang pawisan na noo ni Jadyle.

"Sabi mo pa, napakagaling niyan" kinurot ko ulit si kuya at pinanlakihan ng mata

"Pero mukhang ayaw niya eh. Nga pala Carla right?" Napabuntong hininga ako ng iniba na ni kuya ang topic buti naman

"Yes"

"Bakit kuya?" Takang tanong ni Jadyle at nagkibit-balikat lamang si kuya

"Wala lang" binatukan agad siya ni ate Jayla sa tanong niya pero tumawa lang si kuya kaya nilagyan ni ate ng sandwich ang bibig niya

Napatawa kaming apat sa kanila, ang cute lang nilang tignan. Parang mga bata

"Asshole" Napatingin kami kay kuya na ngayon ay nabulunan sa sinabi ni ate Jayla at nanlaki ang mata niya.

"Excuse me? What did you said?" Taas kilay na tanong ni kuya

"Ay bakla gusto ko 'to. Mukhang interesting. Maghihiwalay na sila" kinikilig na bulong ni bakla

"Tumigil ka sa kalandian mo bakla"

Nakipagtitigan pa si ate Jayla kay kuya at para kaming tanga dito na hindi gumagalaw dahil naghihintay sa sasabihin ni ate

"Jerk" and there it goes. Nakurot ko si bakla sa kilig.

Binigyan ni kuya ng kiss si ate Jayla sa pisngi at tumakbo palayo, sumunod naman si ate Jayla na pulang pula ang mukha. Ang sweet talaga ni kuya.

"Baklaaaa! Ang sweet nila diba?! Kuya! Baklaaaa" niyugyug ko siya sa balikat at nagpadala lang naman siya.

"Bakla! Tumigil ka nga. Anong kinasweet dun?" Nakabusangot na sabi niya

"Che! Selos ka lang bakla. Nandito naman ang best of best bestie mo" niyakap ko siya at naramdaman ko ang pagyakap din niya sakin.

Hinagod ko ang likod niya

"Ako na lang kasi" pabiro kong sabi sa kanya na nakapabitaw niya sa yakap sakin at marahan akong tinulak

"Bakla ka talaga" nakasimangot pa rin niyang sabi kaya tinawanan ko na lang siya

"Aw. Bagay kayong dalawa" sabi ng mommy ni Jadyle nang maupo sila sa tapat namin

Kumuha muna sila ng drinks kaya medyo natagalan sila. Sina mom naman naghahanda para sa hapunan.

"Thanks mom" masayang sagot ni Carla

Okay naman sa mom and dad ni Jadyle na mom and dad ang itawag sa kanila ni Carla, medyo nagulat nga lang nung una.

"Sorry to burst your bubble but hindi kayo ang ibig kong sabihin iha sila Fara and her friend Jess"

Nagkatinginan kami ni bakla sabay napangiwi. Kanina pa ganyan kung magsalita ang mommy ni Jadyle kina Carla pero hindi naman siya galit dito.

"Ma'am nako hindi kami talo niyan" sabay naming sagot ni bakla bago umiling sa kanya

"It's mom darling tutal dad naman din ang pinapatawag ng mister ko sayo. You're part of our family since your brother is my daughter's boyfriend"

Nahihiya mang tumango, yun parin ang ginawa ko.

"And Carla darling don't worry bagay din kayo ni Jade. And you're now part of our family" nakangiting sabi ni mom, siya na mismo ang nagsabi. Bigla namang ngumiti ng malaki si Carla ng marinig ang sinabi ni mom. Ugh, it's kinda weird. Sa tingin ko kailangan kong magsanay.

"Kain lang kayo, dahil baka matagalan pa sina pare dun magluto" sabi naman ni dad. It's weird talaga.

"Mom" mahinang sambit ko mahirap ng marinig nila ang pinagsasabi ko

"Mom"

"Mom"

"Hoy, anong binubulong mo diyan?" Tanong ni bakla habang nginunguya ang tuna roll

"Wala"

"Gusto mo nitong tuna roll?" Inilapit niya ang roll at mabilis ko naman itong kinagatan

"Babe, gusto mo ng milkshake? Or water?" Tanong ni Jadyle kay Carla

"Milkshake na lang babe" inabot naman niya ito sa kanya at nakangiti niya itong tinanggap

"Hey! Fara darling" napaayos ako ng tingin ng tawagin ako ni mom. Yeah right mom.

Tinanong niya ako kung anong gusto ko ding inumin kaya binigyan niya ako  ang isang bote ng tubig, nagpasalamat naman ako sa kanya.

"Nah, I won't accept it. Sabihin mo munang salamat mom"

Napakagat ako sa labi ko "Salamat mom"

"You're welcome" sagot niya bago ako kinindatan

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now