Fara's Pov
"Kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gano kasakit para sakin na saktan ka. Na mali pala ang desisyon ko na maghiganti. Na akala ko magiging masaya ako pero hindi. Nasasaktan lang ako Gab. Na akala ko malilimutan na kita pero hindi, mas naalala pa kita. Oo, nung sinabi ko sayong napatawad na kita hindi yun totoo. Pero yung tinanggap ko ang alok mo na maging magkaibigan ulit tayo, totoo yun."
"Jadyle pwede ba?! Pwede bang tumigil ka na?! Naguguluhan na ako! Please! Layuan mo na lang ako!"
"Akala ko matutunan kong mahalin si Carla pero hindi. Oo't magkasama kami palagi pero ikaw ang nasa puso't isip ko Gab. Nagpakatanga pa ako nung pilit kitang inalalayo kay Tyler sa mall" Kunot-noo ko siyang tinignan, naguguluhan sa pinagsasabi niya
"Yung pilit mong tinitignan ang lalaki sa may botique at hinarangan kita sa pagtingin dahil may binigay akong paperbag? Yung nasa timezone na tinulak ko si Jess? Lahat nang yun ginawa ko para hindi mo makita ang mga kagagaguhang pinaggagawa ni Tyler! Para hindi mo siya makitang may kasamang babae at kahalikang iba na pinakita pa sa maraming tao! I knew I complicate things. I'm weird. Me too, I don't know what happened to me but one thing is for sure....." Napaiwas ako ng tingin ng may luhang tumakas sa mga mata niya. Garalgal na din ang boses niya, ramdam ang pagod at sakit sa boses niya.
"I'm still inlove with you Gab. I fucking do!"
Napatingin ako sa kanya at biglang napaatras nang may babaeng sumulpot sa harapan ko at sinampal ang lalaking nasa harapan ko. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya.
"WOW! WHAT A SCENE! Ako pa talaga ang nakaistorbo sa love story niyo! ANO?! MAGSALITA KA! KITANG-KITA AT DINIG NA DINIG KO ANG PINAG-UUSAPAN NIYO!"
Napatingin ako kay bakla na ngayon ay nasa tabi ko na habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Car-la! I'm sorry. I'm so sorr-" bahagya kaming napatalon ni bakla sa lakas ng pagsampal niya ulit kay Jadyle
"Alam ko naman yun eh. Pinagpipilitan ko pa kasi ang sarili ko sa mga taong hindi ako gusto. Ramdam ko naman yun eh. Na kahit magkasama tayo parang ang layo-layo mo. So, is this the famous line now that I'm going to say, or yours to say? The 'let's break-up'?" Napayuko siya bago humugot ng hangin at diretsong tumingin sa kanya
"Yes. Let's break-up Carla"
"OK. Madali lang naman akong kausap. Let's break-up now"
"And since wala naman tayo, salamat pa din sa pinakita mong pagmamahal bilang kaibigan sakin, sa oras at effort mo. Alam ko namang matatauhan ka din sa pinaggagawa mo. Alam ko na ikaw ang may pakana sa mga nangyayari kay Fara, the pictures. Dahil naawa ako kay Fara nung unang lumabas ang picture niya sa bulletin dumiretso agad ako sa security room at tinignan ang footage. Hindi ako nagsalita hinayaan lang kita, kung ano ba talaga ang gusto mo. Sa tingin mo? Kung wala akong alam sa ginagawa mo, papayag ba akong hindi kasama tuwing hinahanap niyo ang basher slash hater niya? Of course not. Nakakapagod na ding maging isang kontrabida kung unang-una pa lang talo ka na." Tinalikuran niya si Jadyle at humarap sa'min.
Tumigil na ang mga luha ko at napalitan ng isang nganga dahil sa pinagsasabi ni Carla.
"And for you girl. I hope you can forgive him I know he's telling the truth and he's really sorry. Go girl! Kaya mo yan! May papunta pa dito, pumili ka lang." Nakangiti niyang sabi
Tinapik niya ang balikat ko at bumulong
"Don't worry. I'm not being plastic in here. Wrong grammar ba? Pasensya na. Basta don't worry sakin I'm really OK ha. If you want a friend then here I am. Good luck girl" tinapik niya uli ang balikat ko bago ako kinindatan at umalis na
Hindi pa ako nakakarecover sa nangyari may dumating na naman.
"Ano na naman?!" Sigaw ko kay Tyler nang tuluyan na siyang makalapit sa'min
"Fara, hindi ako pumunta dito para manggulo. Nandito ako para humingi ng tawad. Humingi ng second chance"
"Ah..Ano?! Pak-pakiulit nga"
"Sorry. And if you don't mind, I want us"
"Again" dagdag pa niya.
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwala. Totoo? Nananaginip lang ba ako? Kinurot ko ang pisngi ko at napangiwi sa sakit. Totoo nga. Nakangangang nakatulala lang ako sa kanya. Hindi maproseso ang pinagsasabi niya.
"Gab, I know you can't forgive me that fast. But I hope we can start over again. Can we?"
Pakiramdaman ko mapapaupo ako bigla nito. Seryoso? Hindi ko pa nga napoproseso ang sinabi ni Tyler dadagdag naman siya? Ugh. Wala sa sariling napahawak ako sa buhok ko. Bahala sila. Bumuntong-hininga ako bago seryosong tumingin sa kanila.
"Tang-ina niyo!" Sigaw ko sa kanila bago umalis.
A/N: Happy 8k reads po. Maraming salamat po :)
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?
