Chapter 22 : Tomorrow

1.9K 52 0
                                        

Fara's POV

"Yan! Galingan niyo! Go! Go! Go!" Halos mabali na ang heels ko sa kakapractice. Bukas na ang event. Nakakakaba hindi dahil sa pageant kundi dahil sa pagpapakilala nina mom bukas.

"Break!" Sigaw niya. Umupo agad ako sa stage sa sobrang pagod.

May naglahad sakin ng tubig at tinanggap ko iyon agad bago nagpasalamat sa kanya.

"Are you nervous?" Nagkibit-balikat lamang ako

"Honey!" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses.

Si Carla may dala-dalang bottle water, hinalikan niya si Jadyle sa pisngi bago ibinigay ang tubig. Pumunta sila sa mas malayong parte ng stage, kung saan kunti lang ang naroon. Hindi ko naman aagawin ang boyfriend niya. Ininom ko na lang ang tubig at tinitigan ang lagyanan into.

"Hey" halos mapatalon ako sa gulat ng bumulong si Tyler sakin

"Nagulat ba kita?"

"Siyempre!" Sagot ni bakla na nasa likuran niya, may bitbit na isang malaking pack ng Lays at isang malaking bottle water

"Haggard niyo na te! Kailan kayo matatapos? Alas sais na" sinulyapan ko ang relo ko at tama nga siya alas sais na.

"Bakit hindi pa kayo umalis?"

"To support you, cheer you" sagot ni Tyler bago ngumiti. Umupo silang dalawa sa tabi ko.

"Nakaabala pa ako sa inyo"

"Nevah bakla" tumango naman si Tyler pagsang-ayon sa sinabi ni bakla

"Kumusta pala ang booth natin? Marami ba ang pumasok?" Pumalakpak si Jess hanggang sa pahina ito ng pahina at ngumiwi

"Marami nga ang naging kita natin, ang kapalit yung eardrums namin! Nakakastress ang mga kumakanta! Yung mga nagpipicture naman puro pacute!" Nagpaypay siya gamit ang kamay bago maarteng hinawi sa gilid ang ilang hibla ng buhok

"Buti natagalan niyo" tumawa silang dalawa

"Nope! Pinabantayan namin ni Carla. Tama lang din yun sa kanya, isang araw siyang wala kaya ngayong pumasok siya pinabantayan namin. We're free today, ganoin"

Kinain din namin ang dala nilang pagkain at nagsalo sa tubig na dala nila. Saktong nakapagpahinga pagkatapos kumain ay balik practice na naman. Umuwi na si Tyler dahil pinauwi ko na, ayaw kong ihatid niya ako ngayon dahil uuwi ako sa mansiyon.

"Last round na 'to kaya galingan niyo. Geh, tayo! Tayo! Bilisan niyo para makapagpahinga na"

Ginawa na namin ang production number at ang paglakad sa stage. Inulit pa ng ilang beses bago tuluyang pinauwi.

"So, tomorrow will be your big day. Galingan niyo! Pwede ng umuwi"

Inintay ako ni bakla hanggang sa matapos ang rehearsal. Sabay na kami uuwi, magsisleep-over siya sa'min.

"Are you ready for tomorrow?" Tanong niya ng nasa kama na kami, hindi ko siya sinagot pero nagkibit-balikat lang sa kanya, bago tumabi sa kanya.

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now