Fara's POV
"Don't worry, maghahanap ako ng paraan para magkita tayo"
"I'm not sure, but yes. I'll try, don't be sad about it"
"Bye" binulsa niya na ang phone at bumaling sakin
"May lakad ka?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong. Tumango siya
"Boyfriend duty" napahinto ako sa paglalakad at gulat na tinignan ang likod niya.
Nauuna na siya sa paglakad habang ito ako hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nang makabawi na sa gulat tumakbo ako at patalikod na naglakad, humaharap sa kanya. Nakangiti akong tumingin sa kanya. Bigla naman niya akong hinawakan sa balikat at marahang tinulak sa gilid, bahagya pa akong natapilok buti na lang hawak niya ang balikat ko. Napatingin ako sa gilid at nakita ang batang tumatakbo at may sumusunod naman ditong babae.
"Ne, pasensya ka na. Nasaktan ka ba?" Nag-alalang tanong ng isang ale na kasunod ng babae na humahabol sa bata
"Ayos lang po ako. Sorry po pala, kasalanan ko naman po kasi hindi ako naglalakad ng mabuti"
"Salamat ineng, yung anak ko naman din kasi napakalikot" ngumiti siya, nginitian ko din siya
"Buti na lang nandiyan ang nobyo mo, umalalay sayo. Gawain talaga yan ng nobyo, ang protektahan ang kanyang nobya"
"Hindi po kami" sagot ko
"Akala ko kasi, hala sige. Una na ko" tumango nalang ako. Umalis na siya, at naiwan kaming dalawa na walang nagsasalita
"Sorry kanina ha" umayos na ako sa paglalakad at sinabayan siya sa paglalakad
"Umayos ka kasi sa susunod, mag-ingat din" napangiti ako bigla sa sagot niya, kahit papano may natitira parin palang kabutihan sa kanya
"Gusto ko lang naman kasi kayong icongratulate, congratulations nga pala" masayang bati ko sa kanya pero sinuklian niya ako ng walang kasaya-sayang sagot sa boses niya.
"Salamat" Huminto siya sa harap ng isang boutique at tinignan ang pangalan nito.
Binati kaagad kami ng mga nakangiting staff at iginiya kami sa loob ng opisina ng kanilang designer and the same time ang may-ari ng boutique. Pinapunta kami ni prof dito, para magpasukat ng damit na gagamitin sa pageant. Ayaw niya kaming matalo, kaya pinapunta niya kami sa isa sa mga top designer. Sa mismong main branch nila. Halos dalawang oras din kaming nasa loob ng opisina ni ateng designer.
"Feel ko kayo ang mananalo, lakas makalove team e. Chemistry niyo umaapaw, sasabog na ang tube dahil sa pinagsamang formula niyo!" Tumitiling sabi niya ng palabas na kami
"Salamat po" nahihiyang sagot ko sa kanya. Lumabas na kami at huminto sa labas ng boutique.
"Uhm, una nako. Congratulations ulit!" Ngiting sabi ko sa kanya bago naglakad
"Teka! F-Fara!" Nilingon ko siya at hinintay na makarating sakin.
"Bakit?"
"It's already noon. Want some lunch first?"
"Sige ba, kung yan ay okay lang din sayo. Baka magalit pa si Carla sa akin"
"Don't worry, gutom na din kasi ako. Saan mo gusto?"
Napagpasyahan naming sa fast food chain na kumain. Masyadong classy kung sa isang restaurant. Hati kami sa bill pero ayaw niya, nagpumilit siyang siya na ang magbayad kaya sa huli siya ang nagbayad.
"Jadyle, ayaw ko mang sabihin ito pero" tumigil ako sa pagsasalita at ininom ang cola ko. Hindi ko siya tinignan, nasa plato ko lang nakatuon ang atensyon ko.
"Can we, can we become friends?" Tinignan ko siya at kita ang gulat niya sa sinabi ko
"I understand if you don't want to"
"Friends" napatingin ako sa nakalahad niyang kamay. Inabot ko ito bago nakipagkamayan sa kanya.
"Salamat" Now we're friends, I hope wala ng problema.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Ficção AdolescenteFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?
