Chapter 55

1.8K 40 1
                                    

Fara's Pov

"Fara! Where have you been?! Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot!"

"Sweetheart, anong nangyari?" Niyakap kaagad ako ni mom. Si kuya naman panay lakad.

"Mo....mom" Nabasag ang boses ko. Bumitaw sa yakap si mommy at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Sweetheart, may problema ba?" Umiwas agad ako ng tingin ng makita ang nag-aalalang mukha niya

Oh? Ano na ngayon Fara tatanga-tanga ka tapos hindi mo naman pala alam kung pano sabihin? Ugh. Ano ba kasi 'tong pinasukan ko, dapat nakinig nako kay bakla una palang.

"Fuck! Fara sumagot ka nga! Anong ginawa ng gagong boyfriend mo?!" Napaatras ako sa gulat nang biglang sumigaw si kuya. Nakakunot ang noo niyang tumingin sakin. Napayuko ako at napakagat sa labi.

"You! Are you with her the whole night?" Tanong kaagad ni kuya kay bakla na nasa tabi ko, tahimik lang ding nakatayo. Umangat agad ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagtitigan lang sila

"What the! Would you please tell us what happened? What's wrong?" Nagpipigil sa galit na sambit ni kuya.

Naiiyak na ako pero ayaw kong makita nila kong naiyak. Tahimik pa rin, walang nagbabalak na magsalita. Pareho lang kaming nakayuko ni bakla.

"TANGI-"

"OO KUYA! TANG-INA! PERO HINDI EH, AKO 'TONG SI TATANGA-TANGA!" Hinawakan ni bakla ang braso ko. Hindi ko na talaga mapigilan.

"Mom...kuya....mapapatawad niyo ba ako kapag sinabi ko ang totoo? Magagalit ba kayo?" mahinang tanong ko sa kanila

"Sweetheart ofcourse. Just, just tell us what really happened"

"May nangyari po sa'min" napatingin agad ako kay bakla na ngayon ay pabalik-balik ang tingin kina mommy at kuya

Nanlaki ang mata ko sa gulat, hindi ko inaasahang sasabihin niya yun. Seryoso lang siyang nakatingin sa kanila. Lahat yata kami ay nagulat sa sinabi niya. Wala na namang umimik ni isa.

Pinisil niya ang kamay ko at ramdam na ramdam ko ang kaba niya. Siyempre bakla siya tapos bestfriend ko pa. Hindi naman namin inaasahan na mangyayari yun. Kahit hindi namin natandaan talaga ang nangyari may ebedinsiya naman sa kama kanina.

Nabitawan ko ang kamay ni bakla nang bigla akong niyakap ni mommy. Rinig ko ang mahinang pag-iyak niya kahit hindi man niya ipakita. Napayakap na lang din ako sa kanya at hinagod ang likod hindi alam kung anong gagawin.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng nahulog na bagay, mabilis kaming kumalas sa yakap at tinignan kung ano ang nahulog. Laking gulat ko na lang na nasa sahig na si bakla. Lumapit kaagad ako sa kanya bago siya tinulungang makaupo. Tinignan ko kaagad si kuya ng masama

"Fara, what's this?!" Napangiwi ako sa tono ng pananalita niya

"Kuya wala ka ng magagawa, wala na tayong magagawa. Nang....nangyari na kuya, maniwala ka hindi ko din ito ginusto. Akala ko pagkatapos kong maglasing magiging OK na pero hindi pala kuya. Hin-hindi"

Nang akmang susuntukin niya uli si bakla. Mabilis ko siyang hinarangan para hindi siya masuntok. Ngayon, nakaharap ako kay bakla. Kasalanan ko 'to, nadamay pa siya.

"Sige kuya, sumuntok ka. Tignan natin kung kaya mo bang masuntok ang sarili mong kapatid"

Nang hindi siya sumagot nilingon ko siya at nakitang yakap-yakap siya ni mommy.

"Kuya....,Ku-kuya. Kuya naman oh, hindi ko naman din 'to ginusto eh"

"It's entirely my fault. Kung binantayan ko lang sana ng maayos si Fara hindi 'to mangyayari."

Tumayo bigla kaya tumayo na rin ako, tabi niya. Bihira niya lang akong tawagin sa totoo kong pangalan, dahil sa tuwing hinahawakan ko lang naman ang buhok niya ako tinatawag sa totoo kong pangalan. Seryoso din ang tono ng boses ni bakla.

"I'm not mad. Sakin lang naman ay.... What if.."

"Pananagutan ko ang nangyari. Don't worry. Kahit pa ganito ako, hindi ko naman hahayaan na mag-isa lang si Fara"

"Jess, ano ba naman kasi kayong mga bata kayo. Sabagay, wala naman tayong magagawa."

Ano ba naman 'tong pinagsasabi nila. Pero may posibilidad nga.

"It's settle then. Ikaw na ang bahala sa anak ko, Jess"

"I trust you bro" sabi nila bago kami tinapik-tapik sa balikat at umalis na sa kung saan.

Pinandilatan ko agad ng mata si bakla sa pinagsasabi niya.

"Oh, chillax lang bakla. Nako, nakakakaba naman, buti na lang tapos na" binatukan ko agad siya. Kita mo 'to kanina, ang lalaki ngayon naman balik sa pagkabakla

"Kabaklaan mo talaga"

"Pero bakla, totoo yung sinabi ko kanina ha. Don't worry I'm here" kinindatan pa niya ako

"Ang bakla mo masyado, buti nga alam na nila. Umalis ka na nga" tinawanan niya lang ako bago ini-on ang tv namin.



Napaaga yata ako ngayon sa university, si kuya kasi may aasikasuhin kaya pinasama na niya ako. Inilagay ko nalang sa ilalim ng upuan ko ang bag bago naidlip, inaantok ako.

"Fara"

"Fara"

Inaantok pa talaga ako. Sino ba kasi 'tong makulit. Ikaw ba naman ang tawagan ng bakla mong kaibigan kagabi at walang ibang kweninto kundi tungkol sa nangyari kahapon, madaling-araw na nga siya natapos sa kakadaldal.

"Bakit?" antok na sagot ko sa kanya

"Ms. Smith, class hour na"

Napaayos agad ako sa upo nang marinig ang boses ni sir.

"Sorry sir" tumango lang siya at nagpatuloy sa pagdiscuss.

Inaantok talaga ako. Nilibot ko ang tingin sa room, nandito na pala sila. Klase na talaga.
Nangalumbaba lang akong nakinig kay sir. Wala sa sariling napatingin ako kay Jadyle. Naalala ko pa ang sinabi niya, mabuti pa si Carla. Napatagal na yata ang titig ko sa kanya kasi bigla siyang tumingin sakin at umiwas agad ng tingin bago tumayo at umalis.

Anyare dun? Umiiwas ba siya sakin?

"Bakla, hiyang-hiya naman ako. Nalusaw na yung tao sa kakatitig mo kanina. Tumayo ka na nga dyan, dismiss na oh"





Author's Note: Maraming salamat po sa 9k reads. Saranghaeyo~

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now