Chapter 54 : Condo

1.8K 43 4
                                    

Fara's Pov

Ugh. Ang bigat parang may nakadagan sakin. Nag-unat muna ako bago kinusot ang mata.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHH!"

Teka, ba't. Ba't magkatabi kami ni bakla?! Wala namang malisya pero wala siyang suot pantaas. Napahawak ako sa ulo na biglang kumirot, ang sakit-sakit. Napatingin ako sa sarili ko at napatili uli sa nakita.

"AAAAAAAAAAAAH-"

"Ang ingay-ingay naman. Sino ba yan" inaantok na sabi niya

Ang sakit na nga ng ulo ko, wala pa siyang balak mag-explain. Sana walang nangyari, please. Ano ba kasing ginawa ko kagabi? Ang naalala ko lang naman ay nagbar kami, tapos uminom, sumayaw at, at, hindi ako nagpaalam kina mom at kuya. Fuck.

Hinanap ko agad ang cellphone ko sa kama pero wala. Hinigit ko ang kumot para pantakip sa sarili ko. Mamaya ko na lang iisipin kong bakit wala akong damit. Importante ang cellphone ko.

Napasinghap ako nang makita ang pulang mantsa sa kama pagkahigit ko sa kumot. Shit, shit, shit! Mabilis na kinuha ko ang unan, wala na akong pake ngayon sa cellphone ko.

Pinagbabato at hampas ko siya ng unan. Tang-ina, hindi naman ako ganito kalakas magmura. Ang tagal magising ng bakla.

"BAKLA! BAKLAAA!" Napaupo siya bigla sa lakas ng boses ko.

"BAKLA! May-may na....nangyari ba satin?!" Naiiyak na tanong ko sa kanya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko, ang tanga ko.

"Ha?"

"Mag-isip ka nga!" Iyak na sigaw ko sa kanya. Umupo ako at mabilis na napatayo dahil nasusuka. Pumunta agad ako sa banyo para sumuka. Ang baho! Nagmumog muna ako bago lumabas, medyo nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Kunti na lang. Damn, hangover.

Pagkalabas ko nakita ko siyang nakayuko. Hawak-hawak ang ulo niya. Lumapit ako sa kanya at tahimik na naupo.

"Sorry" mahinang sabi niya.

Ano? Totoo nga. Ang tanga mo Fara! Ano? Iiyak ka na naman? Hindi ko talaga mapigilan ang pag-iyak. Tahimik lang akong naiyak, pinapatulo ang luha ko.

"Sorry dahil wala akong naalala" Tumigil bigla ang mga luha ko sa sinabi niya.

"Naalala ko lang kagabi, lumabas tayo para uminom, sumayaw ka, iniwan kita at sinabihang maghintay sakin sa may couch dahil magccr ako. Yun lang, wala na akong ibang naalala. Ito" Turo niya sa kama at kumot na nakapulupot sakin

"Hindi ko na naalala. Ang mas matindi..." Napayuko uli siya

"Hindi sakin ang condo unit na 'to"

"What?!" Napatayo ako sa sinabi niya. Tumayo din siya at hinawakan ang balikat ko.

"Hindi pa ba obvious yun bakla? Pinagsamantalahan tay-" binatukan ko siya

"Gage. Anong tayo? Ako lang no! Pinagsamantalahan mo ako, dinala mo pa ako sa condo na 'to" nilibot ko ang tingin sa kwarto malaki naman siya, simple lang ang design. May malalaking kurtina na nakatakip sa glass window.

Ang mas napansin ko ay ang gamit na dala ko na nakapatong sa bedside table. Nandun din ang mga damit ko na halatang bagong laba. Lumapit ako dito at kinuha ang phone para tingnan kung anong oras na. Magtatanghalian na pala.

"AAAAAAAAAAHHHHHH!" Napatalon ako sa gulat at nabitawan ang cellphone ko.

"Ayos ka lang?" Talaga lang ha, seryoso? Ako pa talaga ang may ganang magtanong kay bakla eh ako na nga itong nawalan.

"Ghad, bakla. Oh my, hindi na ako..... Gosh, is this real. Feeling ko nasusuka ak-" tumakbo siya papunta sa banyo at dun nagsuka.

Nang lumabas siya sa cr, hindi maipinta ang mukha niya.

"Bakla, pano na yan. Girl, I'm sorry. Ano na? Sorry talaga, sorry, sorry, sorry" napabuntong-hininga ako sa sinabi niya.

"Wala na tayong magagawa. Pareho pa nating hindi naalala. Kasalanan ko naman 'to eh" kinuha ko ang damit ko bago pumasok sa cr.

Madali lang ang naging pagligo ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit. Paika-ika akong lumakad papunta kay bakla. Siya naman ang sumunod na gumamit ng banyo habang ako tinawagan ko ang laundry shop na nandito sa telephone line. Maya-maya pa ay binigay ko na sa kanila ang bed sheet at sinabihang ilagay na lang mamaya sa labas ng pintuan kapag natapos na.

"Bakla, halika na. Baka makita pa tayo ng may-ari nito" tumango ako sa sinabi niya

Pagbaba namin sa lobby, wala namang nagsita sa'min.

"Bakla, baka sayo 'yung unit. Nakalimutan mo lang. Imposible namang papasukin nila tayo, high class kaya 'to" tanong ko sa kanya

"Aha! Alam ko na, halika" kinaladkad niya ako papunta sa may reception desk kaya mabilis ko siyang hinigit pabalik

"Wag na, baka sabihin pa nilang mag trespasser tayo ng unit. Wag na lang, ang importante hindi tayo nakita." Bulong ko sa kanya bago pasimpleng tumingin sa lalaking attendant na nasa reception desk.

Tumalikod agad ako ng ngumiti siya sakin

"O? Ano na?"

"Hoy! Girl? OK ka lang? Sino ba-"

"Wag kang tumingin bakla. Tara na"

Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay na kami sa taxi. Buti na lang. Ano ba naman kasi 'tong gulong napasukan ko? Wala sa sariling sinapo ko ang noo ko. Parang napagod ako sa mga nangyari ngayon kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni bakla.


Author's Note: HEY! THANK YOU PO SA ONE HUNDRED FOLLOWERS!! :* LOVE YOU ALL!

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now