Chapter 19 : Debut

2K 58 2
                                    

Fara's POV

Wala akong napili na damit sa mga nadaanan naming mga boutique. Si Jess naman ay may dalawa nang paperbags na dala. Pang-apat na boutique na namin 'to at wala pa akong nagugustuhan.

"Fara, dali na bumili ka na. Treat ko" kanina pa siya ganyan, atat na atat na librehan ako

"Ano ba ang okasyon?" Tanong ko sa kanya habang hinahalungkat ang mga damit na nakahanger

Napahinto siya sa pagtatapat ng damit sa kanyang katawan at tinaasan ako ng kilay na para bang hindi makapaniwala sa nasabi ko

"Come on! Bakla! Signs of aging. Matanda ka na" umiiling-iling pa na sagot niya

"Ano nga sabi!" Pagpupumilit ko sa kanya

"Gaga! Birthday mo na sa susunod na susunod pa na linggo"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi. I'm going to debut. Oh my gosh! Ito pala ang sinabi ni mommy kanina na may nakalimutan ako. It's my freaking birthday! I'm going to be 18! Tumalon-talon ako sa tuwa at sinama pa si Jess sa kabaliwan na ginawa ko.

"Ikaw na ang magbibirthday. So can we stop jumping?" Huminto na ako at marahan siyang niyugyog. Still can't believe it!

"I'm going to have my debut! I'm going to be 18! My gosh! I forgot my own birthday!" Tinapik niya ang kamay kong nasa balikat niya bago binatukan

"Ang sakit. Pero bakla! Bakit ko nalimutan ang sarili kong birthday?"

"Ewan ko sayo" niyaya na din niya akong lumabas at pumunta sa food court

Pagkatapos naming kumain, tinawagan ko si mom na naalala ko na ang special occasion, my birthday. She even teased me, tanda ko na. Pinauwi niya na kami. At ngayon, kinakausap na ni mom ang organizer for my 18th birthday. I want a simple one, sila na ang bahala tutal wala naman akong maiitulong.

"Jess isa ka sa 18th roses ko, gusto ko magmukha ka nang tao ha" biro ko sa kanya

"Tita, pwede namang isa na lang ako sa magbibigay ng gifts o messages. Di kaya kami talo nito"

"Aba, mapili ka bakla! Sige na payag ka na" itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang buhok niya pero mabilis naman niya itong ibinaba

"Oo na, Oo na! Isasali mo na naman ang buhok ko" Napailing naman si mom sa pinaggagawa namin.

"Ma'am uulitin ko lang po ang plano para sa debut" sabi ni ateng na mag-oorganize. Nag-excuse naman kami ni bakla at pumunta sa kwarto ko.

"Anong plano mo ngayon na ipapakilala ka na ng mga magulang mo bilang si Fara Gabriel Smith sa buong university?" Tanong niya agad pagkasarado ko ng pinto. Tumabi ako sa kanya.

"Ewan" kibit-balikat kong sagot

"Wag na lang 'yan natin problemahin. Chillax ka na lang. Lapit na ang birthday mo"

"Ikaw kaya ang nagtanong"

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now